Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm

external-link copy
65 : 43

فَٱخۡتَلَفَ ٱلۡأَحۡزَابُ مِنۢ بَيۡنِهِمۡۖ فَوَيۡلٞ لِّلَّذِينَ ظَلَمُواْ مِنۡ عَذَابِ يَوۡمٍ أَلِيمٍ

Ngunit nagkaiba-iba ang mga pangkatin ng mga Kristiyano hinggil sa pumapatungkol kay Jesus. Mayroon sa kanila na nagsasabing siya ay diyos at nagsasabing siya ay anak ng Diyos. Mayroon sa kanila na nagsasabing siya at ang ina niya ay mga diyos. Kaya kapighatian ay ukol sa mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila – dahil sa paglalarawan nila kay Jesus ng pagkadiyos o pagkapropeta o na siya ay isa sa tatlong persona – mula sa isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanila sa Araw ng Pagbangon. info
التفاسير:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• نزول عيسى من علامات الساعة الكبرى.
Ang pagbaba ni Jesus ay kabilang sa mga palatandaan ng Malaking Huling Sandali. info

• انقطاع خُلَّة الفساق يوم القيامة، ودوام خُلَّة المتقين.
Ang pagkaputol ng pagkakaibigan ng mga suwail sa Araw ng Pagbangon at ang pamamalagi ng pagkakaibigan ng mga tagapangilag sa pagkakasala. info

• بشارة الله للمؤمنين وتطمينه لهم عما خلفوا وراءهم من الدنيا وعما يستقبلونه في الآخرة.
Ang pagbabalita ng nakagagalak ni Allāh para sa mga mananampalataya, at ang pagpapakalma Niya sa kanila tungkol sa naiwan nila sa likuran nila sa Mundo at tungkol sa kahaharapin nila sa Kabilang-buhay. info