Nagligtas Kami sa mag-anak niya at mga tagasunod niyang mga mananampalataya lamang saka nilunod Namin ang iba pa sa kanila kabilang sa mga kababayan niya na mga tagatangging sumampalataya.
التفاسير:
78:37
وَتَرَكۡنَا عَلَيۡهِ فِي ٱلۡأٓخِرِينَ
Nag-iwan Kami para sa kanya sa mga kalipunang sumunod ng isang magandang pagbubunyi na ipinambubunyi nila sa kanya.
التفاسير:
79:37
سَلَٰمٌ عَلَىٰ نُوحٖ فِي ٱلۡعَٰلَمِينَ
Katiwasayan at kapayapaan ay ukol kay Noe, na may sabihin hinggil sa kanya na isang kasagwaan sa mga kalipunang kasunod, bagkus mananatili para sa kanya ang pagbubunyi at ang pagbanggit na maganda.
التفاسير:
80:37
إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Tunay na tulad ng ganting ito na iginanti kay Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – gagantihan ang mga tagagawa ng maganda dahil sa pagsamba nila at pagtalima nila kay Allāh lamang.
التفاسير:
81:37
إِنَّهُۥ مِنۡ عِبَادِنَا ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Tunay na si Noe ay kabilang sa mga lingkod na mga mananampalataya na gumagawa ng pagtalima kay Allāh.
التفاسير:
82:37
ثُمَّ أَغۡرَقۡنَا ٱلۡأٓخَرِينَ
Pagkatapos nilunod Namin ang mga naiwan sa pamamagitan ng gunaw na ipinadala Namin sa kanila, kaya walang natira mula sa kanila na isa man.
التفاسير:
83:37
۞ وَإِنَّ مِن شِيعَتِهِۦ لَإِبۡرَٰهِيمَ
Tunay na si Abraham ay kabilang sa mga alagad ng relihiyon niya, na mga sumang-ayon sa kanya sa pag-aanyaya niya sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh.
التفاسير:
84:37
إِذۡ جَآءَ رَبَّهُۥ بِقَلۡبٖ سَلِيمٍ
Kaya banggitin mo nang dumating siya sa Panginoon niya nang may pusong malinis mula sa shirk, na nagpapayo alang-alang kay Allāh sa nilikha Niya,
nang nagsabi siya sa ama niya at mga kababayan niyang mga tagapagtambal, habang nanunumbat sa kanila: "Ano ang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh?"
التفاسير:
86:37
أَئِفۡكًا ءَالِهَةٗ دُونَ ٱللَّهِ تُرِيدُونَ
Mga diyos na pinasinungalingan ba ay sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh?
التفاسير:
87:37
فَمَا ظَنُّكُم بِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Kaya ano ang palagay ninyo, O mga kababayan, sa Panginoon ng mga nilalang kapag nakipagkita kayo sa Kanya habang kayo ay sumasamba sa iba pa sa kanya? Ano sa tingin ninyo ang gagawin Niya sa inyo?"
التفاسير:
88:37
فَنَظَرَ نَظۡرَةٗ فِي ٱلنُّجُومِ
Kaya tumingin si Abraham nang isang tingin sa mga bituin, habang nagpapanukala ng isang pakana para sa pagwawaksi ng paglabas kasama sa mga kababayan niya,
التفاسير:
89:37
فَقَالَ إِنِّي سَقِيمٞ
saka nagsabi habang nagdadahilan ng paglabas kasama sa mga kababayan niya patungo sa pagdiriwang nila: "Tunay na ako ay may karamdaman."
التفاسير:
90:37
فَتَوَلَّوۡاْ عَنۡهُ مُدۡبِرِينَ
Kaya iniwan nila siya sa likuran nila at umalis sila.
Kaya bumaling siya sa mga diyos nila na sinasamba nila bukod pa kay Allāh saka nagsabi habang nanunuya sa mga diyos nila: "Hindi ba kayo kumakain mula sa pagkain na ginagawa ng mga tagapagtambal para sa inyo?
التفاسير:
92:37
مَا لَكُمۡ لَا تَنطِقُونَ
Ano ang lagay ninyo na hindi kayo nagsasalita at hindi kayo sumasagot sa nagtatanong sa inyo? Ang tulad ba nito ay sinasamba bukod pa kay Allāh?"
التفاسير:
93:37
فَرَاغَ عَلَيۡهِمۡ ضَرۡبَۢا بِٱلۡيَمِينِ
Kaya bumaling laban sa kanila si Abraham, na humahampas sa kanila ng kanang kamay niya upang basagin sila.
التفاسير:
94:37
فَأَقۡبَلُوٓاْ إِلَيۡهِ يَزِفُّونَ
Kaya lumapit patungo sa kanya ang mga mananamba ng mga anitong ito, na nagmamabilis.
التفاسير:
95:37
قَالَ أَتَعۡبُدُونَ مَا تَنۡحِتُونَ
Kaya humarap sa kanila si Abraham nang may katatagan at nagsabi sa kanila habang naninisi sa kanila: "Sumasamba ba kayo bukod pa kay Allāh sa mga diyos na kayo ang lumilok sa pamamagitan ng mga kamay ninyo
التفاسير:
96:37
وَٱللَّهُ خَلَقَكُمۡ وَمَا تَعۡمَلُونَ
samantalang si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay lumikha sa inyo mismo at lumikha sa gawa ninyo, na kabilang sa gawa ninyo ay itong mga anito, kaya Siya ay ang karapat-dapat na sambahin lamang at hindi Siya tambalan ng iba pa sa Kanya?"
Noong nawalang-kakayahan sila sa pakikipagtunggali sa kanya sa pamamagitan ng katwiran, napilitan silang gumamit ng lakas. Kaya nagsanggunian sila sa gitna nila hinggil sa gagawin nila kay Abraham. Nagsabi sila: "Magpatayo kayo para sa kanya ng isang gusali. Punuin ninyo iyon ng kahoy na panggatong. Pagningasin ninyo iyon, pagkatapos itapon ninyo siya roon."
Kaya nagnais ang mga kababayan ni Abraham kay Abraham ng isang kasagwaan sa pamamagitan ng pagpapahamak sa kanya para makapagpahinga sila sa kanya, ngunit ginawa Namin silang mga lugi nang ginawa Namin ang apoy na kalamigan at kaligtasan sa kanya.
التفاسير:
99:37
وَقَالَ إِنِّي ذَاهِبٌ إِلَىٰ رَبِّي سَيَهۡدِينِ
Nagsabi si Abraham: "Tunay na ako ay lilikas tungo sa Panginoon ko habang iniiwan ang bayan ng mga kababayan ko upang makapagsagawa ako ng pagsamba sa Kanya; gagabay sa akin ang Panginoon ko sa anumang naroon ang kabutihan para sa akin sa Mundo at Kabilang-buhay.
التفاسير:
100:37
رَبِّ هَبۡ لِي مِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ
O Panginoon, tumustos ka sa akin ng anak na maayos na magiging isang tulong at pamalit para sa akin sa mga kababayan ko dahil sa pagkakalayo sa bayang tinubuan."
التفاسير:
101:37
فَبَشَّرۡنَٰهُ بِغُلَٰمٍ حَلِيمٖ
Kaya tumugon Kami sa kanya sa panalangin niya saka nagpabatid Kami sa kanya ng ikagagalak niya yayamang nagbalita Kami sa kanya ng nakagagalak hinggil sa isang anak na lalaki at magiging matimpiin. Ang anak na ito ay si Ismael – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
Kaya noong nagbinata si Ismael at nakaabot ang pagpupunyagi nito sa pagpupunyagi ng ama nito, nanaginip ang ama nitong si Abraham ng isang panaginip. Ang panaginip ng mga propeta ay isang kasi. Nagsabi si Abraham habang nagpapabatid sa anak niya tungkol sa katuturan ng panaginip na ito: "O munting anak ko, tunay na ako ay nakakita sa pagtulog na ako ay kumakatay sa iyo, kaya tumingin ka kung ano ang naiisip mo kaugnay roon." Kaya sumagot si Ismael sa ama niya, na nagsasabi: "O ama ko, gawin mo po ang ipinag-utos sa iyo ni Allāh na pagkakatay sa akin. Matatagpuan mo po ako, kung niloob ni Allāh, na kabilang sa mga nagtitiis na nalulugod sa kahatulan ni Allāh."
التفاسير:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• من مظاهر الإنعام على نوح: نجاة نوح ومن آمن معه، وجعل ذريته أصول البشر والأعراق والأجناس، وإبقاء الذكر الجميل والثناء الحسن.
Kabilang sa mga pagtatanghal ng pagbibiyaya kay Noe ay ang pagkaligtas ni Noe at ng mga sumampalataya kasama sa kanya; ang paggawa sa mga supling niya bilang mga ugat ng sangkatauhan, mga lahi, at mga rasa; at ang pagpapanatili sa marikit na pagbanggit at magandang pagbubunyi [sa kanya].
• أفعال الإنسان يخلقها الله ويفعلها العبد باختياره.
Ang mga gawain ng tao ay nililikha ni Allāh at ginagawa ng tao ayon sa pagpili nito.
• الذبيح بحسب دلالة هذه الآيات وترتيبها هو إسماعيل عليه السلام؛ لأنه هو المُبَشَّر به أولًا، وأما إسحاق عليه السلام فبُشِّر به بعد إسماعيل عليه السلام.
Ang alay ayon sa pahiwatig ng mga talata ng Qur'ān at pagkakasunud-sunod ng mga ito ay si Ismael – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – dahil siya ay ang ibinalita nang una. Tungkol naman kay Isaac – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ibinalita ito matapos ni Ismael – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
• قول إسماعيل: ﴿سَتَجِدُنِي إِن شَآءَ اْللهُ مِنَ اْلصَّابِرِينَ﴾ سبب لتوفيق الله له بالصبر؛ لأنه جعل الأمر لله.
Ang sabi ni Ismael: "Matatagpuan mo po ako, kung niloob ni Allāh, kabilang sa mga nagtitiis" ay isang kadahilanan ng pagtutuon ni Allāh sa kanya sa pagtitiis dahil siya ay naniwalang ang pag-uutos ay ukol kay Allāh."