O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa Batas Niya, huwag kayong sumunod sa mga daan ng demonyo sa pang-aakit nito sa kabulaanan. Ang sinumang sumusunod sa mga daan nito, tunay na ito ay nag-uutos ng pangit na mga gawain at mga pananalita, at ng anumang minamasama ng Batas [ng Islām]. Kung hindi dahil sa kagandahang-loob ni Allāh sa inyo, O mga mananampalataya, walang nadalisay kabilang sa inyo na isa man magpakailanman sa pamamagitan ng pagbabalik-loob kung nagbalik-loob ito; subalit si Allāh ay nagdadalisay sa sinumang niloloob Niya sa pamamagitan ng pagtanggap ng pagbabalik-loob nito. Si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ninyo, Maalam sa mga ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman at gaganti sa inyo sa mga ito.
التفاسير:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• إغراءات الشيطان ووساوسه داعية إلى ارتكاب المعاصي، فليحذرها المؤمن.
Ang mga pang-uudyok ng demonyo at mga sulsol nito ay tagapag-anyaya sa paggawa ng mga pagsuway kaya mag-ingat sa mga ito ang mananampalataya.
• التوفيق للتوبة والعمل الصالح من الله لا من العبد.
Ang pagtutuon para sa pagbabalik-loob at gawang maayos ay mula kay Allāh hindi mula sa tao.
• العفو والصفح عن المسيء سبب لغفران الذنوب.
Ang pagpapaumanhin at ang pagpapalampas sa tagagawa ng masagwa ay isang kadahilanan para sa pagpapatawad sa mga pagkakasala.
• قذف العفائف من كبائر الذنوب.
Ang paninirang-puri sa mga babaing mahinhin ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.
• مشروعية الاستئذان لحماية النظر، والحفاظ على حرمة البيوت.
Ang pagkaisinasabatas ng pagpapaalam para sa pangangalaga sa pagtingin at sa pag-iingat sa kabanalan ng mga bahay.