《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)版古兰经简明注释。

页码:close

external-link copy
19 : 13

۞ أَفَمَن يَعۡلَمُ أَنَّمَآ أُنزِلَ إِلَيۡكَ مِن رَّبِّكَ ٱلۡحَقُّ كَمَنۡ هُوَ أَعۡمَىٰٓۚ إِنَّمَا يَتَذَكَّرُ أُوْلُواْ ٱلۡأَلۡبَٰبِ

Hindi nagkakapantay ang nakaaalam na ang pinababa ng Panginoon mo sa iyo, O Sugo, mula sa Kanya ay ang katotohanang walang pag-aalangan hinggil dito – siya ay ang mananampalatayang tagatugon kay Allāh – at ang sinumang isang bulag – siya ay ang tagatangging sumampalataya na hindi tagatugon kay Allāh. Nagsasaalang-alang at napangangaralan lamang sa pamamagitan niyon ang mga nagtataglay ng pang-unawang matino. info
التفاسير:

external-link copy
20 : 13

ٱلَّذِينَ يُوفُونَ بِعَهۡدِ ٱللَّهِ وَلَا يَنقُضُونَ ٱلۡمِيثَٰقَ

Ang mga tumugon kay Allāh ay ang mga nagpapatupad sa pakikipagkasunduan nila kay Allāh o pakikipagkasunduan nila sa mga lingkod Niya at hindi lumalabag sa mga kasunduang pinagtibay kay Allāh o sa iba pa sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
21 : 13

وَٱلَّذِينَ يَصِلُونَ مَآ أَمَرَ ٱللَّهُ بِهِۦٓ أَن يُوصَلَ وَيَخۡشَوۡنَ رَبَّهُمۡ وَيَخَافُونَ سُوٓءَ ٱلۡحِسَابِ

Sila ay ang mga nag-uugnay sa bawat ipinag-utos ni Allāh na pakikipag-ugnay sa mga kaanak, natatakot sa Panginoon nila ayon sa takot na nagtutulak sa kanila sa pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at nangangamba na magtuos sa kanila si Allāh sa bawat kinamit nila na kasalanan sapagkat ang sinumang tinalakay sa pagtutuos ay mapapahamak. info
التفاسير:

external-link copy
22 : 13

وَٱلَّذِينَ صَبَرُواْ ٱبۡتِغَآءَ وَجۡهِ رَبِّهِمۡ وَأَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَأَنفَقُواْ مِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ سِرّٗا وَعَلَانِيَةٗ وَيَدۡرَءُونَ بِٱلۡحَسَنَةِ ٱلسَّيِّئَةَ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ عُقۡبَى ٱلدَّارِ

Sila ay ang mga nagtiis sa pagtalima kay Allāh at sa itinakda ni Allāh sa kanila kabilang sa nagpapagalak o nagpapadalamhati, nagtiis sa paglayo sa pagsuway kay Allāh dahil sa paghahanap sa kaluguran ni Allāh, nagsagawa ng pagdarasal ayon sa pinakakumpletong anyo, nagkaloob mula sa mga yamang ibinigay Namin sa kanila ng mga tungkuling kinakailangan, nagkaloob mula sa mga ito dala ng pagkukusang-loob na pakubli para sa makalayo sa pagpapakitang-tao at lantaran upang tumulad sa kanila ang mga iba pa sa kanila, at pumipigil sa kasagwaan ng sinumang gumawa ng masagwa sa kanila sa pamamagitan ng paggawa ng maganda roon. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang ito ay ukol sa kanila ang kahihinatnang papupurihan sa Araw ng Pagbangon. info
التفاسير:

external-link copy
23 : 13

جَنَّٰتُ عَدۡنٖ يَدۡخُلُونَهَا وَمَن صَلَحَ مِنۡ ءَابَآئِهِمۡ وَأَزۡوَٰجِهِمۡ وَذُرِّيَّٰتِهِمۡۖ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ يَدۡخُلُونَ عَلَيۡهِم مِّن كُلِّ بَابٖ

Ang kahihinatnang papupurihang ito ay mga hardin, na mananatili sila sa mga ito bilang mga pinagiginhawa ayon sa pananatiling palagi. Bahagi ng kalubusan ng kaginhawahan nila sa mga ito na makapasok sa mga ito kasama sa kanila ang sinumang naging matuwid sa mga ama nila, mga ina nila, mga asawa nila, at mga anak nila bilang pagkumpleto sa pagkapalagayang-loob nila sa pakikipagkita nila. Ang mga anghel ay papasok sa kanila, habang mga bumabati, mula sa lahat ng mga pinto ng mga tirahan nila sa Paraiso. info
التفاسير:

external-link copy
24 : 13

سَلَٰمٌ عَلَيۡكُم بِمَا صَبَرۡتُمۡۚ فَنِعۡمَ عُقۡبَى ٱلدَّارِ

Babati sa kanila ang mga anghel tuwing pumapasok ang mga ito sa kanila sa pamamagitan ng pagsabi ng mga ito: "Kapayapaan ay sumainyo!" Nangangahulugan ito: "Naligtas kayo sa mga mapanira dahilan sa pagtitiis ninyo sa pagtalima kay Allāh at sa pait ng mga itinakda niya at sa pagtitiis ninyo sa [pag-iwas sa] pagsuway sa Kanya. Kaya kay inam ang kahihinatnan sa tahanan na naging kinahinatnan ninyo!" info
التفاسير:

external-link copy
25 : 13

وَٱلَّذِينَ يَنقُضُونَ عَهۡدَ ٱللَّهِ مِنۢ بَعۡدِ مِيثَٰقِهِۦ وَيَقۡطَعُونَ مَآ أَمَرَ ٱللَّهُ بِهِۦٓ أَن يُوصَلَ وَيُفۡسِدُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمُ ٱللَّعۡنَةُ وَلَهُمۡ سُوٓءُ ٱلدَّارِ

Ang mga lumalabag sa kasunduan kay Allāh nang matapos ng pagbibigay-diin dito, pumuputol sa ipinag-utos ni Allāh na pakikipag-ugnay sa mga kaanak, at nanggugulo sa lupa sa pamamagitan ng pagsuway kay Allāh – pagkataas-taas Siya – ang mga malayong malumbay na iyon ay ukol sa kanila ang pagtataboy mula sa awa ni Allāh at ukol sa kanila ang kasagwaan ng kahihinatnan: ang Apoy.
info
التفاسير:

external-link copy
26 : 13

ٱللَّهُ يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ وَيَقۡدِرُۚ وَفَرِحُواْ بِٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَمَا ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا فِي ٱلۡأٓخِرَةِ إِلَّا مَتَٰعٞ

Si Allāh ay nagpapalawak sa panustos sa sinumang niloloob Niya at nagpapasikip sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Ang pagpapalawak sa panustos ay hindi isang palatandaan ng kaligayahan ni ng pag-ibig ni Allāh ni ang pagsikip nito ay isang palatandaan ng kalumbayan. Natuwa ang mga tagatangging sumampalataya sa buhay na pangmundo kaya sumandal sila at napanatag sila rito gayong walang iba ang buhay Mundo sa paghahambing sa Kabilang-buhay kundi isang natatamasang kaunti na lilisan. info
التفاسير:

external-link copy
27 : 13

وَيَقُولُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡلَآ أُنزِلَ عَلَيۡهِ ءَايَةٞ مِّن رَّبِّهِۦۚ قُلۡ إِنَّ ٱللَّهَ يُضِلُّ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِيٓ إِلَيۡهِ مَنۡ أَنَابَ

Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga tanda Niya: "Bakit kaya hindi nagbaba kay Muḥammad ng isang tandang pisikal mula sa Panginoon niya na nagpapatunay sa katapatan niya para sumampalataya kami sa kanya?" Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagmungkahing ito: "Tunay na si Allāh ay nagliligaw sa sinumang niloloob Niya ayon sa katarungan Niya at nagpapatnubay tungo sa Kanya sa sinumang bumalik sa Kanya sa pamamagitan ng pagbabalik-loob ayon sa kagandahang-loob Niya. Ang kapatnubayan ay hindi nasa mga kamay nila upang itali nila ito sa pagpapababa ng mga tanda." info
التفاسير:

external-link copy
28 : 13

ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَتَطۡمَئِنُّ قُلُوبُهُم بِذِكۡرِ ٱللَّهِۗ أَلَا بِذِكۡرِ ٱللَّهِ تَطۡمَئِنُّ ٱلۡقُلُوبُ

Yaong mga pinatnubayan ni Allāh ay ang mga sumampalataya at napapalagay ang mga puso nila sa pag-aalaala kay Allāh sa pamamagitan ng pagluluwalhati sa Kanya at pagpupuri-puri sa Kanya, sa pamamagitan ng pagbigkas sa Aklat Niya at pakikinig dito, at sa pamamagitan ng iba pa roon. Pansinin, sa pag-aalaala kay Allāh lamang napapalagay ang mga puso at bagay sa mga ito iyon.
info
التفاسير:
这业中每段经文的优越:
• الترغيب في جملة من فضائل الأخلاق الموجبة للجنة، ومنها: حسن الصلة، وخشية الله تعالى، والوفاء بالعهود، والصبر والإنفاق، ومقابلة السيئة بالحسنة والتحذير من ضدها.
Ang pagpapaibig sa isang kabuuan ng mga kainam-inam sa mga kaasalang nag-oobliga ng [pagpasok sa] Paraiso. Kabilang sa mga ito ang kagandahan ng pakikipag-ugnayan, ang takot kay Allāh – pagkataas-taas Siya, ang pagtupad sa mga kasunduan, ang pagtitiis, ang paggugol, ang pagtumbas sa masagwang gawa ng magandang gawa, at ang pagbibigay-babala sa salungat sa mga ito. info

• أن مقاليد الرزق بيد الله سبحانه وتعالى، وأن توسعة الله تعالى أو تضييقه في رزق عبدٍ ما لا ينبغي أن يكون موجبًا لفرح أو حزن، فهو ليس دليلًا على رضا الله أو سخطه على ذلك العبد.
Na ang mga susi ng pagtustos ay nasa kamay ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – na ang pagpapaluwag ni Allāh – pagkataas-taas Siya – o pagpapasikip Niya sa pagtustos sa isang tao ay hindi nararapat na maging isang nagdadahilan ng tuwa o lungkot sapagkat ito ay hindi isang patunay sa pagkalugod ni Allāh o pagkainis Niya sa taong iyon. info

• أن الهداية ليست بالضرورة مربوطة بإنزال الآيات والمعجزات التي اقترح المشركون إظهارها.
Na ang kapatnubayan ay hindi kinakailangang nakatali sa pagpapababa ng mga tanda at mga himalang iminungkahi ng mga tagapagtambal ang pagpapalitaw sa mga ito. info

• من آثار القرآن على العبد المؤمن أنه يورثه طمأنينة في القلب.
Kabilang sa mga epekto ng Qur'ān sa taong mananampalataya ay na ito ay nagdudulot ng kapanatagan sa puso. info