Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm

external-link copy
55 : 39

وَٱتَّبِعُوٓاْ أَحۡسَنَ مَآ أُنزِلَ إِلَيۡكُم مِّن رَّبِّكُم مِّن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَكُمُ ٱلۡعَذَابُ بَغۡتَةٗ وَأَنتُمۡ لَا تَشۡعُرُونَ

Sumunod kayo sa Qur'ān na pinakamaganda sa pinababa ng Panginoon ninyo sa Sugo Niya saka gumawa kayo ayon sa mga ipinag-uutos Niya at umiwas kayo sa mga sinasaway Niya bago pa pumunta sa inyo ang pagdurusa nang biglaan habang kayo ay hindi nakadarama nito para maghanda kayo para rito ng pagbabalik-loob. info
التفاسير:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• النعمة على الكافر استدراج.
Ang biyaya sa tagatangging sumampalataya ay isang pagpapain. info

• سعة رحمة الله بخلقه.
Ang lawak ng awa ni Allāh sa nilikha Niya. info

• الندم النافع هو ما كان في الدنيا، وتبعته توبة نصوح.
Ang pagsisising napakikinabangan ay ang nasa Mundo, na nasusundan ng isang pagbabalik-loob na tapat. info