Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm

Numero ng Pahina:close

external-link copy
39 : 22

أُذِنَ لِلَّذِينَ يُقَٰتَلُونَ بِأَنَّهُمۡ ظُلِمُواْۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ نَصۡرِهِمۡ لَقَدِيرٌ

Nagpahintulot si Allāh ng pakikipaglaban para sa mga mananampalatayang kinakalaban ng mga tagapagtambal noong may naganap sa kanila na kawalang-katarungan ng mga kaaway nila sa kanila. Tunay na si Allāh sa pag-aadya sa mga mananampalataya laban sa kaaway nila nang walang pakikipaglaban ay talagang May-kakayahan, subalit ang karunungan Niya ay humiling na sulitin ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mga tagapagtambal. info
التفاسير:

external-link copy
40 : 22

ٱلَّذِينَ أُخۡرِجُواْ مِن دِيَٰرِهِم بِغَيۡرِ حَقٍّ إِلَّآ أَن يَقُولُواْ رَبُّنَا ٱللَّهُۗ وَلَوۡلَا دَفۡعُ ٱللَّهِ ٱلنَّاسَ بَعۡضَهُم بِبَعۡضٖ لَّهُدِّمَتۡ صَوَٰمِعُ وَبِيَعٞ وَصَلَوَٰتٞ وَمَسَٰجِدُ يُذۡكَرُ فِيهَا ٱسۡمُ ٱللَّهِ كَثِيرٗاۗ وَلَيَنصُرَنَّ ٱللَّهُ مَن يَنصُرُهُۥٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَقَوِيٌّ عَزِيزٌ

[Sila] ang mga pinalisan ng mga tagatangging sumampalataya mula sa mga tahanan nila dala ng isang kawalang-katarungan, hindi dahil sa isang krimeng nagawa nila bagkus dahil sila ay nagsabi: "Ang Panginoon namin ay si Allāh; walang Panginoon para sa amin na iba pa sa Kanya." Kung hindi dahil sa isinabatas ni Allāh para sa mga propeta at mga mananampalataya na pakikipaglaban sa mga kaaway nila, talaga sanang lumabag ang mga ito sa mga larangan ng pagsamba saka nagwasak ang mga ito ng mga monasteryo ng mga monghe, mga iglesya ng mga Kristiyano, mga templo ng mga Hudyo, at mga masjid ng mga Muslim, na inilaan para sa pagdarasal. Sa mga ito ay bumabanggit ang mga Muslim kay Allāh nang pagbanggit na madalas. Talagang mag-aadya nga si Allāh sa sinumang nag-aadya sa Relihiyon Niya at Propeta Niya. Tunay na si Allāh ay talagang Malakas sa pag-aadya sa sinumang nag-aadya sa Relihiyon Niya, Makapangyarihan na walang nakikipagdaigan sa Kanya na isa man. info
التفاسير:

external-link copy
41 : 22

ٱلَّذِينَ إِن مَّكَّنَّٰهُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ أَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتَوُاْ ٱلزَّكَوٰةَ وَأَمَرُواْ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَنَهَوۡاْ عَنِ ٱلۡمُنكَرِۗ وَلِلَّهِ عَٰقِبَةُ ٱلۡأُمُورِ

Ang mga pinangakuang ito ng pag-aadya ay ang mga kung nagbigay-kapangyarihan Kami sa kanila sa lupa sa pamamagitan ng pag-aadya laban sa mga kaaway nila ay magsasagawa ng pagdarasal sa pinakalubos na paraan, magbibigay ng zakāh ng mga yaman nila, mag-uutos ng ipinag-uutos ng Batas ng Islām, at sasaway ayon sa sinaway nito. Sa kay Allāh lamang ang babalikan ng mga bagay sa gantimpala sa mga ito at parusa. info
التفاسير:

external-link copy
42 : 22

وَإِن يُكَذِّبُوكَ فَقَدۡ كَذَّبَتۡ قَبۡلَهُمۡ قَوۡمُ نُوحٖ وَعَادٞ وَثَمُودُ

Kung nagpapasinungaling sa iyo, O Sugo, ang mga kababayan mo ay magtiis ka sapagkat hindi ikaw ang una na pinasinungalingan ng mga kababayan niya kabilang sa mga sugo sapagkat nagpasinungaling nga, bago ng mga kababayan mo, ang mga kababayan ni Noe kay Noe at nagpasinungaling ang liping `Ād kay Hūd at ang liping Thamūd kay Ṣāliḥ. info
التفاسير:

external-link copy
43 : 22

وَقَوۡمُ إِبۡرَٰهِيمَ وَقَوۡمُ لُوطٖ

Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Abraham kay Abraham at nagpasinungaling ang mga kababayan ni Lot kay Lot. info
التفاسير:

external-link copy
44 : 22

وَأَصۡحَٰبُ مَدۡيَنَۖ وَكُذِّبَ مُوسَىٰۖ فَأَمۡلَيۡتُ لِلۡكَٰفِرِينَ ثُمَّ أَخَذۡتُهُمۡۖ فَكَيۡفَ كَانَ نَكِيرِ

Nagpasinungaling ang mga naninirahan sa Madyan kay Shu`ayb at nagpasinungaling si Paraon at ang mga tao niya kay Moises, kaya nagpaliban Ako ng kaparusahan sa mga tao nila bilang pagpapain sa kanila. Pagkatapos dumaklot Ako sa kanila sa pamamagitan ng pagdurusa. Kaya magnilay-nilay ka kung papaano naging ang pagtutol Ko sa kanila sapagkat nagpahamak Ako sa kanila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila. info
التفاسير:

external-link copy
45 : 22

فَكَأَيِّن مِّن قَرۡيَةٍ أَهۡلَكۡنَٰهَا وَهِيَ ظَالِمَةٞ فَهِيَ خَاوِيَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا وَبِئۡرٖ مُّعَطَّلَةٖ وَقَصۡرٖ مَّشِيدٍ

Anong dami ng mga pamayanan na nagpahamak Kami ng mga ito – samantalang ang mga ito ay tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya ng mga ito – sa pamamagitan ng isang pagdurusang pumupuksa kaya ang mga tahanan ng mga ito ay winasak, na nawawalan ng mga nakatira sa mga ito. Anong dami ng mga balon na nawawalan ng mga tagaigib sa mga ito dahil sa kapahamakan nila. Anong dami ng mga palasyong matataas na pinalamutian, na hindi nakapagsanggalang sa mga nakatira sa mga iyon laban sa pagdurusa. info
التفاسير:

external-link copy
46 : 22

أَفَلَمۡ يَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَتَكُونَ لَهُمۡ قُلُوبٞ يَعۡقِلُونَ بِهَآ أَوۡ ءَاذَانٞ يَسۡمَعُونَ بِهَاۖ فَإِنَّهَا لَا تَعۡمَى ٱلۡأَبۡصَٰرُ وَلَٰكِن تَعۡمَى ٱلۡقُلُوبُ ٱلَّتِي فِي ٱلصُّدُورِ

Kaya hindi ba naglakbay sa lupain ang mga tagapagpasinungaling na ito sa inihatid ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – upang makakita sila sa mga bakas ng mga ipinahamak na pamayanang iyon para mag-isip-isip sila sa pamamagitan ng mga isip nila, upang magsaalang-alang sila at makarinig sila ng mga kasaysayan ng mga iyon ayon sa pagdinig ng pagtanggap, upang mapangaralan sila. Tunay na ang pagkabulag ay hindi ang pagkabulag ng paningin, bagkus ang pagkabulag na nakapapahamak na nakalilipol ay ang pagkabulag ng pagkatalos kung saan ang dumaranas nito ay hindi nagkakaroon ng pagsasaalang-alang ni ng pagtanggap ng pangaral. info
التفاسير:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• إثبات صفتي القوة والعزة لله.
Ang pagpapatibay sa dalawang katangian ng lakas at kapangyarihan para kay Allāh. info

• إثبات مشروعية الجهاد؛ للحفاظ على مواطن العبادة.
Ang pagpapatibay sa pagkaisinasabatas ng pakikibaka para sa pangangalaga sa mga pook ng pagsamba. info

• إقامة الدين سبب لنصر الله لعبيده المؤمنين.
Ang pagpapanatili ng relihiyon ay isang kadahilanan para sa pag-aadya ni Allāh sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya. info

• عمى القلوب مانع من الاعتبار بآيات الله.
Ang pagkabulag ng mga puso at tagapigil sa pagsasaalang-alang sa mga tanda ni Allāh. info