அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - அல்முக்தஸர் பீ தப்ஸீரில் குர்ஆனில் கரீமுக்கான பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு

பக்க எண்:close

external-link copy
52 : 51

كَذَٰلِكَ مَآ أَتَى ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِم مِّن رَّسُولٍ إِلَّا قَالُواْ سَاحِرٌ أَوۡ مَجۡنُونٌ

Tulad ng pagpapasinungaling na iyon na nagpasinungaling ang mga mamamayan ng Makkah, nagpasinungaling ang mga kalipunang nauna sapagkat walang dumating sa kanila na isang sugo mula sa ganang kay Allāh malibang nagsabi sila tungkol sa kanya: "Siya ay isang manggagaway o isang baliw." info
التفاسير:

external-link copy
53 : 51

أَتَوَاصَوۡاْ بِهِۦۚ بَلۡ هُمۡ قَوۡمٞ طَاغُونَ

Nagtagubilinan ba ang mga tagapanguna kabilang sa mga tagatangging sumampalataya at ang mga tagapagpahuli kabilang sa kanila sa pagpapasinungaling sa mga sugo? Hindi; bagkus nagbuklod sa kanila rito ang pagmamalabis nila. info
التفاسير:

external-link copy
54 : 51

فَتَوَلَّ عَنۡهُمۡ فَمَآ أَنتَ بِمَلُومٖ

Kaya umayaw ka, O Sugo, palayo sa mga tagapagpasinungaling na ito sapagkat ikaw ay hindi masisisi sapagkat dumating na sa kanila ang ipinasugo sa iyo sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
55 : 51

وَذَكِّرۡ فَإِنَّ ٱلذِّكۡرَىٰ تَنفَعُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

Huwag pumigil sa iyo ang pag-ayaw mo sa kanila sa pangangaral sa kanila at pagpapaalaala sa kanila. Kaya mangaral ka sa kanila at magpaalaala ka sa kanila sapagkat tunay na ang pagpapaalaala ay nagpapakinabang sa mga may pananampalataya kay Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
56 : 51

وَمَا خَلَقۡتُ ٱلۡجِنَّ وَٱلۡإِنسَ إِلَّا لِيَعۡبُدُونِ

Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi para sa pagsamba sa Akin lamang at hindi Ako lumikha sa kanila upang gumawa sila para sa Akin ng katambal. info
التفاسير:

external-link copy
57 : 51

مَآ أُرِيدُ مِنۡهُم مِّن رِّزۡقٖ وَمَآ أُرِيدُ أَن يُطۡعِمُونِ

Hindi Ako nagnanais mula sa kanila ng isang panustos at hindi Ako nagnanais mula sa kanila na magpakain sila sa Akin. info
التفاسير:

external-link copy
58 : 51

إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلرَّزَّاقُ ذُو ٱلۡقُوَّةِ ٱلۡمَتِينُ

Tunay na si Allāh ay ang Palatustos sa mga lingkod Niya sapagkat ang lahat ay mga nangangailangan ng panustos Niya, ang May Lakas, ang Matibay na walang nakadadaig sa Kanya na anuman. Ang lahat ng jinn at tao ay mga napasasailalim sa lakas Niya – kaluwalhatian sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
59 : 51

فَإِنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُواْ ذَنُوبٗا مِّثۡلَ ذَنُوبِ أَصۡحَٰبِهِمۡ فَلَا يَسۡتَعۡجِلُونِ

Saka tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagpapasinungaling sa iyo, O Sugo, ay isang bahagi ng pagdurusa tulad ng bahagi ng mga kasamahan nilang nauna. Mayroon itong isang taning na tinakdaan, kaya huwag silang humiling mula sa Akin ng pagpapadali niyon bago ng taning niyon. info
التفاسير:

external-link copy
60 : 51

فَوَيۡلٞ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن يَوۡمِهِمُ ٱلَّذِي يُوعَدُونَ

Kaya kapahamakan at kalugihan ay ukol sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa Sugo nila mula sa araw nila na pinangangakuan sila roon ng pagpababa ng pagdurusa sa kanila. info
التفاسير:
இப்பக்கத்தின் வசனங்களிலுள்ள பயன்கள்:
• الكفر ملة واحدة وإن اختلفت وسائله وتنوع أهله ومكانه وزمانه.
Ang Kawalang-pananampalataya ay nag-iisang kapaniwalaan kahit nagkaiba-iba man ang mga kaparaanan nito at nagsarisari man ang mga alagad nito, ang pook nito, at ang panahon nito. info

• شهادة الله لرسوله صلى الله عليه وسلم بتبليغ الرسالة.
Ang pagsaksi ni Allāh sa Sugo Niya – basbasan ito ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay sa pamamagitan ng pagpapaabot ng mensahe. info

• الحكمة من خلق الجن والإنس تحقيق عبادة الله بكل مظاهرها.
Ang kasanhian sa paglikha sa jinn at tao ay ang pagsasakatuparan sa pagsamba kay Allāh sa lahat ng mga pagkakahayag nito. info

• سوف تتغير أحوال الكون يوم القيامة.
Mapapalitan ang mga kalagayan ng Sansinukob sa Araw ng Pagbangon. info