Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm

external-link copy
20 : 41

حَتَّىٰٓ إِذَا مَا جَآءُوهَا شَهِدَ عَلَيۡهِمۡ سَمۡعُهُمۡ وَأَبۡصَٰرُهُمۡ وَجُلُودُهُم بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

hanggang sa, kapag dumating sila sa Apoy na pinag-akayan sa kanila at nagkaila sila sa dati nilang nalalaman sa Mundo, sasaksi laban sa kanila ang mga pandinig nila, ang mga paningin nila, at mga balat nila sa dati nilang ginagawa sa Mundo na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway. info
التفاسير:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الإعراض عن الحق سبب المهالك في الدنيا والآخرة.
Ang pag-ayaw sa katotohanan ay isang kadahilanan ng mga kapahamakan sa Mundo at Kabilang-buhay. info

• التكبر والاغترار بالقوة مانعان من الإذعان للحق.
Ang pagpapakamalaki at ang pagkalinlang dahil sa lakas ay mga tagahadlang sa pagpapasakop sa katotohanan. info

• الكفار يُجْمَع لهم بين عذاب الدنيا وعذاب الآخرة.
Ang mga tagatangging sumampalataya ay titipunin sa pagitan ng pagdurusa sa Mundo at pagdurusa sa Kabilang-buhay. info

• شهادة الجوارح يوم القيامة على أصحابها.
Ang pagsaksi ng mga bahagi ng katawan sa Araw ng Pagbangon laban sa mga may-ari ng mga ito. info