அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - அல்முக்தஸர் பீ தப்ஸீரில் குர்ஆனில் கரீமுக்கான பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு

பக்க எண்:close

external-link copy
77 : 27

وَإِنَّهُۥ لَهُدٗى وَرَحۡمَةٞ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ

Tunay na ito ay talagang isang kapatnubayan at isang awa para sa mga mananampalatayang nagsasagawa sa anumang nasaad dito. info
التفاسير:

external-link copy
78 : 27

إِنَّ رَبَّكَ يَقۡضِي بَيۡنَهُم بِحُكۡمِهِۦۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡعَلِيمُ

Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay huhusga sa pagitan ng mga tao: sa mananampalataya sa kanila at sa tagatangging sumampalataya sa kanila sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng kahatulan Niyang makatarungan. Kaya maaawa Siya sa mananampalataya at magpaparusa Siya sa tagatangging sumampalataya. Siya ay ang Makapangyarihan na naghihiganti sa mga kaaway Niya, na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Maalam, na hindi nakalilito sa Kanya ang isang nagpapakatotoo sa isang nagpapakabulaan. info
التفاسير:

external-link copy
79 : 27

فَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِۖ إِنَّكَ عَلَى ٱلۡحَقِّ ٱلۡمُبِينِ

Kaya manalig ka kay Allāh at sumalig ka sa Kanya sa lahat ng mga nauukol sa iyo; tunay na ikaw ay nasa katotohanang maliwanag. info
التفاسير:

external-link copy
80 : 27

إِنَّكَ لَا تُسۡمِعُ ٱلۡمَوۡتَىٰ وَلَا تُسۡمِعُ ٱلصُّمَّ ٱلدُّعَآءَ إِذَا وَلَّوۡاْ مُدۡبِرِينَ

Tunay na ikaw, O Sugo, ay hindi nakapagpaparinig sa mga patay na namatay ang mga puso nila dahilan sa kawalang-pananampalataya kay Allāh at hindi nakapagpaparinig sa sinumang biningi ni Allāh ang pandinig niya sa pagdinig sa katotohanan na ipinaaanyaya mo sa kanila kapag bumalik sila habang mga umaayaw sa iyo.
info
التفاسير:

external-link copy
81 : 27

وَمَآ أَنتَ بِهَٰدِي ٱلۡعُمۡيِ عَن ضَلَٰلَتِهِمۡۖ إِن تُسۡمِعُ إِلَّا مَن يُؤۡمِنُ بِـَٔايَٰتِنَا فَهُم مُّسۡلِمُونَ

Hindi ka isang tagapagpatnubay ng mga nabulag ang mga paningin nila palayo sa katotohanan kaya huwag kang malungkot para sa kanila at huwag kang pumagod sa sarili mo. Hindi ka nakakakaya na magpaintindi sa katotohanan maliban sa mga sumasampalataya sa mga tanda sapagkat sila ay mga nagpapaakay sa mga utos ni Allāh.
info
التفاسير:

external-link copy
82 : 27

۞ وَإِذَا وَقَعَ ٱلۡقَوۡلُ عَلَيۡهِمۡ أَخۡرَجۡنَا لَهُمۡ دَآبَّةٗ مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ تُكَلِّمُهُمۡ أَنَّ ٱلنَّاسَ كَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا لَا يُوقِنُونَ

Kapag kinailangan ang pagdurusa at napagtibay ito sa kanila dahil sa pagpupumilit nila sa kawalang-pananampalataya nila at mga pagsuway nila, at nanatili ang masasama sa mga tao, magpapalabas Kami para sa kanila sa sandali ng pagkakalapit ng Huling Sandali ng isa sa mga tanda nitong pinakamalaki. Ito ay isang hayop mula sa lupa, na kakausap sa kanila sa pamamagitan ng naiintindihan nila: na ang mga tao noon, sa mga tanda Naming ibinaba sa Propeta Namin, ay hindi nagpapatotoo. info
التفاسير:

external-link copy
83 : 27

وَيَوۡمَ نَحۡشُرُ مِن كُلِّ أُمَّةٖ فَوۡجٗا مِّمَّن يُكَذِّبُ بِـَٔايَٰتِنَا فَهُمۡ يُوزَعُونَ

Banggitin mo, O Sugo, ang araw na kakalap Kami mula sa bawat kalipunan kabilang sa mga kalipunan ng isang pangkat kabilang sa mga malaking tao nila, kabilang sa nagpapasinungaling sa mga tanda Namin. Itutulak ang kauna-unahan nila tungo sa kahuli-hulihan nila, pagkatapos sila ay ihahanay patungo sa pagtutuos. info
التفاسير:

external-link copy
84 : 27

حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءُو قَالَ أَكَذَّبۡتُم بِـَٔايَٰتِي وَلَمۡ تُحِيطُواْ بِهَا عِلۡمًا أَمَّاذَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

Magpapatuloy ang pag-akay sa kanila hanggang sa nang dumating sila sa pook ng pagtutuos sa kanila ay magsasabi sa kanila si Allāh bilang paninisi sa kanila: "Nagpasinungaling ba kayo sa mga tanda Ko na nagpapatunay sa pagkaiisa Ko at naglalaman ng Batas Ko habang hindi kayo nakasaklaw sa kaalaman na ang mga ito ay kabulaanan, kaya naipahihintulot para sa inyo ang pagpapasinungaling sa mga ito, o ano ang dati ninyong ginagawa sa mga ito na pagpapatotoo o pagpapasinungaling?" info
التفاسير:

external-link copy
85 : 27

وَوَقَعَ ٱلۡقَوۡلُ عَلَيۡهِم بِمَا ظَلَمُواْ فَهُمۡ لَا يَنطِقُونَ

Magaganap sa kanila ang pagdurusa dahilan sa kawalang-katarungan nila dahil sa kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagpapasinungaling sa mga tanda Niya, kaya sila ay hindi makapagsasalita para sa pagtatanggol sa mga sarili nila dahil sa kawalang-kakayahan nila roon at kabulaanan ng mga katwiran nila. info
التفاسير:

external-link copy
86 : 27

أَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّا جَعَلۡنَا ٱلَّيۡلَ لِيَسۡكُنُواْ فِيهِ وَٱلنَّهَارَ مُبۡصِرًاۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ

Hindi ba tumingin ang mga tagapagpasinungaling na ito sa pagkabuhay na Kami ay gumawa sa gabi upang matiwasay sila rito sa pamamagitan ng pagtulog at gumawa sa maghapon bilang tagatanglaw upang makakita sila rito para magsigasig sila sa mga gawain nila? Tunay na sa kamatayang paulit-ulit na iyon at pagkabuhay matapos niyon ay talagang may mga palatandaang maliwanag para sa mga taong sumasampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
87 : 27

وَيَوۡمَ يُنفَخُ فِي ٱلصُّورِ فَفَزِعَ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ إِلَّا مَن شَآءَ ٱللَّهُۚ وَكُلٌّ أَتَوۡهُ دَٰخِرِينَ

Banggitin mo, O Sugo, ang araw na iihip ang anghel na itinalaga sa pag-ihip sa sungay sa ikalawang pag-ihip saka manghihilakbot ang sinumang nasa mga langit at ang sinumang nasa mga lupa, maliban sa sinumang ibinukod ni Allāh laban sa panghihilakbot bilang pagmamagandang-loob mula sa Kanya, habang bawat [isa] sa mga nilikha ni Allāh ay pupunta sa Kanya sa araw na iyon bilang mga tumatalimang hamak. info
التفاسير:

external-link copy
88 : 27

وَتَرَى ٱلۡجِبَالَ تَحۡسَبُهَا جَامِدَةٗ وَهِيَ تَمُرُّ مَرَّ ٱلسَّحَابِۚ صُنۡعَ ٱللَّهِ ٱلَّذِيٓ أَتۡقَنَ كُلَّ شَيۡءٍۚ إِنَّهُۥ خَبِيرُۢ بِمَا تَفۡعَلُونَ

Makikita mo ang mga bundok sa Araw na iyon, habang nag-aakala kang ang mga ito ay nakapirmi na hindi gumagalaw samantalang ang mga ito sa reyalidad ng kalagayan ay umuusad nang mabilis gaya ng pag-usad ng mga ulap, bilang pagkayari ni Allāh sapagkat Siya ang nagpapagalaw sa mga ito. Tunay na Siya ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo, at gaganti sa inyo sa mga iyon. info
التفاسير:
இப்பக்கத்தின் வசனங்களிலுள்ள பயன்கள்:
• أهمية التوكل على الله.
Ang kahalagahan ng pananalig kay Allāh. info

• تزكية النبي صلى الله عليه وسلم بأنه على الحق الواضح.
Ang patotoo ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na siya ay nasa katotohanang maliwanag. info

• هداية التوفيق بيد الله، وليست بيد الرسول صلى الله عليه وسلم.
Ang kapatnubayan sa pagtutuon ay nasa kamay ni Allāh at hindi nasa kamay ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. info

• دلالة النوم على الموت، والاستيقاظ على البعث.
Ang pagpapahiwatig ng pagtulog sa kamatayan at ng pagkagising sa pagkabuhay. info