Ang mga Hudyong ito ay tumatahak sa kadusta-dustang tinatahakang ito. Para bang sila ay nalilingat na si Allāh ay nakaaalam sa anumang ikinukubli nila na mga sinasabi nila at mga ginagawa nila at sa anumang inihahayag nila mula sa mga ito. Maglalantad Siya ng mga ito sa mga lingkod Niya at magbubunyag sa kanila.
Mayroon sa mga Hudyo na isang pangkatin na walang nalalaman sa Torah kundi pagbigkas at walang naiintidihan sa ipinahiwatig nito. Wala silang taglay kundi mga kasinungalingang kinuha nila sa mga nakatatanda nila. Nagpapalagay sila na ang mga ito ay ang Torah na pinababa ni Allāh.
Kaya kapahamakan at pagdurusang matindi ay naghihintay sa mga sumusulat na ito ng kasulatan sa pamamagitan ng mga kamay nila. Pagkatapos nagsasabi sila ng isang kasinungalingan: "Ito ay mula sa ganang kay Allāh upang magpalit sila sa katotohanan at pagsunod sa patnubay sa isang halagang kakarampot sa Mundo tulad ng salapi at katungkulan. Kaya kapahamakan at pagdurusang matindi ay ukol sa kanila dahil sa isinulat ng mga kamay nila mula sa pagsisinungaling nila laban kay Allāh. Kapahamakan at pagdurusang matindi ay ukol sa kanila dahil sa nakakamit nila sa likod niyon na salapi at katungkulan.
Nagsabi sila nang pasinungaling at pahibang: "Hindi sasaling sa amin ang Apoy at hindi kami papasok doon maliban sa kakaunting araw." Sabihin mo, O Propeta, sa mga ito: "Nakatanggap kaya kayo hinggil doon ng isang pangakong binigyang-diin mula kay Allāh sapagkat kung nagkaroon kayo niyon, tunay na si Allāh ay hindi sumisira sa kasunduan sa Kanya; o na kayo ay nagsasabi hinggil kay Allāh ng isang kasinungalingan at isang kabulaanan na hindi ninyo nalalaman?"
Ang usapin ay hindi gaya ng hinahaka-haka ng mga ito sapagkat tunay na si Allāh ay magpaparusa sa bawat nagkamit ng masagwang gawa ng kawalang-pananampalataya at pumaligid sa kanya ang mga pagkakasala niya mula sa bawat dako. Gaganti Siya sa kanila dahil sa pagpasok sa Impiyerno at pananatili roon bilang mga mamamalagi roon magpakailanman.
Ang mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya at gumawa ng mga gawang maayos, ang gantimpala sa kanila sa ganang kay Allāh ay pagpasok sa Paraiso at pananatili roon bilang mga mamamalagi roon magpakailanman.
Banggitin ninyo, O mga anak ni Israel, ang kasunduang binigyang-diin na ipinataw sa inyo, [na nag-uutos] na maniwala kayo sa kaisahan ni Allāh at huwag kayong sumamba kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya; na gumawa kayo ng maganda sa mga magulang, mga kamag-anak, mga ulila, mga dukha, at mga nangangailangan; na magsabi kayo sa mga tao ng isang pananalitang maganda, ng isang pag-uutos sa nakabubuti, at ng isang pagsaway sa nakasasama nang walang kagaspangan at katindihan; na magsagawa kayo ng pagdarasal nang lubusan ayon sa paraang ipinag-utos sa inyo; at na magbigay kayo ng zakāh sa pamamagitan ng paggugol nito sa mga karapat-dapat dito nang maluwag sa mga sarili ninyo." Pagkatapos matapos ng kasunduang ito na ipinataw sa inyo, lumisan kayo habang mga umaayaw sa pagtupad nito, maliban sa ipinagsanggalang ni Allāh kabilang sa inyo sapagkat tumupad sila kay Allāh ng kasunduan sa Kanya at tipang sa Kanya.
التفاسير:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• بعض أهل الكتاب يدّعي العلم بما أنزل الله، والحقيقة أن لا علم له بما أنزل الله، وإنما هو الوهم والجهل.
Ang ilan sa mga May Kasulatan ay nag-aangkin ng kaalaman sa pinababa ni Allāh samantalang ang reyalidad ay walang kaalaman sa kanila sa pinababa ni Allāh. Ito ay ang haka-haka at ang kamangmangan lamang.
• من أعظم الناس إثمًا من يكذب على الله تعالى ورسله ؛ فينسب إليهم ما لم يكن منهم.
Kabilang sa pinakamabigat sa mga tao sa kasalanan ay ang sinumang nagsisinungaling laban kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at sa mga sugo Niya, at nag-uugnay sa kanila ng hindi mula sa kanila.
• مع عظم المواثيق التي أخذها الله تعالى على اليهود وشدة التأكيد عليها، لم يزدهم ذلك إلا إعراضًا عنها ورفضًا لها.
Sa kabila ng bigat ng mga kasunduang tinanggap ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga Hudyo at ng tindi ng pagbibigay-diin sa mga ito, walang naidagdag sa kanila iyon kundi pag-ayaw sa mga ito at pagtutol sa mga ito.