Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm

external-link copy
42 : 25

إِن كَادَ لَيُضِلُّنَا عَنۡ ءَالِهَتِنَا لَوۡلَآ أَن صَبَرۡنَا عَلَيۡهَاۚ وَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ حِينَ يَرَوۡنَ ٱلۡعَذَابَ مَنۡ أَضَلُّ سَبِيلًا

Talaga ngang muntik na siyang nagpalihis sa atin palayo sa pagsamba sa mga diyos natin. Kung hindi dahil nagtiis tayo sa pagsamba sa mga ito ay talaga sanang nagpalihis siya sa atin palayo sa mga ito sa pamamagitan ng mga katwiran niya at mga patotoo niya." Malalaman nila kapag napagmamasdan na nila ang pagdurusa sa mga libingan nila at sa Araw ng Pagbangon kung sino ang higit na ligaw sa daan: sila ba o siya? Malalaman nila kung alin sa kanila ang higit na ligaw. info
التفاسير:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الكفر بالله والتكذيب بآياته سبب إهلاك الأمم.
Ang kawalang-pananampalataya kay Allāh at ang pagpapasinungaling sa mga tanda niya ay isang kadahilanan ng pagpapahamak sa mga kalipunan. info

• غياب الإيمان بالبعث سبب عدم الاتعاظ.
Ang paglaho ng pananampalataya sa pagbubuhay ay isang kadahilanan sa kawalan ng pagtanggap sa pangaral. info

• السخرية بأهل الحق شأن الكافرين.
Ang panunuya sa mga alagad ng katotohanan ay gawi ng mga tagatangging sumampalataya. info

• خطر اتباع الهوى.
Ang panganib ng pagsunod sa pithaya. info