పవిత్ర ఖురాన్ యొక్క భావార్థాల అనువాదం - ఫిలిపినో (తగలాగ్) అనువాదం - అల్ ఖుర్ఆన్ అల్ కరీమ్ సంక్షిప్త వ్యాఖ్యాన అనువాదం

పేజీ నెంబరు:close

external-link copy
49 : 2

وَإِذۡ نَجَّيۡنَٰكُم مِّنۡ ءَالِ فِرۡعَوۡنَ يَسُومُونَكُمۡ سُوٓءَ ٱلۡعَذَابِ يُذَبِّحُونَ أَبۡنَآءَكُمۡ وَيَسۡتَحۡيُونَ نِسَآءَكُمۡۚ وَفِي ذَٰلِكُم بَلَآءٞ مِّن رَّبِّكُمۡ عَظِيمٞ

Banggitin ninyo, O mga Anak ni Israel, nang sumagip Kami sa inyo mula sa mga tagasunod ni Paraon na nagpapalasap noon sa inyo ng mga uri ng pagdurusa yayamang pumapatay sila ng mga lalaking anak ninyo sa pamamagitan ng pagkatay upang wala sa inyong matira at nag-iiwan sa mga babaing anak ninyo na manatiling mga buhay upang ang mga ito ay maging mga maybahay upang maglingkod sa kanila, bilang pagpapalabis sa panghahamak sa inyo at panlalait sa inyo. Sa pagliligtas sa inyo mula sa karahasan ni Paraon at ng mga tagasunod niya ay may isang pagsusulit na mabigat mula sa Panginoon ninyo nang sa gayon kayo ay magpapasalamat. info
التفاسير:

external-link copy
50 : 2

وَإِذۡ فَرَقۡنَا بِكُمُ ٱلۡبَحۡرَ فَأَنجَيۡنَٰكُمۡ وَأَغۡرَقۡنَآ ءَالَ فِرۡعَوۡنَ وَأَنتُمۡ تَنظُرُونَ

Alalahanin ninyo ang mga biyaya Namin sa inyo na bumiyak Kami para sa inyo ng dagat saka gumawa Kami roon ng isang daang tuyo na nilalakaran ninyo kaya pinaligtas Namin kayo at nilunod Namin ang mga kaaway ninyong si Paraon at ang mga tagasunod niya sa harap ng mga mata ninyo habang kayo ay nakatingin sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
51 : 2

وَإِذۡ وَٰعَدۡنَا مُوسَىٰٓ أَرۡبَعِينَ لَيۡلَةٗ ثُمَّ ٱتَّخَذۡتُمُ ٱلۡعِجۡلَ مِنۢ بَعۡدِهِۦ وَأَنتُمۡ ظَٰلِمُونَ

Banggitin ninyo: Kabilang sa mga biyayang ito ang pakikipagtipan Namin kay Moises nang apatnapung gabi upang lubusin sa loob niyon ang pagpapababa sa Torah bilang liwanag at patnubay. Pagkatapos walang nangyari sa inyo kundi sumamba kayo sa guya sa yugtong iyon habang kayo ay mga tagalabag sa katarungan sa paggawa ninyo nito. info
التفاسير:

external-link copy
52 : 2

ثُمَّ عَفَوۡنَا عَنكُم مِّنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ

Pagkatapos nagpalampas si Allāh sa inyo matapos ng pagbabalik-loob ninyo kaya hindi Siya naninisi sa inyo, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat sa Kanya sa pamamagitan ng kagandahan ng pagsamba sa Kanya at pagtalima sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
53 : 2

وَإِذۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡفُرۡقَانَ لَعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ

Banggitin ninyo: Kabilang sa mga biyayang ito na nagbigay Kami kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ng Torah bilang pamantayan sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan at bilang paghihiwalay sa pagitan ng patnubay at pagkaligaw, nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan sa pamamagitan nito tungo sa katotohanan. info
التفاسير:

external-link copy
54 : 2

وَإِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوۡمِهِۦ يَٰقَوۡمِ إِنَّكُمۡ ظَلَمۡتُمۡ أَنفُسَكُم بِٱتِّخَاذِكُمُ ٱلۡعِجۡلَ فَتُوبُوٓاْ إِلَىٰ بَارِئِكُمۡ فَٱقۡتُلُوٓاْ أَنفُسَكُمۡ ذَٰلِكُمۡ خَيۡرٞ لَّكُمۡ عِندَ بَارِئِكُمۡ فَتَابَ عَلَيۡكُمۡۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلتَّوَّابُ ٱلرَّحِيمُ

Banggitin ninyo: Kabilang sa mga biyayang ito na nagtuon sa inyo si Allāh sa pagbabalik-loob mula sa pagsamba sa guya yayamang nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa inyo: "Tunay na kayo ay lumabag sa katarungan sa mga sarili ninyo sa paggawa ninyo ng guya bilang isang diyos na sinasamba ninyo. Kaya magbalik-loob kayo at bumalik kayo sa Tagalikha ninyo at Tagapagpairal ninyo." Iyon ay sa pamamagitan ng pagpatay ng iba sa inyo sa iba. Ang pagbabalik-loob sa paraang ito ay higit na mabuti para sa inyo kaysa sa pananatili sa kawalang-pananampalatayang hahantong sa pamamalagi sa Impiyerno. Kaya nagsagawa kayo niyon ayon sa isang pagtutuon mula kay Allāh at isang pagtulong, at tumanggap Siya sa inyo ng pagbabalik-loob dahil Siya ay madalas ang pagtanggap ng pagbabalik-loob, maawain sa mga lingkod Niya." info
التفاسير:

external-link copy
55 : 2

وَإِذۡ قُلۡتُمۡ يَٰمُوسَىٰ لَن نُّؤۡمِنَ لَكَ حَتَّىٰ نَرَى ٱللَّهَ جَهۡرَةٗ فَأَخَذَتۡكُمُ ٱلصَّٰعِقَةُ وَأَنتُمۡ تَنظُرُونَ

Banggitin ninyo nang nagsabi ang mga ninuno ninyo habang mga nakikipag-usap kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – nang may kapangahasan: "Hindi kami maniniwala sa iyo hanggang sa makakita kami kay Allāh sa mata, nang walang tumatabing sa amin." Kaya dumaklot sa inyo ang apoy na nanununog at pumatay sa inyo habang ang iba sa inyo ay nakatingin sa iba. info
التفاسير:

external-link copy
56 : 2

ثُمَّ بَعَثۡنَٰكُم مِّنۢ بَعۡدِ مَوۡتِكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ

Pagkatapos nagbigay-buhay Kami sa inyo matapos ng kamatayan ninyo, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat kay Allāh sa pagbibiyaya Niya sa inyo niyon. info
التفاسير:

external-link copy
57 : 2

وَظَلَّلۡنَا عَلَيۡكُمُ ٱلۡغَمَامَ وَأَنزَلۡنَا عَلَيۡكُمُ ٱلۡمَنَّ وَٱلسَّلۡوَىٰۖ كُلُواْ مِن طَيِّبَٰتِ مَا رَزَقۡنَٰكُمۡۚ وَمَا ظَلَمُونَا وَلَٰكِن كَانُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ

Kabilang sa mga biyaya Namin sa inyo na nagsugo Kami ng mga ulap na maglililim sa inyo laban sa init ng araw noong nagpagala-gala kayo sa lupain. Nagpababa Kami sa inyo ng mga biyaya Namin na isang inuming matamis tulad ng pulut-pukyutan at maliit na ibong kaaya-aya ang karne na nakawawangis ng pugo. Nagsabi Kami sa inyo: "Kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang itinustos Namin sa inyo." Hindi sila nakabawas sa Amin ng anumang dahil sa pagkakaila nila sa mga biyayang ito at kawalang-pasasalamat sa mga ito, subalit lumabag sila sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagbawas ng bahagi sa mga sarili mula sa gantimpala at sa paglalantad sa mga sarili sa kaparusahan. info
التفاسير:
ఈ పేజీలోని వచనాల ద్వారా లభించే ప్రయోజనాలు:
• عِظَمُ نعم الله وكثرتها على بني إسرائيل، ومع هذا لم تزدهم إلا تكبُّرًا وعنادًا.
Ang bigat ng mga biyaya ni Allāh at ang dami ng mga ito sa mga anak ni Israel ngunit sa kabila nito walang naidagdag ang mga ito sa kanila kundi pagpapakamalaki at pagmamatigas. info

• سَعَةُ حِلم الله تعالى ورحمته بعباده، وإن عظمت ذنوبهم.
Ang lawak ng pagtitimpi ni Allāh – pagkataas-taas Siya – at awa Niya sa mga lingkod Niya kahit pa man bumigat ang mga pagkakasala nila. info

• الوحي هو الفَيْصَلُ بين الحق والباطل.
Ang pagkakasi ay ang pambukod sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan. info