Kaya noong dumating na ang mga manggagaway kay Paraon upang makipanaig kay Moises ay nagsabi sila roon: "Mayroon kaya kaming gantimpalang materyal o moral kung ang pananaig ay naging sa amin laban kay Moises?"
Nagsabi sa kanila si Paraon: "Oo, magkakaroon kayo ng gantimpala, at tunay na kayo sa sandali ng pagwagi ninyo laban sa kanya ay talagang kabilang sa mga palalapitin sa ganang akin sa pamamagitan ng pagbibigay sa inyo ng mga katungkulang mataas."
Nagsabi sa kanila si Moises habang nagtitiwala sa pag-aadya ni Allāh at naglilinaw na ang taglay niya ay hindi panggagaway: "Pumukol kayo ng anumang ipupukol ninyo na mga lubid ninyo at mga tungkod ninyo."
Kaya pumukol sila ng mga lubid nila at mga tungkod nila at nagsabi sila sa sandali ng pagpukol nila ng mga ito: "Sumpa man sa kadakilaan ni Paraon, tunay na kami, talagang kami, ay ang mga tagapanaig at si Moises ay ang nadaig."
Nagsabi si Paraon habang nagmamasama sa mga manggagaway sa pagsampalataya nila: "Naniwala ba kayo kay Moises bago ako magpahintulot sa inyo niyon? Tunay na si Moises ay talagang siya ang pasimuno ninyo na nagturo sa inyo ng panggagaway. Nagsabwatan kayong lahat sa pagpapalisan sa mga mamamayan ng Ehipto mula sa Ehipto kaya talagang malalaman ninyo ang ibabagsak ko sa inyo na parusa. Talagang magpuputul-putol nga ako ng paa ng bawat isa at ng kamay niya nang magkabilaan sa mga ito sa pamamagitan ng pagputol sa kanang paa kaalinsabay ng kaliwang kamay, o kabaliktaran. Talagang magbibitin nga ako sa inyo nang magkakasama sa mga troso ng punong-datiles. Hindi ako magtitira mula sa inyo ng isa man."
Nagsabi ang mga manggagaway kay Paraon: "Walang pinsala sa anumang ibinabanta mo sa amin na pagputol at pagbibitin [sa puno] sa Mundo sapagkat ang pagdurusang dulot mo ay maglalaho samantalang kami sa Panginoon namin ay mga uuwi. Magpapapasok Siya sa amin sa awa Niyang palagian.
Tunay na kami ay naghahangad na pumawi si Allāh para sa amin sa mga naunang pagkakamali namin na nagawa namin, yayamang kami ay naging una sa sumampalataya kay Moises at naniwala sa kanya."
Nagkasi Kami kay Moises habang nag-uutos sa kanya: "Maglakbay ka sa gabi kasama ng mga anak ni Israel. Tunay na si Paraon at ang sinumang kasama sa kanya ay mga susunod sa kanila upang magpabalik sa kanila."
Kaya nagpadala si Paraon ng ilan sa mga kawal niya sa mga lungsod bilang mga tagapagtipon na magtitipon sa mga hukbo upang magpabalik sa mga anak ni Israel noong nakaalam siya sa paglalakbay nila mula sa Ehipto.
التفاسير:
54:26
إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ لَشِرۡذِمَةٞ قَلِيلُونَ
Nagsabi si Paraon habang nagmamaliit sa kalagayan ng mga anak ni Israel: "Tunay na ang mga ito ay talagang isang pangkating kaunti.
التفاسير:
55:26
وَإِنَّهُمۡ لَنَا لَغَآئِظُونَ
Tunay na sila ay talagang mga gumagawa ng nagpapangitngit sa atin laban sa kanila.
التفاسير:
56:26
وَإِنَّا لَجَمِيعٌ حَٰذِرُونَ
Tunay na tayo ay talagang mga nakahanda para sa kanila, mga tagapagmatyag."
التفاسير:
57:26
فَأَخۡرَجۡنَٰهُم مِّن جَنَّٰتٖ وَعُيُونٖ
Kaya nagpalabas Kami kay Paraon at sa mga tao niya mula sa lupain ng Ehipto na may mga harding mayaman at mga bukal na dinadaluyan ng mga tubig,
التفاسير:
58:26
وَكُنُوزٖ وَمَقَامٖ كَرِيمٖ
at may mga imbakan ng yaman at mga tirahang maganda.
التفاسير:
59:26
كَذَٰلِكَۖ وَأَوۡرَثۡنَٰهَا بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ
Kung paanong nagpalabas Kami kay Paraon at sa mga tao niya mula sa mga biyayang ito, gumawa naman Kami ng kauri ng mga biyayang ito noong matapos nila para sa mga anak ni Israel sa Shām.
التفاسير:
60:26
فَأَتۡبَعُوهُم مُّشۡرِقِينَ
Kaya naglakbay si Paraon at ang mga tao niya kasunod sa mga anak ni Israel sa oras ng pagsikat ng araw.
التفاسير:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• العلاقة بين أهل الباطل هي المصالح المادية.
Ang ugnayan sa pagitan ng mga alagad ng kabulaanan ay ang mga kapakanang materyal.
• ثقة موسى بالنصر على السحرة تصديقًا لوعد ربه.
Ang tiwala ni Moises sa pag-aadya laban sa mga manggagaway ay bilang pagpapatotoo sa pangako ng Panginoon niya.
• إيمان السحرة برهان على أن الله هو مُصَرِّف القلوب يصرفها كيف يشاء.
Ang pagsampalataya ng mga manggagaway ay patotoo na si Allāh ay tagapagpabaling ng mga puso, na ibinabaling Niya kung papaano Niyang niloloob.
• الطغيان والظلم من أسباب زوال الملك.
Ang paniniil at ang kawalang-katarungan ay kabilang sa mga kadahilanan ng paglaho ng paghahari.