Kaya noong nawalan sila ng pag-asa sa pagtugon ni Jose sa hiling nila, nagsarilinan sila palayo sa mga tao para magsanggunian. Nagsabi ang kapatid nilang matanda: "Nagpapaalaala ako sa inyo na ang ama ninyo ay tumanggap sa inyo ng pangako kay Allāh, na nagbibigay-diin na magsauli kayo sa kanya ng anak niya malibang pumalibot sa inyo ang hindi ninyo nakakayang pigilin. Bago pa niyon, nagwalang-bahala nga kayo kaugnay kay Jose at hindi kayo tumupad sa pangako ninyo sa ama ninyo kaugnay kay Jose. Kaya hindi ako mag-iiwan sa Lupain ng Ehipto hanggang sa magpahintulot sa akin ang ama ko na bumalik sa kanya o humusga si Allāh sa akin ng pagkuha sa kapatid ko. Si Allāh ay ang pinakambuti sa mga tagahusga sapagkat Siya ay humuhusga ayon sa katotohanan at katarungan."
التفاسير:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• لا يجوز أخذ بريء بجريرة غيره، فلا يؤخذ مكان المجرم شخص آخر.
Hindi pinapayagan ang pagdakip sa walang-sala dahil sa sala ng iba pa sa kanya kaya hindi dadakpin kapalit ng salarin ang iba pang tao.
• الصبر الجميل هو ما كانت فيه الشكوى لله تعالى وحده.
Ang pagtitiis na maganda ay ang anumang may paghihinaing kay Allāh lamang – pagkataas-taas Siya.
• على المؤمن أن يكون على تمام يقين بأن الله تعالى يفرج كربه.
Kailangan sa mananampalataya na maging nasa kalubusan ng katiyakan na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay magpapaginhawa sa mga pighati niya.