அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - அல்முக்தஸர் பீ தப்ஸீரில் குர்ஆனில் கரீமுக்கான பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு

external-link copy
2 : 53

مَا ضَلَّ صَاحِبُكُمۡ وَمَا غَوَىٰ

Hindi lumihis si Muḥammad na Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – palayo sa daan ng kapatnubayan at siya ay hindi naging lisya, bagkus siya ay nagabayan. info
التفاسير:
இப்பக்கத்தின் வசனங்களிலுள்ள பயன்கள்:
• كمال أدب النبي صلى الله عليه وسلم حيث لم يَزغْ بصره وهو في السماء السابعة.
Ang kalubusan ng kaasalan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – yayamang hindi lumiko ang paningin niya habang siya ay nasa ikapitong langit. info

• سفاهة عقل المشركين حيث عبدوا شيئًا لا يضر ولا ينفع، ونسبوا لله ما يكرهون واصطفوا لهم ما يحبون.
Ang kahunghangan ng pag-iisip ng mga tagapagtambal yayamang sumamba sila sa isang bagay na hindi nakapipinsala at hindi nakapagpapakinabang, at nag-ugnay sila kay Allāh ng kinasusuklaman nila at humirang sila para sa kanila ng naiibigan nila. info

• الشفاعة لا تقع إلا بشرطين: الإذن للشافع، والرضا عن المشفوع له.
Ang pamamagitan ay hindi nagaganap malibang ayon sa dalawang kundisyon: ang pahintulot sa tagapamagitan at ang pagkalugod sa pinamamagitanan. info