Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm

Numero ng Pahina:close

external-link copy
21 : 41

وَقَالُواْ لِجُلُودِهِمۡ لِمَ شَهِدتُّمۡ عَلَيۡنَاۖ قَالُوٓاْ أَنطَقَنَا ٱللَّهُ ٱلَّذِيٓ أَنطَقَ كُلَّ شَيۡءٖۚ وَهُوَ خَلَقَكُمۡ أَوَّلَ مَرَّةٖ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ

Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya sa mga balat nila: "Bakit kayo sumaksi laban sa amin sa dati naming ginagawa sa Mundo?" Magsasabi ang mga balat bilang sagot sa mga may-ari ng mga ito: "Nagpabigkas sa amin si Allāh na nagpabigkas sa bawat bagay. Siya ay lumikha sa inyo sa unang pagkakataon nang kayo dati ay nasa Mundo, at tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Kabilang-buhay para sa pagtutuos at pagganti. info
التفاسير:

external-link copy
22 : 41

وَمَا كُنتُمۡ تَسۡتَتِرُونَ أَن يَشۡهَدَ عَلَيۡكُمۡ سَمۡعُكُمۡ وَلَآ أَبۡصَٰرُكُمۡ وَلَا جُلُودُكُمۡ وَلَٰكِن ظَنَنتُمۡ أَنَّ ٱللَّهَ لَا يَعۡلَمُ كَثِيرٗا مِّمَّا تَعۡمَلُونَ

Hindi kayo dati nagkukubli nang gumagawa kayo ng mga pagsuway upang hindi sumaksi laban sa inyo ang mga pandinig ninyo, ni ang mga paningin ninyo, ni ang mga balat ninyo dahil kayo ay hindi naniniwala sa pagtutuos ni sa parusa ni sa gantimpala matapos ng kamatayan; subalit nagpalagay kayo na si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay hindi nakaaalam sa marami sa ginagawa ninyo, bagkus nakakukubli sa Kanya, kaya naman nalinlang kayo. info
التفاسير:

external-link copy
23 : 41

وَذَٰلِكُمۡ ظَنُّكُمُ ٱلَّذِي ظَنَنتُم بِرَبِّكُمۡ أَرۡدَىٰكُمۡ فَأَصۡبَحۡتُم مِّنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ

Yaong pagpapalagay na masagwa na ipinagpalagay ninyo sa Panginoon ninyo ay nagpahamak sa inyo, kaya kayo dahilan doon ay naging kabilang sa mga lugi na nagpalugi [sa buhay] sa Mundo at Kabilang-buhay." info
التفاسير:

external-link copy
24 : 41

فَإِن يَصۡبِرُواْ فَٱلنَّارُ مَثۡوٗى لَّهُمۡۖ وَإِن يَسۡتَعۡتِبُواْ فَمَا هُم مِّنَ ٱلۡمُعۡتَبِينَ

Kaya kung makatitiis itong mga sumaksi laban sa kanila ang pandinig nila, ang mga paningin nila, at ang mga balat nila, ang Apoy ay isang pananatilihan para sa kanila at isang kanlungang kakanlungan nila. Kung hihiling sila ng pag-aalis ng pagdurusa at ng kaluguran ni Allāh sa kanila, hindi sila mga magtatamo ng kaluguran Niya ni mga papasok sa Hardin magpakailanman. info
التفاسير:

external-link copy
25 : 41

۞ وَقَيَّضۡنَا لَهُمۡ قُرَنَآءَ فَزَيَّنُواْ لَهُم مَّا بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَمَا خَلۡفَهُمۡ وَحَقَّ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقَوۡلُ فِيٓ أُمَمٖ قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِهِم مِّنَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِۖ إِنَّهُمۡ كَانُواْ خَٰسِرِينَ

Naglaan Kami para sa mga tagatangging sumampalataya na ito ng mga kapisan kabilang sa mga demonyo na didikit sa kanila, Magpapaganda ang mga ito para sa kanila ng mga gawain nila sa Mundo. Magpapaganda ang mga ito para sa kanila ng nasa hinaharap nila kabilang sa nauukol sa Kabilang-buhay. Kaya naman magpapalimot ang mga ito sa kanila ng pagsasaalaala niyon at paggawa para roon. Kakailanganin sa kanila ang pagdurusa sa kabuuan ng mga kalipunang nagdaan na bago pa nila kabilang sa jinn at tao. Tunay na sila ay mga lugi noon yayamang nagpalugi sila ng mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon dahil sa pagpasok nila sa Apoy. info
التفاسير:

external-link copy
26 : 41

وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَا تَسۡمَعُواْ لِهَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانِ وَٱلۡغَوۡاْ فِيهِ لَعَلَّكُمۡ تَغۡلِبُونَ

Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya habang mga nagtatagubilinan sa pagitan nila noong nawalang-kakayahan sila sa pagharap sa katwiran sa pamamagitan ng katwiran: "Huwag kayong makinig sa Qur’an na ito na binibigkas sa inyo ni Muḥammad at huwag kayong magpaakay sa nilalaman nito. Sumigaw kayo at magtaas kayo ng mga tinig ninyo sa sandali ng pagbigkas niya nito, nang sa gayon sa pamamagitan niyon ay magwagi kayo sa kanya saka ititigil niya ang pagbigkas niyan at ang pag-aanyaya tungo riyan, para makapagpahinga kayo mula riyan. info
التفاسير:

external-link copy
27 : 41

فَلَنُذِيقَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ عَذَابٗا شَدِيدٗا وَلَنَجۡزِيَنَّهُمۡ أَسۡوَأَ ٱلَّذِي كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

Kaya talagang magpapalasap nga sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa mga sugo Niya ng isang pagdurusang matindi sa Araw ng Pagbangon, at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng pinakamasagwa sa dati nilang ginagawa na shirk at mga pagsuway bilang parusa sa kanila sa mga iyon. info
التفاسير:

external-link copy
28 : 41

ذَٰلِكَ جَزَآءُ أَعۡدَآءِ ٱللَّهِ ٱلنَّارُۖ لَهُمۡ فِيهَا دَارُ ٱلۡخُلۡدِ جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا يَجۡحَدُونَ

Ang ganting nabanggit na iyon ay ang ganti sa mga kaaway ni Allāh na mga tumangging sumampalataya sa Kanya at nagpasinungaling sa mga sugo Niya – ang Apoy. Ukol sa kanila roon ay kawalang-hanggan na hindi napuputol magpakailanman bilang ganti sa pagkakaila nila sa mga tanda ni Allāh at kawalan ng pananampalataya nila sa mga ito sa kabila ng kaliwanagan ng mga ito at lakas ng katwiran ng mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
29 : 41

وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ رَبَّنَآ أَرِنَا ٱلَّذَيۡنِ أَضَلَّانَا مِنَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِ نَجۡعَلۡهُمَا تَحۡتَ أَقۡدَامِنَا لِيَكُونَا مِنَ ٱلۡأَسۡفَلِينَ

Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa mga sugo Niya: "Panginoon namin, magpakita Ka sa amin ng dalawang nagpaligaw sa amin kabilang sa jinn at tao: si Satanas na nagsakalakaran ng kawalang-pananampalataya at pag-aanyaya tungo rito at ang anak ni Adan na nagsakalakaran ng pagpapadanak ng mga dugo, ilalagay namin silang dalawa ng apoy sa ilalim ng mga paa namin upang silang dalawa ay maging kabilang sa mga pinakamababa, na sila ay ang pinakamatindi sa mga maninirahan sa Apoy sa pagdurusa." info
التفاسير:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• سوء الظن بالله صفة من صفات الكفار.
Ang kasagwaan ng pagpapalagay kay Allāh ay isang katangian kabilang sa mga katangian ng tagatangging sumampalataya. info

• الكفر والمعاصي سبب تسليط الشياطين على الإنسان.
Ang kawalang-pananampalataya at ang mga pagsuway ay kadahilanan sa pagpapangibabaw ng mga demonyo sa tao. info

• تمنّي الأتباع أن ينال متبوعوهم أشدّ العذاب يوم القيامة.
Ang pagmimithi ng mga tagasunod na magkamit ang mga sinunod nila ng pinakamatindi sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon. info