Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm

external-link copy
7 : 76

يُوفُونَ بِٱلنَّذۡرِ وَيَخَافُونَ يَوۡمٗا كَانَ شَرُّهُۥ مُسۡتَطِيرٗا

Ang mga katangian ng mga lingkod na iinom doon ay na sila ay tumutupad sa inobliga nila sa mga sarili nila na mga pagtalima at nangangamba sa isang araw na ang kasamaan niyon ay magiging kumakalat na lumalaganap. Iyon ay ang Araw ng Pagbangon. info
التفاسير:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الوفاء بالنذر وإطعام المحتاج، والإخلاص في العمل، والخوف من الله: أسباب للنجاة من النار، ولدخول الجنة.
Ang pagtupad sa panata, ang pagpapakain sa nangangailangan, ang pagpapakawagas sa gawain, at ang pangamba kay Allāh ay mga kadahilanan ng kaligtasan mula sa Impiyerno at ng pagpasok sa Paraiso. info

• إذا كان حال الغلمان الذين يخدمونهم في الجنة بهذا الجمال، فكيف بأهل الجنة أنفسهم؟!
Kapag ang kalagayan ng mga batang lalaki na magsisilbi sa mga maninirahan sa Paraiso ay sa gayong kagandahan, papaano na ang mga maninirahan sa Paraiso mismo? info