《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)版古兰经简明注释。

页码:close

external-link copy
28 : 54

وَنَبِّئۡهُمۡ أَنَّ ٱلۡمَآءَ قِسۡمَةُۢ بَيۡنَهُمۡۖ كُلُّ شِرۡبٖ مُّحۡتَضَرٞ

Magpabatid ka sa kanila na ang tubig ng balon nila ay ibinahagi sa pagitan nila at ng dumalagang kamelyo: isang araw para rito at isang araw para sa kanila. Bawat bahagi ay dadaluhan ng kinauukulan nito lamang sa araw nitong nakalaan dito. info
التفاسير:

external-link copy
29 : 54

فَنَادَوۡاْ صَاحِبَهُمۡ فَتَعَاطَىٰ فَعَقَرَ

Ngunit nanawagan sila sa kasamahan nila upang patayin nito ang dumalagang kamelyo, kaya kumuha ito ng tabak at pinatay nito iyon bilang pagsunod sa utos ng mga kalipi nito. info
التفاسير:

external-link copy
30 : 54

فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ

Kaya magnilay-nilay kayo, O mga mamamayan ng Makkah, kung papaano naging ang pagdurusang dulot Ko sa kanila at papaano naging ang pagbabala Ko sa iba pa sa kanila ng pagdurusa nila? info
التفاسير:

external-link copy
31 : 54

إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ صَيۡحَةٗ وَٰحِدَةٗ فَكَانُواْ كَهَشِيمِ ٱلۡمُحۡتَظِرِ

Tunay na Kami ay nagpadala sa kanila ng hiyaw na nag-iisa saka nagpahamak ito sa kanila kaya sila ay naging gaya ng mga punong-kahoy na tuyo, na gumagawa mula rito ang nagkukural ng isang kural para sa mga tupa niya. info
التفاسير:

external-link copy
32 : 54

وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ

Talaga ngang nagpagaan Kami sa Qur’ān para sa pagsasaalaala at pagkapangaral, kaya may tagapagsaalang-alang kaya sa nasaad dito na mga pagsasaalang-alang at mga pangaral? info
التفاسير:

external-link copy
33 : 54

كَذَّبَتۡ قَوۡمُ لُوطِۭ بِٱلنُّذُرِ

Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Lot sa ibinabala sa kanila ng sugo nilang si Lot – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. info
التفاسير:

external-link copy
34 : 54

إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ حَاصِبًا إِلَّآ ءَالَ لُوطٖۖ نَّجَّيۡنَٰهُم بِسَحَرٖ

Tunay na Kami ay nagpadala sa kanila ng hanging pumupukol sa kanila ng mga bato maliban sa mag-anak ni Lot – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. HIndi tumama sa kanila ang pagdurusa sapagkat sinagip Namin sila mula roon noong nagpalakbay sa kanila bago ng pagbagsak ng pagdurusa sa dulo ng gabi, info
التفاسير:

external-link copy
35 : 54

نِّعۡمَةٗ مِّنۡ عِندِنَاۚ كَذَٰلِكَ نَجۡزِي مَن شَكَرَ

Sinagip Namin sila mula sa pagdurusa bilang pagpapala mula sa Amin sa kanila. Tulad ng pagganting ito na iginanti kay Lot gagantihan ang sinumang nagpasalamat kay Allāh sa mga biyaya Niya. info
التفاسير:

external-link copy
36 : 54

وَلَقَدۡ أَنذَرَهُم بَطۡشَتَنَا فَتَمَارَوۡاْ بِٱلنُّذُرِ

Talaga ngang nagpangamba sa kanila si Lot ng pagdurusang dulot Namin ngunit nagdebatehan sila hinggil sa pagbabala niya at nagpasinungaling sila sa kanya. info
التفاسير:

external-link copy
37 : 54

وَلَقَدۡ رَٰوَدُوهُ عَن ضَيۡفِهِۦ فَطَمَسۡنَآ أَعۡيُنَهُمۡ فَذُوقُواْ عَذَابِي وَنُذُرِ

Talaga ngang humiling sila kay Lot na iwan niya sila at ang mga panauhin niya na mga anghel sa layong gumawa ng mahalay, kaya pumawi Kami sa mga mata nila kaya hindi makakita ang mga ito sa mga anghel. Nagsabi Kami sa kanila: "Lumasap kayo ng pagdurusang dulot Ko at resulta ng pagbabala Ko sa inyo." info
التفاسير:

external-link copy
38 : 54

وَلَقَدۡ صَبَّحَهُم بُكۡرَةً عَذَابٞ مُّسۡتَقِرّٞ

Talaga ngang may dumating sa kanila sa oras ng umaga na isang pagdurusang magpapatuloy kasabay sa kanila hanggang sa sumapit sila sa Kabilang-buhay para pumunta sa kanila ang pagdurusang dulot nito. info
التفاسير:

external-link copy
39 : 54

فَذُوقُواْ عَذَابِي وَنُذُرِ

Sasabihin sa kanila: "Lumasap kayo ng pagdurusang dulot Ko na pinababa Ko sa inyo at resulta ng pagbabala ni Lot sa inyo." info
التفاسير:

external-link copy
40 : 54

وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ

Talaga ngang nagpagaan Kami sa Qur’ān para sa pagsasaalaala at pagkapangaral, kaya may tagapagsaalang-alang kaya sa nasaad dito na mga pagsasaalang-alang at mga pangaral? info
التفاسير:

external-link copy
41 : 54

وَلَقَدۡ جَآءَ ءَالَ فِرۡعَوۡنَ ٱلنُّذُرُ

Talaga ngang dumating sa mga alagad ni Paraon ang pagbabala Namin sa pamamagitan ng dila nina Moises at Aaron – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan. info
التفاسير:

external-link copy
42 : 54

كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا كُلِّهَا فَأَخَذۡنَٰهُمۡ أَخۡذَ عَزِيزٖ مُّقۡتَدِرٍ

Nagpasinungaling sila sa mga patotoo at mga katwiran na dumating sa kanila mula sa ganang Amin kaya nagparusa Kami sa kanila sa pagpapasinungaling nila sa mga iyon ng kaparusahan ng isang Makapangyarihan na hindi nadadaig ng isa man, na isang Kumakaya na hindi nawawalang-kakayahan sa anuman. info
التفاسير:

external-link copy
43 : 54

أَكُفَّارُكُمۡ خَيۡرٞ مِّنۡ أُوْلَٰٓئِكُمۡ أَمۡ لَكُم بَرَآءَةٞ فِي ٱلزُّبُرِ

Ang mga tagatangging sumampalataya ninyo ba, O mga mamamayan ng Makkah, ay higit na mabuti kaysa sa mga nabanggit na tagatangging sumampalataya na iyon na mga kababayan ni Noe, ng `Ād, at ng Thamūd, at mga kababayan ni Lot, at si Paraon at mga tao niya? O mayroon kayong kawalang-kaugnayan sa pagdurusang dulot ni Allāh, na isinaad ng mga kasulatang makalangit? info
التفاسير:

external-link copy
44 : 54

أَمۡ يَقُولُونَ نَحۡنُ جَمِيعٞ مُّنتَصِرٞ

Bagkus nagsasabi ba ang mga tagatangging sumampalataya na ito kabilang sa mga mamayan ng Makkah: "Kami ay buklurang naiaadya laban sa sinumang nagnanais sa amin ng isang kasagwaan at nagnanais ng paghahati-hati sa pagkakabuklod namin?" info
التفاسير:

external-link copy
45 : 54

سَيُهۡزَمُ ٱلۡجَمۡعُ وَيُوَلُّونَ ٱلدُّبُرَ

Matatalo ang pagkakabuklod ng mga tagatangging sumampalataya na ito at magbabaling sila ng mga likod sa harapan ng mga mananampalataya. Nangyari nga ito sa Araw ng Badr. info
التفاسير:

external-link copy
46 : 54

بَلِ ٱلسَّاعَةُ مَوۡعِدُهُمۡ وَٱلسَّاعَةُ أَدۡهَىٰ وَأَمَرُّ

Bagkus ang Huling Sandali na pinasisinungalingan nila ay ang tipanan nila na pagdurusahin sila roon at ang Huling Sandali ay higit na mabigat at higit na malupit kaysa sa dinanas nila na pagdurusa sa Mundo sa Araw ng Badr. info
التفاسير:

external-link copy
47 : 54

إِنَّ ٱلۡمُجۡرِمِينَ فِي ضَلَٰلٖ وَسُعُرٖ

Tunay na ang mga salarin dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway ay nasa isang pagkaligaw palayo sa katotohanan, at isang pagdurusa at isang pagkahirap. info
التفاسير:

external-link copy
48 : 54

يَوۡمَ يُسۡحَبُونَ فِي ٱلنَّارِ عَلَىٰ وُجُوهِهِمۡ ذُوقُواْ مَسَّ سَقَرَ

Sa araw na hihilahin sila sa Apoy sa [pagkasubsob ng] mga mukha nila at sasabihin sa kanila bilang panunumbat: "Lumasap kayo ng pagdurusa sa Apoy!" info
التفاسير:

external-link copy
49 : 54

إِنَّا كُلَّ شَيۡءٍ خَلَقۡنَٰهُ بِقَدَرٖ

Tunay na Kami sa bawat bagay sa Sansinukob ay lumikha ayon sa isang pagtatakdang nauna mula sa Amin at alinsunod sa kaalaman Namin, kalooban Namin, at isinulat Namin sa Tablerong Pinag-iingatan. info
التفاسير:
这业中每段经文的优越:
• شمول العذاب للمباشر للجريمة والمُتَمالئ معه عليها.
Ang pagkasaklaw ng pagdurusa para sa tagagawa ng krimen at nakikipagtulungan sa kanya rito. info

• شُكْر الله على نعمه سبب السلامة من العذاب.
Ang pagpapasalamat kay Allāh sa mga biyaya Niya ay isang kadahilanan ng kaligtasan sa pagdurusa. info

• إخبار القرآن بهزيمة المشركين يوم بدر قبل وقوعها من الإخبار بالغيب الدال على صدق القرآن.
Ang pagpapabatid ng Qur'ān hinggil sa pagkatalo ng mga tagapagtambal sa Araw ng Badr bago maganap ito ay bahagi ng pagpapabatid hinggil sa Lingid, na nagpapatunay sa katapatan ng Qur'ān. info

• وجوب الإيمان بالقدر.
Ang pagkatungkulin ng Pananampalataya sa Pagtatakda. info