Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm

Numero ng Pahina:close

external-link copy
4 : 35

وَإِن يُكَذِّبُوكَ فَقَدۡ كُذِّبَتۡ رُسُلٞ مِّن قَبۡلِكَۚ وَإِلَى ٱللَّهِ تُرۡجَعُ ٱلۡأُمُورُ

Kung nagpapasinungaling sa iyo ang mga kalipi mo, O Sugo, ay magtiis ka sapagkat hindi ikaw ang unang sugong pinasinungalingan ng mga kalipi nito sapagkat may nagpasinungaling nga na mga kalipunan, bago mo pa, sa mga sugo sa kanila, tulad ng [mga liping] `Ād at Thamūd at mga kababayan ni Lot. Tungo kay Allāh lamang pinababalik ang mga usapin sa kabuuan ng mga ito para magpahamak Siya sa mga tagapasinungaling at mag-adya Siya sa mga sugo Niya at mga mananampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
5 : 35

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞۖ فَلَا تَغُرَّنَّكُمُ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا وَلَا يَغُرَّنَّكُم بِٱللَّهِ ٱلۡغَرُورُ

O mga tao, tunay na ang ipinangako ni Allāh – na pagkabuhay at pagganti sa Araw ng Pagbangon – ay totoo na walang duda hinggil dito, kaya huwag ngang dumaya sa inyo ang mga sarap ng buhay na pangmundo at ang mga ninanasa rito palayo sa paghahanda para sa Araw na ito sa pamamagitan ng gawang maayos, at huwag ngang dumaya sa inyo ang demonyo sa pamamagitan ng pang-aakit niya para sa kabulaanan at pagsandal sa buhay na pangmundo. info
التفاسير:

external-link copy
6 : 35

إِنَّ ٱلشَّيۡطَٰنَ لَكُمۡ عَدُوّٞ فَٱتَّخِذُوهُ عَدُوًّاۚ إِنَّمَا يَدۡعُواْ حِزۡبَهُۥ لِيَكُونُواْ مِنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلسَّعِيرِ

Tunay na ang demonyo para sa inyo, O mga tao, ay isang kaaway na palagi sa pangangaway, kaya gawin ninyo siyang isang kaaway sa pamamagitan ng pagpapanatili sa pakikidigma sa kanya. Nag-aanyaya lamang ang demonyo sa mga tagasunod niya tungo sa kawalang-pananampalataya kay Allāh upang ang kahihinatnan nila ay ang pagpasok sa Apoy na nagliliyab sa Araw ng Pagbangon. info
التفاسير:

external-link copy
7 : 35

ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَهُمۡ عَذَابٞ شَدِيدٞۖ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَهُم مَّغۡفِرَةٞ وَأَجۡرٞ كَبِيرٌ

Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh bilang pagsunod sa demonyo, ukol sa kanila ay isang pagdurusang malakas. Ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos, ukol sa kanila ay isang kapatawaran mula kay Allāh para sa mga pagkakasala nila at ukol sa kanila ay isang pabuyang sukdulan mula sa Kanya, ang paraiso. info
التفاسير:

external-link copy
8 : 35

أَفَمَن زُيِّنَ لَهُۥ سُوٓءُ عَمَلِهِۦ فَرَءَاهُ حَسَنٗاۖ فَإِنَّ ٱللَّهَ يُضِلُّ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِي مَن يَشَآءُۖ فَلَا تَذۡهَبۡ نَفۡسُكَ عَلَيۡهِمۡ حَسَرَٰتٍۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمُۢ بِمَا يَصۡنَعُونَ

Tunay na ang pinaganda sa kanya ng demonyo ang gawain niyang masagwa, kaya naniwala siya na ito ay maganda, ay hindi gaya ng sinumang ipinang-akit sa kanya ni Allāh ang totoo, kaya naniniwala siya na ito ay totoo, sapagkat tunay na si Allāh ay nagliligaw sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Walang nakapipilit sa Kanya, kaya huwag kang magpahamak, O Sugo, ng sarili mo sa lungkot sa pagkaligaw ng mga naliligaw. Tunay na si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay Maalam sa anumang niyayari nila: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawa nila na anuman. info
التفاسير:

external-link copy
9 : 35

وَٱللَّهُ ٱلَّذِيٓ أَرۡسَلَ ٱلرِّيَٰحَ فَتُثِيرُ سَحَابٗا فَسُقۡنَٰهُ إِلَىٰ بَلَدٖ مَّيِّتٖ فَأَحۡيَيۡنَا بِهِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَاۚ كَذَٰلِكَ ٱلنُّشُورُ

Si Allāh ay ang nagpadala ng mga hangin saka nagpagalaw ang mga hanging ito ng mga ulap. Umakay Kami sa mga ulap tungo sa isang bayang walang halaman doon saka nagbigay-buhay Kami sa pamamagitan ng tubig ng mga ito sa lupa matapos ng pagkatuyo nito sa pamamagitan ng pinatubo Namin dito na halaman. Kaya kung paanong nagbigay-buhay Kami sa lupang ito, matapos ng kamatayan nito, sa pamamagitan ng inilagak Namin dito na mga halaman, [gayon] magaganap ang pagbubuhay sa mga patay sa Araw ng Pagbangon. info
التفاسير:

external-link copy
10 : 35

مَن كَانَ يُرِيدُ ٱلۡعِزَّةَ فَلِلَّهِ ٱلۡعِزَّةُ جَمِيعًاۚ إِلَيۡهِ يَصۡعَدُ ٱلۡكَلِمُ ٱلطَّيِّبُ وَٱلۡعَمَلُ ٱلصَّٰلِحُ يَرۡفَعُهُۥۚ وَٱلَّذِينَ يَمۡكُرُونَ ٱلسَّيِّـَٔاتِ لَهُمۡ عَذَابٞ شَدِيدٞۖ وَمَكۡرُ أُوْلَٰٓئِكَ هُوَ يَبُورُ

Ang sinumang nagnanais ng karangalan sa Mundo o sa Kabilang-buhay ay huwag humiling nito malibang mula kay Allāh sapagkat sa kay Allāh lamang ang karangalan sa dalawang ito. Tungo sa Kanya umaakyat ang kaaya-ayang pagbanggit sa Kanya, at ang gawang maayos ng mga lingkod Niya ay nag-aangat nito tungo sa Kanya. Ang mga nagpapanukala ng mga sabwatang masagwa gaya ng pagtatangka ng pagpatay sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi. Ang pakana ng mga tagatangging sumampalataya na iyon ay mawawalang-saysay, masisira, at hindi magsasakatuparan para sa kanila ng isang pakay. info
التفاسير:

external-link copy
11 : 35

وَٱللَّهُ خَلَقَكُم مِّن تُرَابٖ ثُمَّ مِن نُّطۡفَةٖ ثُمَّ جَعَلَكُمۡ أَزۡوَٰجٗاۚ وَمَا تَحۡمِلُ مِنۡ أُنثَىٰ وَلَا تَضَعُ إِلَّا بِعِلۡمِهِۦۚ وَمَا يُعَمَّرُ مِن مُّعَمَّرٖ وَلَا يُنقَصُ مِنۡ عُمُرِهِۦٓ إِلَّا فِي كِتَٰبٍۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٞ

Si Allāh ay ang lumikha sa ama ninyong si Adan mula sa alabok, pagkatapos lumikha sa inyo mula sa patak ng punlay, pagkatapos gumawa sa inyo na mga lalaki at mga babaing nag-aasawahan kayo sa gitna ninyo. Walang nagbubuntis na isang babae ng isang sanggol at walang nagsisilang ng anak nito malibang nasa kaalaman Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Walang nalilingid sa Kanya mula roon na anuman. Walang naidadagdag sa edad ng isa kabilang sa nilikha Niya at walang naibabawas mula roon malibang nangyaring iyon ay nakasulat sa Tablerong Pinangangalagaan. Tunay na ang nabanggit na iyon – na paglikha sa inyo mula sa alabok, paglikha sa inyo sa mga yugto, at pagsusulat ng mga edad ninyo sa Tablerong Pinangangalagaan – kay Allāh ay magaan. info
التفاسير:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• تسلية الرسول صلى الله عليه وسلم بذكر أخبار الرسل مع أقوامهم.
Ang pagpapalubag-loob sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga ulat tungkol sa mga sugo kasama ng mga tao nila. info

• الاغترار بالدنيا سبب الإعراض عن الحق.
Ang pagkalinlang dahil sa Mundo ay isang kadahilanan ng pag-ayaw sa katotohanan. info

• اتخاذ الشيطان عدوًّا باتخاذ الأسباب المعينة على التحرز منه؛ من ذكر الله، وتلاوة القرآن، وفعل الطاعة، وترك المعاصي.
Ang pagturing sa demonyo bilang kaaway ay sa pamamagitan ng paggawa sa mga kadahilanang nakatutulong sa pag-iingat laban sa kanya gaya ng pag-alaala kay Allāh, pagbigkas ng Qur'ān, paggawa ng pagtalima, at pag-iwan sa mga pagsuway. info

• ثبوت صفة العلو لله تعالى.
Ang pagpapatibay sa katangian ng kataasan para kay Allāh – pagkataas-taas Siya. info