Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm

external-link copy
24 : 32

وَجَعَلۡنَا مِنۡهُمۡ أَئِمَّةٗ يَهۡدُونَ بِأَمۡرِنَا لَمَّا صَبَرُواْۖ وَكَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا يُوقِنُونَ

Gumawa Kami mula sa mga anak ni Israel ng mga pinuno na tinutularan ng mga tao sa katotohanan, na gumagabay tungo sa katotohanan ayon sa pagpapahintulot Namin sa kanila niyon at pagpapalakas Namin sa kanila sa [katotohanang] iyon dahil nagtiis sila sa pagsunod sa mga ipinag-uutos at pag-iwas sa mga sinasaway at sa pananakit sa landas ng pag-aanyaya [tungo sa Islām]. Sila noon sa mga tanda ni Allāh na pinababa sa sugo nila ay nagpapatotoo ayon sa pagpapatotoong tiyakan.
info
التفاسير:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• عذاب الكافر في الدنيا وسيلة لتوبته.
Ang pagdurusa ng mga tagatangging sumampalataya sa Mundo ay isang kaparaanan para sa pagbabalik-loob niya. info

• ثبوت اللقاء بين نبينا صلى الله عليه وسلم وموسى عليه السلام ليلة الإسراء والمعراج.
Ang pagpapatibay sa pagkikita sa pagitan ng Propeta natin – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa gabi ng panggabing paglalakbay at pagpanik sa langit. info

• الصبر واليقين صفتا أهل الإمامة في الدين.
Ang pagtitiis at ang katiyakan ay dalawang katangian ng mga may pamumuno sa relihiyon. info