Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm

Numero ng Pahina:close

external-link copy
45 : 4

وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِأَعۡدَآئِكُمۡۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ وَلِيّٗا وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ نَصِيرٗا

Si Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan – ay higit na maalam kaysa sa inyo sa mga kaaway ninyo, O mga mananampalataya, kaya nagpabatid Siya sa inyo hinggil sa kanila at naglinaw Siya para sa inyo sa pagkamuhi nila. Nakasapat si Allāh bilang Katangkilik na mag-iingat sa inyo laban sa pinsala nila at nakasapat si Allāh bilang Mapag-adyang magtatanggol sa inyo laban sa pakana nila at pananakit nila at mag-aadya sa inyo laban sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
46 : 4

مِّنَ ٱلَّذِينَ هَادُواْ يُحَرِّفُونَ ٱلۡكَلِمَ عَن مَّوَاضِعِهِۦ وَيَقُولُونَ سَمِعۡنَا وَعَصَيۡنَا وَٱسۡمَعۡ غَيۡرَ مُسۡمَعٖ وَرَٰعِنَا لَيَّۢا بِأَلۡسِنَتِهِمۡ وَطَعۡنٗا فِي ٱلدِّينِۚ وَلَوۡ أَنَّهُمۡ قَالُواْ سَمِعۡنَا وَأَطَعۡنَا وَٱسۡمَعۡ وَٱنظُرۡنَا لَكَانَ خَيۡرٗا لَّهُمۡ وَأَقۡوَمَ وَلَٰكِن لَّعَنَهُمُ ٱللَّهُ بِكُفۡرِهِمۡ فَلَا يُؤۡمِنُونَ إِلَّا قَلِيلٗا

Mayroon sa mga Hudyo na mga tao ng kasamaan na nag-iiba sa pananalitang pinababa ni Allāh sapagkat nagpapakahulugan sila nito ng ayon sa hindi pinababa ni Allāh. Nagsasabi sila sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – nang nag-uutos siya sa kanila ng isang utos: "Nakinig kami sa sabi mo at sumuway kami sa utos mo." Nagsasabi sila bilang mga nanunuya: "Makinig ka ng sinasabi namin na hindi mo narinig." Nagpapaakala sila sa sabi nilang "Rā`inā" na sila ay tumutukoy ng: "Magsaalang-alang ka sa amin sa pagdinig sa iyo," gayong ang tinutukoy lamang nila ay "ang katunggakan." Pumipilipit sila rito ng mga dila nila. Nagnanais sila ng panalangin laban sa kanya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at naglalayon sila ng pagtuligsa sa relihiyon. Kung sakaling sila ay nagsabi sana ng: "Nakinig kami sa sabi mo at tumalima kami sa utos mo" sa halip ng pagsabi nila ng: "Nakinig kami sa sabi mo at sumuway kami sa utos mo," at nagsabi sana ng: "Duminig ka" sa halip ng pagsabi nila ng: "Makinig ka; hindi ka nakarinig," at nagsabi sana ng: "Maghintay ka sa amin na makaunawa kami ng sinasabi mo" sa halip ng pagsabi nila ng: "Rā`inā," talaga sanang iyon ay higit na mabuti para sa kanila kaysa sa sinabi nila sa una at higit na makatarungan dahil taglay nito ang kagandahang asal na nababagay sa kalagayan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Subalit sumumpa sa kanila ni Allāh saka nagtaboy sa kanila mula sa awa Niya dahilan sa kawalang-pananampalataya nila sapagkat hindi sila sumasampalataya ng pananampalatayang nagpapakinabang sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
47 : 4

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ ءَامِنُواْ بِمَا نَزَّلۡنَا مُصَدِّقٗا لِّمَا مَعَكُم مِّن قَبۡلِ أَن نَّطۡمِسَ وُجُوهٗا فَنَرُدَّهَا عَلَىٰٓ أَدۡبَارِهَآ أَوۡ نَلۡعَنَهُمۡ كَمَا لَعَنَّآ أَصۡحَٰبَ ٱلسَّبۡتِۚ وَكَانَ أَمۡرُ ٱللَّهِ مَفۡعُولًا

O mga binigyan ng Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano, sumampalataya kayo sa pinababa ni Allāh kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na dumating bilang tagapagpatotoo para sa taglay ninyo na Torah at Ebanghelyo bago pa Siya pumawi ng nasa mga mukha na mga pandama at maglagay ng mga ito sa dako ng mga likuran nila, o magtaboy Siya sa kanila palayo sa awa Niya gaya ng pagtaboy Niya mula rito sa mga lumabag sa Sabath, na mga lumabag dahil sa pangingisda sa araw na ito matapos ng pagsaway sa kanila laban doon, kaya nagpaanyo sa kanila si Allāh bilang mga unggoy. Ang utos Niya – pagkataas-taas Siya – at ang pagtatakda Niya ay laging magaganap nang walang pasubali. info
التفاسير:

external-link copy
48 : 4

إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَغۡفِرُ أَن يُشۡرَكَ بِهِۦ وَيَغۡفِرُ مَا دُونَ ذَٰلِكَ لِمَن يَشَآءُۚ وَمَن يُشۡرِكۡ بِٱللَّهِ فَقَدِ ٱفۡتَرَىٰٓ إِثۡمًا عَظِيمًا

Tunay na si Allāh ay hindi magpapatawad na tambalan Siya ng anuman mula sa mga nilikha Niya at magpapalampas naman Siya sa anumang mababa pa sa Shirk at Kawalang-pananampalataya kabilang sa mga pagsuway sa sinumang loloobin Niya dahil sa kabutihang-loob Niya, o magpaparusa Siya dahil sa mga ito sa sinumang niloob Niya kabilang sa kanila ayon sa sukat ng mga pagkakasala nila ayon sa katarungan Niya. Ang sinumang nagtatambal kay Allāh ng iba pa sa Kanya ay lumikha-likha nga ng isang kasalanang sukdulan na hindi mapatatawad ang sinumang namatay rito. info
التفاسير:

external-link copy
49 : 4

أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ يُزَكُّونَ أَنفُسَهُمۚ بَلِ ٱللَّهُ يُزَكِّي مَن يَشَآءُ وَلَا يُظۡلَمُونَ فَتِيلًا

Hindi ka ba nakaalam, O Sugo, sa kalagayan ng mga nagpapapuring iyon ng pagpupuri ng pagmamalinis sa mga sarili nila at mga gawain nila? Bagkus si Allāh – tanging Siya – ay ang nagpapapuri sa sinumang niloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at naglilinis sa kanila dahil Siya ay nakaaalam sa mga ikinukubli ng mga puso. Hindi sila babawasan ng anuman mula sa gantimpala ng mga gawa nila, kahit pa man kasing liit ng hiblang nasa buto ng datiles. info
التفاسير:

external-link copy
50 : 4

ٱنظُرۡ كَيۡفَ يَفۡتَرُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَۖ وَكَفَىٰ بِهِۦٓ إِثۡمٗا مُّبِينًا

Tumingin ka, O Sugo, kung papaano silang lumilikha-likha laban kay Allāh ng kasinungalingan sa pamamagitan ng pagpapapuri nila sa mga sarili! Nakasapat iyon bilang pagkakasalang malinaw sa pagkaligaw nila. info
التفاسير:

external-link copy
51 : 4

أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ أُوتُواْ نَصِيبٗا مِّنَ ٱلۡكِتَٰبِ يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡجِبۡتِ وَٱلطَّٰغُوتِ وَيَقُولُونَ لِلَّذِينَ كَفَرُواْ هَٰٓؤُلَآءِ أَهۡدَىٰ مِنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ سَبِيلًا

Hindi ka ba nakaalam, O Sugo, at nagtataka sa kalagayan ng mga Hudyo na binigyan ni Allāh ng isang bahagi mula sa kaalaman? Sumasampalataya sila sa ginawa nilang mga sinasamba bukod pa kay Allāh, at nagsasabi sila bilang pakikisama sa mga tagapagtambal: "Tunay na sila ay higit na napatnubayan sa daan kaysa sa mga Kasamahan ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan!" info
التفاسير:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• كفاية الله للمؤمنين ونصره لهم تغنيهم عما سواه.
Ang kasapatan ni Allāh ay para sa mga mananampalataya at ang pag-aadya Niya sa kanila ay nakasasapat sa kanila sa halip ng iba pa sa Kanya. info

• بيان جرائم اليهود، كتحريفهم كلام الله، وسوء أدبهم مع رسوله صلى الله عليه وسلم، وتحاكمهم إلى غير شرعه سبحانه.
Ang paglilinaw sa mga krimen ng mga Hudyo gaya ng pagbaluktot nila sa pananalita ni Allāh, kasagwaan ng asal nila sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at pagpapahatol nila sa iba pa sa batas Niya – kaluwalhatian sa Kanya. info

• بيان خطر الشرك والكفر، وأنه لا يُغْفر لصاحبه إذا مات عليه، وأما ما دون ذلك فهو تحت مشيئة الله تعالى.
Ang paglilinaw sa panganib ng Pagtatambal at Kawalang-pananampalataya at na hindi pinatatawad ang nakagagawa nito kapag namatay sa ganito. Ang anumang mababa pa rito, ito ay nasa ilalim ng kalooban ni Allāh – pagkataas-taas Siya. info