《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)版古兰经简明注释。

页码:close

external-link copy
16 : 18

وَإِذِ ٱعۡتَزَلۡتُمُوهُمۡ وَمَا يَعۡبُدُونَ إِلَّا ٱللَّهَ فَأۡوُۥٓاْ إِلَى ٱلۡكَهۡفِ يَنشُرۡ لَكُمۡ رَبُّكُم مِّن رَّحۡمَتِهِۦ وَيُهَيِّئۡ لَكُم مِّنۡ أَمۡرِكُم مِّرۡفَقٗا

Nang lumayo kayo sa mga kababayan ninyo at umiwan kayo sa anumang sinasamba nila bukod pa kay Allāh kaya wala kayong sinasamba maliban kay Allāh lamang saka nagpakandili kayo sa yungib bilang pagtakas dahil sa relihiyon ninyo, nagkaloob naman para sa inyo ang Panginoon ninyo – kaluwalhatian sa Kanya – mula sa awa Niya ng mangangalaga sa inyo laban sa mga kaaway ninyo at magsasanggalang sa inyo. Magpapagaan para sa inyo ng nauukol sa inyo ang pakikinabangan ninyo mula sa ipanunumbas Niya sa inyo kapalit ng pamumuhay sa piling ng mga kababayan ninyo. info
التفاسير:

external-link copy
17 : 18

۞ وَتَرَى ٱلشَّمۡسَ إِذَا طَلَعَت تَّزَٰوَرُ عَن كَهۡفِهِمۡ ذَاتَ ٱلۡيَمِينِ وَإِذَا غَرَبَت تَّقۡرِضُهُمۡ ذَاتَ ٱلشِّمَالِ وَهُمۡ فِي فَجۡوَةٖ مِّنۡهُۚ ذَٰلِكَ مِنۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِۗ مَن يَهۡدِ ٱللَّهُ فَهُوَ ٱلۡمُهۡتَدِۖ وَمَن يُضۡلِلۡ فَلَن تَجِدَ لَهُۥ وَلِيّٗا مُّرۡشِدٗا

Kaya sumunod sila sa ipinag-utos sa kanila. Nagsanhi si Allāh ng pagkatulog sa kanila at nangalaga Siya sa kanila laban sa kaaway nila. Makikita mo, O tagapanood sa kanila, ang araw, kapag lumitaw iyon sa silangan niyon, na kumikiling palayo sa yungib nila sa dakong kanan ng papasok dito, at kapag lumubog iyon sa sandali ng paglubog niyon, na lumilihis palayo sa yungib sa dakong kaliwa niyon kaya hindi tumatama iyon dito. Sila ay nasa isang lilim na palagian, na hindi nakasasakit sa kanila ang init ng araw habang sila ay nasa isang kalawakan ng yungib. Naidudulot sa kanila mula sa hangin ang kinakailangan nila. Ang nangyayaring iyon sa kanila na pagkakanlong sa kanila sa yungib, ang pagsasanhi ng pagkatulog para sa kanila, ang paglihis ng araw palayo sa kanila, ang paglawak ng pook nila, at ang pagliligtas sa kanila laban sa mga kababayan nila ay kabilang sa mga kataka-taka mula sa gawa ni Allāh, na nagpapatunay sa kakayahan Niya. Ang sinumang itinuon ni Allāh sa daan ng kapatnubayan ay ito ang napapatnubayan nang totohanan. Ang sinumang binigo Niya roon at pinaligaw Niya ay hindi ka makatatagpo para rito ng isang tagapag-adya na magtutuon dito sa kapatnubayan at maggagabay dito roon dahil ang kapatnubayan ay nasa kamay ni Allāh at hindi nasa kamay nito mismo. info
التفاسير:

external-link copy
18 : 18

وَتَحۡسَبُهُمۡ أَيۡقَاظٗا وَهُمۡ رُقُودٞۚ وَنُقَلِّبُهُمۡ ذَاتَ ٱلۡيَمِينِ وَذَاتَ ٱلشِّمَالِۖ وَكَلۡبُهُم بَٰسِطٞ ذِرَاعَيۡهِ بِٱلۡوَصِيدِۚ لَوِ ٱطَّلَعۡتَ عَلَيۡهِمۡ لَوَلَّيۡتَ مِنۡهُمۡ فِرَارٗا وَلَمُلِئۡتَ مِنۡهُمۡ رُعۡبٗا

Magpapalagay ka, O nakatingin sa kanila, na sila ay mga gising dahil sa pagkabukas ng mga mata nila gayong ang totoo ay na sila ay mga natutulog. Nagpapabaling Kami sa kanila sa pagtulog nila: minsan sa kanan at minsan sa kaliwa, upang hindi kainin ng lupa ang mga katawan nila, habang ang aso nilang sumasama sa kanila ay nakalatag ang dalawang unahang biyas nito sa pasukan ng yungib. Kung sakaling tumingin ka sa kanila at nakapanood ka sa kanila ay talaga sanang tumalikod ka palayo sa kanila habang tumatakas dala ng pangamba dahil sa kanila at talaga sanang napuno ang sarili mo ng hilakbot dahil sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
19 : 18

وَكَذَٰلِكَ بَعَثۡنَٰهُمۡ لِيَتَسَآءَلُواْ بَيۡنَهُمۡۚ قَالَ قَآئِلٞ مِّنۡهُمۡ كَمۡ لَبِثۡتُمۡۖ قَالُواْ لَبِثۡنَا يَوۡمًا أَوۡ بَعۡضَ يَوۡمٖۚ قَالُواْ رَبُّكُمۡ أَعۡلَمُ بِمَا لَبِثۡتُمۡ فَٱبۡعَثُوٓاْ أَحَدَكُم بِوَرِقِكُمۡ هَٰذِهِۦٓ إِلَى ٱلۡمَدِينَةِ فَلۡيَنظُرۡ أَيُّهَآ أَزۡكَىٰ طَعَامٗا فَلۡيَأۡتِكُم بِرِزۡقٖ مِّنۡهُ وَلۡيَتَلَطَّفۡ وَلَا يُشۡعِرَنَّ بِكُمۡ أَحَدًا

Gaya ng ginawa Namin sa kanila kabilang sa binanggit Namin na mga kataka-taka sa kakayahan Namin, ginising Namin sila matapos ng isang yugtong matagal upang magtanong ang isa't isa sa kanila tungkol sa yugto na namalagi sila habang mga natutulog. Kaya sumagot ang iba sa kanila: "Namalagi tayong mga natutulog nang isang araw o isang bahagi ng isang araw." Sumagot naman ang iba pa sa kanila kabilang sa hindi nahayag sa kanila ang yugto ng pamamalagi nila habang mga natutulog: "Ang Panginoon ninyo ay higit na nakaaalam sa yugto ng pamamalagi ninyo habang mga natutulog, kaya magpaubaya kayo sa Kanya ng kaalaman niyon at magpakaabala kayo sa makatutulong sa inyo. Kaya magsugo kayo ng isa sa inyo kalakip ng mga pilak na salapi ninyong ito patungo sa nakagisnang lungsod natin, saka tumingin siya kung alin sa mga naninirahan doon ang higit na kaaya-aya sa pagkain at higit na kaaya-aya sa kinikita, saka magdala siya sa inyo ng pagkain mula roon, maghinay-hinay siya sa pagpasok niya, paglabas niya, at pakikitungo niya, maging mahusay siya, at huwag siyang magpabaya na may isang makaalam sa pook ninyo dahil sa ireresulta dahil doon na isang kapinsalaang mabigat.
info
التفاسير:

external-link copy
20 : 18

إِنَّهُمۡ إِن يَظۡهَرُواْ عَلَيۡكُمۡ يَرۡجُمُوكُمۡ أَوۡ يُعِيدُوكُمۡ فِي مِلَّتِهِمۡ وَلَن تُفۡلِحُوٓاْ إِذًا أَبَدٗا

Tunay na ang mga kababayan ninyo, kung makababatid sa inyo at makaalam sa pook ninyo, ay papatay sa inyo sa pamamagitan ng pagpukol ng bato o magpapabalik sa inyo sa kapaniwalaan nilang nakalihis, na kayo dati ay nakabatay roon bago nagmagandang-loob si Allāh sa inyo ng kapatnubayan tungo sa relihiyon ng katotohanan. Kung bumalik kayo roon ay hindi kayo magtatagumpay magpakailanman: hindi sa buhay na pangmundo at hindi sa Kabilang-buhay. Bagkus malulugi kayo sa dalawang ito ng pagkaluging mabigat dahilan sa pag-iwan ninyo sa relihiyon ng katotohanang ipinatnubay sa inyo ni Allāh at sa pagbalik ninyo sa kapaniwalaang nakalihis na iyon." info
التفاسير:
这业中每段经文的优越:
• من حكمة الله وقدرته أن قَلَّبهم على جنوبهم يمينًا وشمالًا بقدر ما لا تفسد الأرض أجسامهم، وهذا تعليم من الله لعباده.
Bahagi ng karunungan ni Allāh at kakayahan Niya na nagpabaling Siya sa mga tagiliran nila sa kanan at sa kaliwa sa puntong hindi masisira ng lupa ang mga katawan nila. Ito ay isang pagtuturo mula kay Allāh sa mga lingkod Niya. info

• جواز اتخاذ الكلاب للحاجة والصيد والحراسة.
Ang pagpayag sa pag-aalaga ng mga aso para sa pangangailangan, pangangaso, at pagtatanod. info

• انتفاع الإنسان بصحبة الأخيار ومخالطة الصالحين حتى لو كان أقل منهم منزلة، فقد حفظ ذكر الكلب لأنه صاحَبَ أهل الفضل.
Ang pakikinabang ng tao sa pakikisama sa mga mabuti at pakikihalubilo sa mga maayos kahit pa man higit na mababa kaysa sa kanila sa antas sapagkat naingatan ang pagbanggit sa aso dahil ito ay nakasama ng mga taong may kalamangan. info

• دلت الآيات على مشروعية الوكالة، وعلى حسن السياسة والتلطف في التعامل مع الناس.
Nagpatunay ang mga talata ng Qur'ān sa pagkaisinasabatas ng pagkatawan (paghalili) at sa kagandahan ng pamamalakad at pagpapakaingat-ingat sa pakikitungo sa mga tao. info