పవిత్ర ఖురాన్ యొక్క భావార్థాల అనువాదం - ఫిలిపినో (తగలాగ్) అనువాదం - అల్ ఖుర్ఆన్ అల్ కరీమ్ సంక్షిప్త వ్యాఖ్యాన అనువాదం

పేజీ నెంబరు:close

external-link copy
6 : 76

عَيۡنٗا يَشۡرَبُ بِهَا عِبَادُ ٱللَّهِ يُفَجِّرُونَهَا تَفۡجِيرٗا

Ang inuming inihandang ito para sa mga alagad ng pagtalima ay mula sa isang bukal na madaling maabot, na masagana, na hindi natutuyuan, na iinom doon ang mga lingkod ni Allāh, na magpapaagos sila niyon at magpapadaloy sila niyon saan man nila loobin. info
التفاسير:

external-link copy
7 : 76

يُوفُونَ بِٱلنَّذۡرِ وَيَخَافُونَ يَوۡمٗا كَانَ شَرُّهُۥ مُسۡتَطِيرٗا

Ang mga katangian ng mga lingkod na iinom doon ay na sila ay tumutupad sa inobliga nila sa mga sarili nila na mga pagtalima at nangangamba sa isang araw na ang kasamaan niyon ay magiging kumakalat na lumalaganap. Iyon ay ang Araw ng Pagbangon. info
التفاسير:

external-link copy
8 : 76

وَيُطۡعِمُونَ ٱلطَّعَامَ عَلَىٰ حُبِّهِۦ مِسۡكِينٗا وَيَتِيمٗا وَأَسِيرًا

Nagpapakain sila ng pagkain sa kabila ng kanilang pagiging nasa isang kalagayang naiibigan nila ito dahil sa pangangailangan nila rito at pagnanasa nila rito. Nagpapakain sila nito sa mga nangangailangan kabilang sa mga maralita, mga ulila, at mga bilanggo. info
التفاسير:

external-link copy
9 : 76

إِنَّمَا نُطۡعِمُكُمۡ لِوَجۡهِ ٱللَّهِ لَا نُرِيدُ مِنكُمۡ جَزَآءٗ وَلَا شُكُورًا

Ipinagtatapat nila sa mga sarili nila na sila ay hindi nagpapakain sa mga iyon malibang para sa [ikalulugod ng] mukha ni Allāh sapagkat hindi sila nagnanais mula sa mga iyon ng isang gantimpala ni isang pagbubunyi dahil sa pagpapakain nila sa mga iyon. info
التفاسير:

external-link copy
10 : 76

إِنَّا نَخَافُ مِن رَّبِّنَا يَوۡمًا عَبُوسٗا قَمۡطَرِيرٗا

Tunay na kami ay nangangamba sa Panginoon Namin sa isang araw na iismid doon ang mga mukha ng mga malumbay dahil sa tindi niyon at rimarim niyon." info
التفاسير:

external-link copy
11 : 76

فَوَقَىٰهُمُ ٱللَّهُ شَرَّ ذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمِ وَلَقَّىٰهُمۡ نَضۡرَةٗ وَسُرُورٗا

Kaya magsasanggalang sa kanila si Allāh, dahil sa kabutihang-loob Niya, sa kasamaan ng dakilang Araw na iyon at magbibigay Siya sa kanila ng karilagan at liwanag sa mga mukha nila bilang pagpaparangal sa kanila at bilang galak sa mga puso nila. info
التفاسير:

external-link copy
12 : 76

وَجَزَىٰهُم بِمَا صَبَرُواْ جَنَّةٗ وَحَرِيرٗا

Maggagantimpala sa kanila si Allāh – dahilan sa pagtitiis nila sa mga pagtalima, pagtitiis nila sa mga itinakda ni Allāh, at pagtitiis nila sa paglayo sa mga pagsuway – ng hardin na magiginhawahan sila roon at sutla na isusuot nila. info
التفاسير:

external-link copy
13 : 76

مُّتَّكِـِٔينَ فِيهَا عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِۖ لَا يَرَوۡنَ فِيهَا شَمۡسٗا وَلَا زَمۡهَرِيرٗا

Mga nakasandal doon sa mga kamang ginayakan, hindi sila makakikita sa paraisong ito ng araw na makasasakit sa kanila ang sinag nito ni ng lamig na matindi, bagkus sila ay nasa isang lilim na mamamalagi na walang init doon at walang lamig. info
التفاسير:

external-link copy
14 : 76

وَدَانِيَةً عَلَيۡهِمۡ ظِلَٰلُهَا وَذُلِّلَتۡ قُطُوفُهَا تَذۡلِيلٗا

Malapit mula sa kanila ang mga lilim nito, pagsisilbihin ang mga bunga nito para sa sinumang kukuha ng mga ito kaya kukunin ang mga ito nang may kadalian at kagaanan yayamang maaabot ito ng nakahiga, nakaupo, at nakatayo. info
التفاسير:

external-link copy
15 : 76

وَيُطَافُ عَلَيۡهِم بِـَٔانِيَةٖ مِّن فِضَّةٖ وَأَكۡوَابٖ كَانَتۡ قَوَارِيرَا۠

Papaligid sa kanila ang mga alila ng may mga pinggang pilak at may mga baso ng mga ito na malinaw ang kulay ng mga ito, sa sandali ng pagnanais nila ng pag-inom. info
التفاسير:

external-link copy
16 : 76

قَوَارِيرَاْ مِن فِضَّةٖ قَدَّرُوهَا تَقۡدِيرٗا

Ang mga ito, sa kalinawan ng kulay ng mga ito, ay tulad ng mga salamin gayong ang mga ito ay yari sa pilak. Ang mga ito ay nasukat alinsunod sa ninanais nila, na hindi nadaragdagan at hindi nababawasan. info
التفاسير:

external-link copy
17 : 76

وَيُسۡقَوۡنَ فِيهَا كَأۡسٗا كَانَ مِزَاجُهَا زَنجَبِيلًا

Paiinumin ang mga pinararangalang ito ng isang kopa ng alak na hinaluan ng luya. info
التفاسير:

external-link copy
18 : 76

عَيۡنٗا فِيهَا تُسَمَّىٰ سَلۡسَبِيلٗا

Iinom sila mula sa isang bukal sa Paraiso, na pinangangalanang Salsabīl. info
التفاسير:

external-link copy
19 : 76

۞ وَيَطُوفُ عَلَيۡهِمۡ وِلۡدَٰنٞ مُّخَلَّدُونَ إِذَا رَأَيۡتَهُمۡ حَسِبۡتَهُمۡ لُؤۡلُؤٗا مَّنثُورٗا

May papaligid sa kanila sa Paraiso na mga batang lalaki na mga nananatili sa kabataan nila. Kapag nakita mo sila ay magpapalagay kang sila ay mga mutyang isinabog dahil sa kasariwaan ng mga mukha nila, ganda ng mga kulay nila, dami nila, at pagkalat-kalat nila. info
التفاسير:

external-link copy
20 : 76

وَإِذَا رَأَيۡتَ ثَمَّ رَأَيۡتَ نَعِيمٗا وَمُلۡكٗا كَبِيرًا

Kapag nakakita ka ng naroroon sa Paraiso ay makakikita ka ng isang kaginhawahang hindi maaaring mailarawan at isang paghaharing dakilang walang nakapapantay na isang paghahari. info
التفاسير:

external-link copy
21 : 76

عَٰلِيَهُمۡ ثِيَابُ سُندُسٍ خُضۡرٞ وَإِسۡتَبۡرَقٞۖ وَحُلُّوٓاْ أَسَاوِرَ مِن فِضَّةٖ وَسَقَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡ شَرَابٗا طَهُورًا

Pumaibabaw nga sa mga katawan nila ang mga kasuutang luntiang magara. Ang mga ito ay yari sa sutlang manipis at sutlang makapal. Pasusuutin sila roon ng mga pulseras na yari sa pilak. Magpapainom sa kanila si Allāh ng inuming walang anumang panligalig. info
التفاسير:

external-link copy
22 : 76

إِنَّ هَٰذَا كَانَ لَكُمۡ جَزَآءٗ وَكَانَ سَعۡيُكُم مَّشۡكُورًا

Sasabihin sa kanila bilang pagpaparangal para sa kanila: "Tunay na ang kaginhawahang ito na ibinigay sa inyo ay naging isang gantimpala para sa inyo sa mga gawa ninyong maayos. Ang gawain ninyo ay naging tanggap sa ganang kay Allāh." info
التفاسير:

external-link copy
23 : 76

إِنَّا نَحۡنُ نَزَّلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡقُرۡءَانَ تَنزِيلٗا

Tunay na Kami ay nagpababa sa iyo, O Sugo, ng Qur’ān na pinagbaha-bahagi, at hindi nagpababa nito sa iyo sa nag-iisang kabuuan. info
التفاسير:

external-link copy
24 : 76

فَٱصۡبِرۡ لِحُكۡمِ رَبِّكَ وَلَا تُطِعۡ مِنۡهُمۡ ءَاثِمًا أَوۡ كَفُورٗا

Kaya magtiis ka sa anumang inihahatol ni Allāh sa isang pagtatakda o sa isang batas, at huwag kang tumalima sa isang nagkakasala sa anumang inaanyaya nito na kasalanan ni sa isang tagatangging sumampalataya sa anumang inaanyaya nito na kawalang-pananampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
25 : 76

وَٱذۡكُرِ ٱسۡمَ رَبِّكَ بُكۡرَةٗ وَأَصِيلٗا

Alalahanin mo ang Panginoon mo sa dasal sa madaling-araw sa unang bahagi ng maghapon at sa dasal sa tanghali at hapon sa huling bahagi nito. info
التفاسير:
ఈ పేజీలోని వచనాల ద్వారా లభించే ప్రయోజనాలు:
• الوفاء بالنذر وإطعام المحتاج، والإخلاص في العمل، والخوف من الله: أسباب للنجاة من النار، ولدخول الجنة.
Ang pagtupad sa panata, ang pagpapakain sa nangangailangan, ang pagpapakawagas sa gawain, at ang pangamba kay Allāh ay mga kadahilanan ng kaligtasan mula sa Impiyerno at ng pagpasok sa Paraiso. info

• إذا كان حال الغلمان الذين يخدمونهم في الجنة بهذا الجمال، فكيف بأهل الجنة أنفسهم؟!
Kapag ang kalagayan ng mga batang lalaki na magsisilbi sa mga maninirahan sa Paraiso ay sa gayong kagandahan, papaano na ang mga maninirahan sa Paraiso mismo? info