Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm

Numero ng Pahina:close

external-link copy
33 : 45

وَبَدَا لَهُمۡ سَيِّـَٔاتُ مَا عَمِلُواْ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ

Lilitaw sa kanila ang mga masagwa sa ginawa nila sa Mundo na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway, at bababa sa kanila ang pagdurusang dati nilang kinukutya kapag pinagbalaan sila laban doon. info
التفاسير:

external-link copy
34 : 45

وَقِيلَ ٱلۡيَوۡمَ نَنسَىٰكُمۡ كَمَا نَسِيتُمۡ لِقَآءَ يَوۡمِكُمۡ هَٰذَا وَمَأۡوَىٰكُمُ ٱلنَّارُ وَمَا لَكُم مِّن نَّٰصِرِينَ

Magsasabi sa kanila si Allāh: "Ngayong Araw, mag-iiwan Kami sa inyo sa Apoy kung paanong kayo ay nakalimot sa pakikipagkita sa Araw ninyong ito sapagkat hindi kayo naghanda para rito sa pamamagitan ng pananampalataya at gawang maayos. Ang pamamalagian ninyo na kakanlungan ninyo ay ang Apoy. Walang ukol sa inyo na mga tagapag-adya na magtatanggol sa inyo sa pagdurusang dulot ni Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
35 : 45

ذَٰلِكُم بِأَنَّكُمُ ٱتَّخَذۡتُمۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ هُزُوٗا وَغَرَّتۡكُمُ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَاۚ فَٱلۡيَوۡمَ لَا يُخۡرَجُونَ مِنۡهَا وَلَا هُمۡ يُسۡتَعۡتَبُونَ

Ang pagdurusang iyon na pagdurusahin kayo roon ay dahilan sa kayo ay gumawa sa mga tanda ni Allāh ng isang pangungutyang ipinantutuya ninyo. Dumaya sa inyo ang buhay dahil sa mga sarap nito at mga ninanasa rito." Kaya sa Araw na iyon, hindi ilalabas ang mga tagatangging sumampalataya na ito na mga nangungutya sa mga tanda ni Allāh mula sa Apoy, bagkus mananatili sila roon bilang mga mamamalagi magpakailanman. Hindi sila pababalikin sa buhay na pangmundo upang gumawa ng gawang maayos at hindi malulugod sa kanila ang Panginoon nila. info
التفاسير:

external-link copy
36 : 45

فَلِلَّهِ ٱلۡحَمۡدُ رَبِّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَرَبِّ ٱلۡأَرۡضِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

Kaya ukol kay Allāh lamang ang papuri, ang Panginoon ng mga langit, ang Panginoon ng lupa, at ang Panginoon ng lahat ng mga nilikha. info
التفاسير:

external-link copy
37 : 45

وَلَهُ ٱلۡكِبۡرِيَآءُ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ

Sa Kanya ang kapitaganan at ang kadakilaan sa mga langit at sa lupa. Siya ay ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda niya, pangangasiwa Niya, at batas Niya. info
التفاسير:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الاستهزاء بآيات الله كفر.
Ang pangungutya sa mga talata ni Allāh ay kawalang-pananampalataya. info

• خطر الاغترار بلذات الدنيا وشهواتها.
Ang panganib ng pagkalinlang sa mga minamasarap sa Mundo at mga ninanasa rito. info

• ثبوت صفة الكبرياء لله تعالى.
Ang pagpapatibay ng katangian ng kadakilaan para kay Allāh – pagkataas-taas Siya. info

• إجابة الدعاء من أظهر أدلة وجود الله سبحانه وتعالى واستحقاقه العبادة.
Ang pagsagot sa panalangin ay kabilang sa pinakahayag sa mga patunay sa kairalan ni Allāh at pagiging karapat-dapat Niya sa pagsamba. info