Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm

Numero ng Pahina:close

external-link copy
17 : 40

ٱلۡيَوۡمَ تُجۡزَىٰ كُلُّ نَفۡسِۭ بِمَا كَسَبَتۡۚ لَا ظُلۡمَ ٱلۡيَوۡمَۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَرِيعُ ٱلۡحِسَابِ

Sa Araw na ito, gagantihan ang bawat kaluluwa ayon sa nakamit nito na gawa. Kung kabutihan ay kabutihan [ang ganti] at kung kasamaan ay kasamaan [ang ganti]. Walang kawalang-katarungan sa Araw na ito dahil ang Tagahatol ay si Allāh, ang Makatarungan. Tunay na si Allāh ay Mabilis ang pagtutuos sa mga lingkod Niya dahil sa pagkakasaklaw ng kaalaman Niya sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
18 : 40

وَأَنذِرۡهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡأٓزِفَةِ إِذِ ٱلۡقُلُوبُ لَدَى ٱلۡحَنَاجِرِ كَٰظِمِينَۚ مَا لِلظَّٰلِمِينَ مِنۡ حَمِيمٖ وَلَا شَفِيعٖ يُطَاعُ

Pangambahin mo sila, O Sugo, ng Araw ng Pagbangon, ang Pagbangong ito [ng mga patay] na nalalapit sapagkat ito ay darating at ang bawat darating ay malapit na. Sa Araw na iyon, ang mga puso dala ng tindi ng hilakbot ng mga ito ay magiging nakaangat hanggang sa umabot sa mga lalamunan ng mga may-ari ng mga ito, na magiging mga tahimik: hindi magsasalita ang isa kabilang sa kanila maliban sa sinumang nagpahintulot sa kanya ang Napakamaawain. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa shirk at mga pagsuway na anumang kaibigan ni kamag-anak ni tagapagpamagitang tatalimain kapag itinakda para sa kanya na mamagitan. info
التفاسير:

external-link copy
19 : 40

يَعۡلَمُ خَآئِنَةَ ٱلۡأَعۡيُنِ وَمَا تُخۡفِي ٱلصُّدُورُ

Si Allāh ay nakaaalam sa anumang sinusulyapan ng mga mata ng mga tumitingin nang pakubli at nakaaalam sa anumang itinatago ng mga dibdib: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon. info
التفاسير:

external-link copy
20 : 40

وَٱللَّهُ يَقۡضِي بِٱلۡحَقِّۖ وَٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ لَا يَقۡضُونَ بِشَيۡءٍۗ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡبَصِيرُ

Si Allāh ay humahatol ayon sa katarungan sapagkat hindi Siya lumalabag sa katarungan sa isa man sa pamamagitan ng pagbawas sa mga magandang gawa nito ni sa pagdaragdag sa mga masagwang gawa nito, samantalang ang mga sinasamba ng mga tagapagtambal bukod pa kay Allāh ay hindi humahatol ayon sa anuman dahil ang mga ito ay hindi nagmamay-ari ng anuman. Tunay na si Allāh ay ang Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, ang Nakakikita sa mga layunin nila at mga gawain nila. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
21 : 40

۞ أَوَلَمۡ يَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَيَنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلَّذِينَ كَانُواْ مِن قَبۡلِهِمۡۚ كَانُواْ هُمۡ أَشَدَّ مِنۡهُمۡ قُوَّةٗ وَءَاثَارٗا فِي ٱلۡأَرۡضِ فَأَخَذَهُمُ ٱللَّهُ بِذُنُوبِهِمۡ وَمَا كَانَ لَهُم مِّنَ ٱللَّهِ مِن وَاقٖ

Hindi ba humayo ang mga tagapagtambal na ito sa lupain para magnilay-nilay sila kung naging papaano ang wakas ng mga kalipunang nagpasinungaling noong bago pa nila? Iyon nga ay naging isang wakas na masagwa. Dati ang mga kalipunang iyon ay higit na matindi kaysa sa mga ito sa lakas. Nag-iwan ang mga iyon sa lupa ng mga gusali samantalang hindi nag-iwan dito ang mga ito. Ngunit ipinahamak sila ni Allāh dahilan sa mga pagkakasala nila. Hindi nagkaroon sa kanila ng tagasanggalang na magsasanggalang sa kanila laban sa parusa ni Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
22 : 40

ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ كَانَت تَّأۡتِيهِمۡ رُسُلُهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَكَفَرُواْ فَأَخَذَهُمُ ٱللَّهُۚ إِنَّهُۥ قَوِيّٞ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ

Ang pagdurusang iyon na tumama sa kanila ay tumama lamang sa kanila dahil sila dati ay dinadalhan ng mga sugo nila mula kay Allāh ng mga patunay na maliwanag at mga katwirang maningning ngunit tumanggi silang sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sila sa mga sugo Niya. Sa kabila ng taglay nila na lakas, dinaklot sila ni Allāh at ipinahamak Niya sila. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay Malakas, Matindi ang pagpaparusa sa sinumang tumangging sumampalataya sa Kanya at nagpasinungaling sa mga sugo Niya. info
التفاسير:

external-link copy
23 : 40

وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مُوسَىٰ بِـَٔايَٰتِنَا وَسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٍ

Talaga ngang nagpadala Kami kay Moises kalakip ng mga tanda Naming maliliwanag at isang patotoong tiyak info
التفاسير:

external-link copy
24 : 40

إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَهَٰمَٰنَ وَقَٰرُونَ فَقَالُواْ سَٰحِرٞ كَذَّابٞ

kay Paraon at sa katuwang nitong si Hāmān at kay Qārūn, ngunit nagsabi sila: "Si Moises ay isang manggagaway na palasinungaling sa inaangkin niya na siya raw ay isang sugo!" info
التفاسير:

external-link copy
25 : 40

فَلَمَّا جَآءَهُم بِٱلۡحَقِّ مِنۡ عِندِنَا قَالُواْ ٱقۡتُلُوٓاْ أَبۡنَآءَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَعَهُۥ وَٱسۡتَحۡيُواْ نِسَآءَهُمۡۚ وَمَا كَيۡدُ ٱلۡكَٰفِرِينَ إِلَّا فِي ضَلَٰلٖ

Kaya noong naghatid siya sa kanila ng patotoong nagpapatunay sa katapatan niya ay nagsabi sina Paraon: "Patayin ninyo ang mga lalaking anak ng mga sumampalataya kasama sa kanya at panatilihin ninyo ang mga kababaihan nila bilang paghamak sa kanila." Walang iba ang pakana ng mga tagatangging sumampalataya sa pamamagitan ng pag-uutos ng pagpapakaunti sa bilang ng mga mananampalataya kundi isang napapahamak na nawawala, na walang bakas para roon. info
التفاسير:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• التذكير بيوم القيامة من أعظم الروادع عن المعاصي.
Ang pagpapaalaala hinggil sa Araw ng Pagbangon ay kabilang sa pinakadakila sa mga tagapagpaudlot palayo sa mga pagsuway. info

• إحاطة علم الله بأعمال عباده؛ خَفِيَّة كانت أم ظاهرة.
Ang pagkasaklaw ng kaalaman ni Allāh sa mga gawain ng mga lingkod Niya nang pakubli man o nakalantad. info

• الأمر بالسير في الأرض للاتعاظ بحال المشركين الذين أهلكوا.
Ang pag-uutos ng paghayo sa lupain para mapangaralan sa kalagayan ng mga tagapagtambal na ipinahamak. info