Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm

external-link copy
25 : 32

إِنَّ رَبَّكَ هُوَ يَفۡصِلُ بَيۡنَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فِيمَا كَانُواْ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ

Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay ang magpapasya sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon sa anumang sila dati hinggil doon ay nagkakaiba-iba sa Mundo kaya lilinawin Niya ang tagapagpahayag ng katotohanan at ang tagapagpahayag ng kabulaanan at gaganti Siya sa bawat isa ng nagiging karapat-dapat dito. info
التفاسير:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• عذاب الكافر في الدنيا وسيلة لتوبته.
Ang pagdurusa ng mga tagatangging sumampalataya sa Mundo ay isang kaparaanan para sa pagbabalik-loob niya. info

• ثبوت اللقاء بين نبينا صلى الله عليه وسلم وموسى عليه السلام ليلة الإسراء والمعراج.
Ang pagpapatibay sa pagkikita sa pagitan ng Propeta natin – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa gabi ng panggabing paglalakbay at pagpanik sa langit. info

• الصبر واليقين صفتا أهل الإمامة في الدين.
Ang pagtitiis at ang katiyakan ay dalawang katangian ng mga may pamumuno sa relihiyon. info