Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm

external-link copy
20 : 54

تَنزِعُ ٱلنَّاسَ كَأَنَّهُمۡ أَعۡجَازُ نَخۡلٖ مُّنقَعِرٖ

Bumubunot ito sa mga tao mula sa lupa at nagtatapon ito sa kanila para bumagsak sa mga ulo nila, na para bang sila ay mga katawan ng mga punong datiles na nabunot mula sa pinagtaniman nito. info
التفاسير:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• مشروعية الدعاء على الكافر المصرّ على كفره.
Ang pagkaisinasabatas ng pagdalangin laban sa tagatangging sumampalataya na nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya niya. info

• إهلاك المكذبين وإنجاء المؤمنين سُنَّة إلهية.
Ang pagpapahamak sa mga tagapagpasinungaling at ang pagliligtas sa mga mananampalataya ay isang makadiyos na kalakaran (sunnah). info

• تيسير القرآن للحفظ وللتذكر والاتعاظ.
Ang pagpapadali sa Qur'ān para sa pagsasaulo, pagsasaalaala, at pagkapangaral. info