Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm

Al-Inshiqāq

Ilan sa mga Layon ng Surah:
تذكير الإنسان برجوعه لربه، وبيان ضعفه، وتقلّب الأحوال به.
Ang pagpapaalaala sa tao hinggil sa pagbabalik niya sa Panginoon niya at ang paglilinaw sa kahinaan niya at pagbagu-bago ng mga kalagayan sa kanya. info

external-link copy
1 : 84

إِذَا ٱلسَّمَآءُ ٱنشَقَّتۡ

Kapag ang langit ay nagkalamat-lamat para sa pagbaba ng mga anghel mula roon, info
التفاسير:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• خضوع السماء والأرض لربهما.
Ang pagpapakumbaba ng langit at lupa sa Panginoon nila. info

• كل إنسان ساعٍ إما لخير وإما لشرّ.
Bawat tao ay nagpupunyagi para sa kabutihan o para sa kasamaan. info

• علامة السعادة يوم القيامة أخذ الكتاب باليمين، وعلامة الشقاء أخذه بالشمال.
Ang palatandaan ng kaligayahan sa Araw ng Pagbangon ay ang pagtanggap ng talaan sa kanang kamay at ang palatandaan ng kalumbayan ay ang pagtanggap nito sa kaliwang kamay. info