Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm

Az-Zumar

Ilan sa mga Layon ng Surah:
الدعوة للتوحيد والإخلاص، ونبذ الشرك.
Ang pag-aanya para Tawḥīd, pagpapakawagas, at pagtapon ng Shirk. info

external-link copy
1 : 39

تَنزِيلُ ٱلۡكِتَٰبِ مِنَ ٱللَّهِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَكِيمِ

Ang pagbababa ng Qur'ān ay mula kay Allāh, ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pangangasiwa Niya, at batas Niya. Hindi ito pinababa ng iba pa sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. info
التفاسير:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الداعي إلى الله يحتسب الأجر من عنده، لا يريد من الناس أجرًا على ما يدعوهم إليه من الحق.
Ang nag-aanyaya tungo kay Allāh ay umaasam ng pabuya mula sa ganang Kanya. Hindi siya nagnanais mula sa mga tao ng isang pabuya dahil sa pag-aanyaya niya sa kanila sa katotohanan. info

• التكلّف ليس من الدِّين.
Ang pagkukunwari ay hindi bahagi ng Islām. info

• التوسل إلى الله يكون بأسمائه وصفاته وبالإيمان وبالعمل الصالح لا غير.
Ang pagsusumamo kay Allāh ay nangyayari sa pamamagitan ng mga pangalan Niya at mga katangian Niya, ng pananampalataya, at ng gawang maayos, wala nang iba pa. info