పవిత్ర ఖురాన్ యొక్క భావార్థాల అనువాదం - ఫిలిపినో (తగలాగ్) అనువాదం - అల్ ఖుర్ఆన్ అల్ కరీమ్ సంక్షిప్త వ్యాఖ్యాన అనువాదం

పేజీ నెంబరు:close

external-link copy
5 : 18

مَّا لَهُم بِهِۦ مِنۡ عِلۡمٖ وَلَا لِأٓبَآئِهِمۡۚ كَبُرَتۡ كَلِمَةٗ تَخۡرُجُ مِنۡ أَفۡوَٰهِهِمۡۚ إِن يَقُولُونَ إِلَّا كَذِبٗا

Ang mga gumagawa-gawang ito ay walang anumang kaalaman o patunay sa inaangkin nila na pag-uugnay ng anak kay Allāh at ang mga ninuno nilang tinularan nila roon ay wala ring kaalaman. Bumigat sa kapangitan ang salitang iyon na lumalabas sa mga bibig nila nang walang pagpapakaunawa. Wala silang sinasabi kundi pananalitang sinungaling na walang batayan at walang saligan. info
التفاسير:

external-link copy
6 : 18

فَلَعَلَّكَ بَٰخِعٞ نَّفۡسَكَ عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِمۡ إِن لَّمۡ يُؤۡمِنُواْ بِهَٰذَا ٱلۡحَدِيثِ أَسَفًا

Kaya baka ikaw, O Sugo, ay magpapahamak sa sarili mo dala ng lungkot at dalamhati kung hindi sila sumampalataya sa Qur'ān na ito, ngunit huwag mong gawin sapagkat hindi kailangan sa iyo ang kapatnubayan nila; tanging ang kailangan sa iyo ay ang pagpapaabot. info
التفاسير:

external-link copy
7 : 18

إِنَّا جَعَلۡنَا مَا عَلَى ٱلۡأَرۡضِ زِينَةٗ لَّهَا لِنَبۡلُوَهُمۡ أَيُّهُمۡ أَحۡسَنُ عَمَلٗا

Tunay na Kami ay gumawa sa anumang nasa ibabaw ng lupa na mga nilikha bilang karikitan para rito upang sumulit Kami sa kanila kung alin sa kanila ang pinakamaganda sa gawa ayon sa nagpapalugod sa Amin at kung alin sa kanila ang pinakamasagwa sa gawa upang gumanti Kami sa bawat isa ayon sa nagiging karapat-dapat dito. info
التفاسير:

external-link copy
8 : 18

وَإِنَّا لَجَٰعِلُونَ مَا عَلَيۡهَا صَعِيدٗا جُرُزًا

Tunay na Kami ay talagang magpapanibagong-anyo sa nasa balat ng lupa na mga nilikha upang maging lupang hungkag sa mga halaman. Iyon ay matapos ng pagwawakas ng buhay ng mga nilikhang nasa ibabaw nito kaya magsaalang-alang sila niyon. info
التفاسير:

external-link copy
9 : 18

أَمۡ حَسِبۡتَ أَنَّ أَصۡحَٰبَ ٱلۡكَهۡفِ وَٱلرَّقِيمِ كَانُواْ مِنۡ ءَايَٰتِنَا عَجَبًا

Huwag kang magpalagay, O Sugo, na ang kasaysayan ng magkakasama sa yungib at ng tablero nilang sinulatan ng mga pangalan nila ay kabilang sa mga tanda Naming kataka-taka, bagkus ang iba pa rito ay higit na kataka-taka, gaya ng pagkalikha sa mga langit at lupa. info
التفاسير:

external-link copy
10 : 18

إِذۡ أَوَى ٱلۡفِتۡيَةُ إِلَى ٱلۡكَهۡفِ فَقَالُواْ رَبَّنَآ ءَاتِنَا مِن لَّدُنكَ رَحۡمَةٗ وَهَيِّئۡ لَنَا مِنۡ أَمۡرِنَا رَشَدٗا

Banggitin mo, O Sugo, nang nagpakandili ang mga kabataang mananampalataya dahil sa pagtakas dahil sa relihiyon nila saka nagsabi sila sa panalangin nila sa Panginoon nila: "Panginoon namin, magbigay Ka sa amin mula sa ganang Iyo ng isang awa sa pamamagitan ng pagpapatawad Mo sa amin sa mga pagkakasala namin at pagliligtas Mo sa amin mula sa mga kaaway namin. Gumawa Ka para sa amin, kaugnay sa nauukol sa paglikas palayo sa mga tagatangging sumampalataya at [nauukol] sa pananampalataya, ng isang pagkapatnubay tungo sa daan ng katotohanan at isang pagkatama." info
التفاسير:

external-link copy
11 : 18

فَضَرَبۡنَا عَلَىٰٓ ءَاذَانِهِمۡ فِي ٱلۡكَهۡفِ سِنِينَ عَدَدٗا

Pagkatapos, matapos ng paglalakbay nila at pagpapakandili nila sa yungib, nagtakip Kami sa mga tainga nila ng isang tabing sa pagkarinig sa mga tunog at nagpukol Kami sa kanila ng pagkatulog sa loob ng maraming taon. info
التفاسير:

external-link copy
12 : 18

ثُمَّ بَعَثۡنَٰهُمۡ لِنَعۡلَمَ أَيُّ ٱلۡحِزۡبَيۡنِ أَحۡصَىٰ لِمَا لَبِثُوٓاْ أَمَدٗا

Pagkatapos, matapos ng pagkatulog nilang matagal ay ginising Namin sila upang magpaalam Kami – ayon sa kaalaman ng paghahayag – kung alin sa dalawang pangkating nagtutunggalian sa [haba ng] yugto ng pamamalagi nila sa yungib ang higit na maalam sa sukat ng yugtong iyon. info
التفاسير:

external-link copy
13 : 18

نَّحۡنُ نَقُصُّ عَلَيۡكَ نَبَأَهُم بِٱلۡحَقِّۚ إِنَّهُمۡ فِتۡيَةٌ ءَامَنُواْ بِرَبِّهِمۡ وَزِدۡنَٰهُمۡ هُدٗى

Kami ay nagpapabatid sa iyo, O Sugo, ng ulat sa kanila ayon sa katapatang walang mapag-aalinlanganan kasama dito. Tunay na sila ay mga kabataang sumampalataya sa Panginoon nila at gumawa ng pagtalima sa Kanya. Nagdagdag Kami sa kanila ng kapatnubayan at pagpapatatag sa katotohanan. info
التفاسير:

external-link copy
14 : 18

وَرَبَطۡنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ إِذۡ قَامُواْ فَقَالُواْ رَبُّنَا رَبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ لَن نَّدۡعُوَاْ مِن دُونِهِۦٓ إِلَٰهٗاۖ لَّقَدۡ قُلۡنَآ إِذٗا شَطَطًا

Nagpalakas Kami sa mga puso nila sa pamamagitan ng pananampalataya, katatagan dito, at pagtitiis sa pag-iwan sa mga tinubuang-bayan, nang tumindig sila habang mga nagpapahayag sa harapan ng haring tagatangging sumampalataya ng pananampalataya nila kay Allāh lamang saka nagsabi sila rito: "Ang Panginoon Naming sinampalatayanan namin at sinamba namin ay ang Panginoon ng mga langit at ang Panginoon ng lupa. Hindi kami sasamba sa anumang iba pa sa Kanya na mga diyos na ipinagpapalagay ayon sa kasinungalingan [dahil] talaga ngang makapagsasabi Kami, kung sumamba Kami sa iba sa Kanya, ng isang pananalitang mapaniil na malayo sa katotohanan." info
التفاسير:

external-link copy
15 : 18

هَٰٓؤُلَآءِ قَوۡمُنَا ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ ءَالِهَةٗۖ لَّوۡلَا يَأۡتُونَ عَلَيۡهِم بِسُلۡطَٰنِۭ بَيِّنٖۖ فَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗا

Pagkatapos lumingon ang iba sa kanila sa iba pa habang mga nagsasabi: "Ang mga ito, ang mga tao namin, ay gumawa bukod pa kay Allāh ng mga sinasambang sinasamba nila gayong sila ay hindi nagmamay-ari para sa pagsamba sa mga iyon ng isang patotoong maliwanag. Kaya walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang lumikha-likha laban kay Allāh ng isang kasinungalingan sa pamamagitan ng pag-uugnay ng katambal sa Kanya." info
التفاسير:
ఈ పేజీలోని వచనాల ద్వారా లభించే ప్రయోజనాలు:
• الداعي إلى الله عليه التبليغ والسعي بغاية ما يمكنه، مع التوكل على الله في ذلك، فإن اهتدوا فبها ونعمت، وإلا فلا يحزن ولا يأسف.
Ang tagapag-anyaya tungo kay Allāh ay kailangan sa kanya ang pagpapaabot at ang pagsusumikap ayon sa abot ng nakakaya niya kalakip ng pananalig kay Allāh roon. Kaya kung napatnubayan sila ay kay inam. Kung hindi naman ay huwag siyang malungkot at huwag siyang manghinayang. info

• في العلم بمقدار لبث أصحاب الكهف، ضبط للحساب، ومعرفة لكمال قدرة الله تعالى وحكمته ورحمته.
Sa kaalaman sa sukat ng tagal ng pamamalagi ng magkakasama sa yungib ay may kawastuan sa pagtutuos at kabatiran sa kalubusan ng kakayahan ni Allāh – pagkataas-taas Siya – karunungan Niya, at awa Niya. info

• في الآيات دليل صريح على الفرار بالدين وهجرة الأهل والبنين والقرابات والأصدقاء والأوطان والأموال؛ خوف الفتنة.
Sa mga talata ng Qur'ān ay may patunay na tahasan [sa pagpapahintulot] sa pagtakas dahil sa relihiyon at pag-iwan sa mag-anak, mga anak, mga kamag-anakan, mga kaibigan, mga tinubuang-bayan, at mga yaman dahil sa pangamba sa paniniil. info

• ضرورة الاهتمام بتربية الشباب؛ لأنهم أزكى قلوبًا، وأنقى أفئدة، وأكثر حماسة، وعليهم تقوم نهضة الأمم.
Ang pangangailangan sa pagmamalasakit sa pagpapalaki sa mga kabataan dahil sila ay higit na dalisay sa mga puso, higit na malinis sa mga saloobin, higit na matindi sa kasugiran, at sa kanila nakasalalay ang pagbangon ng mga kalipunan. info