Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm

Al-Munāfiqūn

Ilan sa mga Layon ng Surah:
بيان حقيقة المنافقين والتحذير منهم.
Ang paglilinaw sa reyalidad ng mga mapagpaimbabaw at ang pagbibigay-babala laban sa kanila. info

external-link copy
1 : 63

إِذَا جَآءَكَ ٱلۡمُنَٰفِقُونَ قَالُواْ نَشۡهَدُ إِنَّكَ لَرَسُولُ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ إِنَّكَ لَرَسُولُهُۥ وَٱللَّهُ يَشۡهَدُ إِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ لَكَٰذِبُونَ

Kapag dumalo sa pagtitipon mo, O Sugo, ang mga mapagpaimbabaw na nagpapalitaw ng pag-anib sa Islām at nagkukubli ng kawalang-pananampalataya ay nagsasabi sila: "Sumasaksi kami na tunay na ikaw ay talagang Sugo ni Allāh, sa totoo." Si Allāh ay nakaaalam na tunay na ikaw ay talagang Sugo Niya, sa totoo. Si Allāh ay sumasaksi na ang mga mapagpaimbabaw ay talagang mga sinungaling sa inaangkin nila na sila ay sumasaksi mula sa kaibuturan ng mga puso nila na ikaw ay Sugo Niya. info
التفاسير:

external-link copy
2 : 63

ٱتَّخَذُوٓاْ أَيۡمَٰنَهُمۡ جُنَّةٗ فَصَدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِۚ إِنَّهُمۡ سَآءَ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

Gumawa sila sa mga panunumpa nila na sumusumpa sila sa pag-angkin nila ng pananampalataya bilang panakip at pananggalang para sa kanila laban sa pagkapatay at pagkabihag. Nagpabaling sila sa mga tao palayo sa pananampalataya sa pamamagitan ng inihahasik nila na pagpapaduda at bulung-bulungan. Tunay na sila ay kay pangit ang dating ginagawa na pagpapaimbabaw at pananampalatayang sinungaling. info
التفاسير:

external-link copy
3 : 63

ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ ءَامَنُواْ ثُمَّ كَفَرُواْ فَطُبِعَ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ فَهُمۡ لَا يَفۡقَهُونَ

Iyon ay dahilan sa sila ay sumampalataya nang paimbabaw at hindi nakarating ang pananampalataya sa mga puso nila, pagkatapos tumangging sumampalataya kay Allāh nang palihim, kaya nagpasak sa mga puso nila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila, kaya walang pumapasok sa mga ito na pananampalataya, kaya sila dahilan sa pagpasak na iyon ay hindi nakapag-uunawa sa anumang naroon ang kaayusan nila at ang kagabayan nila. info
التفاسير:

external-link copy
4 : 63

۞ وَإِذَا رَأَيۡتَهُمۡ تُعۡجِبُكَ أَجۡسَامُهُمۡۖ وَإِن يَقُولُواْ تَسۡمَعۡ لِقَوۡلِهِمۡۖ كَأَنَّهُمۡ خُشُبٞ مُّسَنَّدَةٞۖ يَحۡسَبُونَ كُلَّ صَيۡحَةٍ عَلَيۡهِمۡۚ هُمُ ٱلۡعَدُوُّ فَٱحۡذَرۡهُمۡۚ قَٰتَلَهُمُ ٱللَّهُۖ أَنَّىٰ يُؤۡفَكُونَ

Kapag nakakita ka sa kanila, O tagatingin, ay magpapahanga sa iyo ang mga anyo nila at ang mga hugis nila dahil sa taglay nila na kasibulan at kaginhawahan. Kung magsasalita sila ay makikinig ka sa pananalita nila dahil sa taglay nito na retorika. Para bang sila sa pagtitipon mo, O Sugo, ay mga kahoy na isinandal; wala silang naiintindihang anuman at wala silang natatalos. Nagpapalagay sila na bawat tinig ay pumupuntirya sa kanila dahil sa taglay nila na karuwagan. Sila ay ang mga kalaban, sa totoo, kaya mag-ingat ka sa kanila, O Sugo, na magpalaganap sila sa iyo ng isang liham o magpakana sila sa iyo ng isang pakana. Sumpain sila ni Allāh! Papaanong napabaling sila palayo sa pananampalataya sa kabila ng kaliwanagan ng mga patunay nito at kahayagan ng mga patotoo nito? info
التفاسير:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• وجوب السعي إلى الجمعة بعد النداء وحرمة ما سواه من الدنيا إلا لعذر.
Ang pagkatungkulin ng pagmamadali sa pagdarasal sa araw ng Biyernes matapos ng panawagan at ang pagkabawal ng anumang iba pang gawaing pangmundo maliban [kung] dahil sa isang tanggap na dahilan. info

• تخصيص سورة للمنافقين فيه تنبيه على خطورتهم وخفاء أمرهم.
Ang pagtatalaga ng isang kabanata ng Qur'ān para sa mga mapagpaimbabaw ay may isang pagtawag-pansin laban sa panganib nila at pagkakubli ng lagay nila. info

• العبرة بصلاح الباطن لا بجمال الظاهر ولا حسن المنطق.
Ang pagsasaalang-alang ay sa kaayusan ng panloob na anyo at hindi sa karikitan ng panlabas na anyo ni sa kagandahan ng pananalita. info