அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - அல்முக்தஸர் பீ தப்ஸீரில் குர்ஆனில் கரீமுக்கான பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு

பக்க எண்:close

external-link copy
3 : 25

وَٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ ءَالِهَةٗ لَّا يَخۡلُقُونَ شَيۡـٔٗا وَهُمۡ يُخۡلَقُونَ وَلَا يَمۡلِكُونَ لِأَنفُسِهِمۡ ضَرّٗا وَلَا نَفۡعٗا وَلَا يَمۡلِكُونَ مَوۡتٗا وَلَا حَيَوٰةٗ وَلَا نُشُورٗا

Gumawa ang mga tagapagtambal bukod pa kay Allāh ng mga sinasambang hindi lumilikha ng anumang maliit o malaki samantalang sila ay nililikha sapagkat lumikha sa kanila si Allāh mula sa isang kawalan. Hindi sila nakakakaya sa pagtulak ng pinsala palayo sa mga sarili nila ni sa paghatak ng pakinabang para sa mga ito. Hindi sila nakakakaya sa pagbibigay-kamatayan sa isang buhay ni sa pagbibigay-buhay sa isang patay. Hindi sila nakakakaya sa pagbubuhay sa mga patay mula sa mga libingan ng mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
4 : 25

وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّآ إِفۡكٌ ٱفۡتَرَىٰهُ وَأَعَانَهُۥ عَلَيۡهِ قَوۡمٌ ءَاخَرُونَۖ فَقَدۡ جَآءُو ظُلۡمٗا وَزُورٗا

Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya: "Walang iba ang Qur'ān na ito kundi isang kasinungalingang nilikha-likha ni Muḥammad saka iniugnay niya ito kay Allāh bilang paninirang-puri. May tumulong sa kanya sa paglikha-likha nito na mga ibang tao." Ngunit gumawa-gawa ang mga tagatangging sumampalataya na ito ng isang sinabing bulaan sapagkat ang Qur'ān ay Salita ni Allāh, na hindi maaaring makagawa ang tao ni ang jinn ng tulad nito. info
التفاسير:

external-link copy
5 : 25

وَقَالُوٓاْ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ ٱكۡتَتَبَهَا فَهِيَ تُمۡلَىٰ عَلَيۡهِ بُكۡرَةٗ وَأَصِيلٗا

Nagsabi ang mga tagapagpasinungaling na ito sa Qur'ān: "Ang Qur'ān ay ang mga pag-uusap ng mga sinauna at ang isinatitik nila na mga kabulaanan. Nangopya ng mga ito si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – saka ang mga ito ay binabasa sa kanya sa simula ng maghapon at sa wakas nito." info
التفاسير:

external-link copy
6 : 25

قُلۡ أَنزَلَهُ ٱلَّذِي يَعۡلَمُ ٱلسِّرَّ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ إِنَّهُۥ كَانَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagpasinungaling na ito: "Nagpababa ng Qur'ān si Allāh na nakaaalam sa bawat bagay sa mga langit at lupa. Hindi ito nilikha-likha gaya ng inakala ninyo." Pagkatapos nagsabi siya habang nagpapaibig sa kanila sa pagbabalik-loob: "Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila." info
التفاسير:

external-link copy
7 : 25

وَقَالُواْ مَالِ هَٰذَا ٱلرَّسُولِ يَأۡكُلُ ٱلطَّعَامَ وَيَمۡشِي فِي ٱلۡأَسۡوَاقِ لَوۡلَآ أُنزِلَ إِلَيۡهِ مَلَكٞ فَيَكُونَ مَعَهُۥ نَذِيرًا

Nagsabi ang mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan: "Ano ang mayroon sa nag-aangking ito na siya ay isang sugo mula sa ganang kay Allāh, na kumakain ng pagkain kung paanong kumakain ang iba pa sa kanya na mga tao at naglalakad sa mga palengke sa paghahanap ng kabuhayan? Bakit nga kaya hindi nagpababa si Allāh kasama sa kanya ng isang anghel na magiging kapisan niya habang nagpapatotoo sa kanya at umaalalay sa kanya? info
التفاسير:

external-link copy
8 : 25

أَوۡ يُلۡقَىٰٓ إِلَيۡهِ كَنزٌ أَوۡ تَكُونُ لَهُۥ جَنَّةٞ يَأۡكُلُ مِنۡهَاۚ وَقَالَ ٱلظَّٰلِمُونَ إِن تَتَّبِعُونَ إِلَّا رَجُلٗا مَّسۡحُورًا

O [bakit kasi walang] pinabababa sa kanya na isang kayamanan mula sa langit, o [bakit kasi hindi] siya nagkakaroon ng isang pataniman na kakain siya mula sa mga bunga niyon kaya magpapasapat ito para maglakad siya sa mga palengke at maghanap ng panustos?" Nagsabi ang mga tagalabag sa katarungan: "Hindi kayo sumusunod, O mga mananampalataya, sa isang sugo. Sumusunod lamang kayo sa isang lalaking napanaigan sa pag-iisip niya dahilan sa panggagaway." info
التفاسير:

external-link copy
9 : 25

ٱنظُرۡ كَيۡفَ ضَرَبُواْ لَكَ ٱلۡأَمۡثَٰلَ فَضَلُّواْ فَلَا يَسۡتَطِيعُونَ سَبِيلٗا

Tumingin ka, O Sugo, talagang magtataka ka sa kanila kung papaanong naglarawan sila sa iyo ng mga paglalarawang bulaan sapagkat nagsabi silang manggagaway ka, nagsabi silang nagaway ka, at nagsabi silang baliw ka. Kaya naligaw sila dahilan doon palayo sa katotohanan saka hindi sila nakakakaya sa pagtahak sa isang daan para sa kapatnubayan at hindi sila nakakakaya [na magkaroon] ng isang landas sa pagtuligsa sa katapatan mo at pagkamapagkakatiwalaan mo. info
التفاسير:

external-link copy
10 : 25

تَبَارَكَ ٱلَّذِيٓ إِن شَآءَ جَعَلَ لَكَ خَيۡرٗا مِّن ذَٰلِكَ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ وَيَجۡعَل لَّكَ قُصُورَۢا

Napakamapagpala ni Allāh na kung niloob Niya ay gumawa Siya para sa iyo ng higit na mabuti kaysa sa iminungkahi nila sa iyo sa pamamagitan ng paggawa para sa iyo sa Mundo ng mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at ng mga punong-kahoy ng mga ito, na kakain ka ng mga bunga ng mga ito, at gagawa Siya para sa iyo ng mga palasyong titirahan mo habang pinagiginhawa. info
التفاسير:

external-link copy
11 : 25

بَلۡ كَذَّبُواْ بِٱلسَّاعَةِۖ وَأَعۡتَدۡنَا لِمَن كَذَّبَ بِٱلسَّاعَةِ سَعِيرًا

Hindi namutawi mula sa kanila ang namutawing mga sinabi dala ng paghahangad sa katotohanan at paghahanap sa patotoo, bagkus ang resulta ay na sila ay nagpasinungaling sa Araw ng Pagbangon. Naghanda Kami para sa sinumang nagpasinungaling sa Araw ng Pagbangon ng isang apoy na sukdulang matindi ang paglagablab. info
التفاسير:
இப்பக்கத்தின் வசனங்களிலுள்ள பயன்கள்:
• اتصاف الإله الحق بالخلق والنفع والإماتة والإحياء، وعجز الأصنام عن كل ذلك.
Ang pagkakalarawan sa Diyos na Totoo sa paglikha, pagpapakinabang, pagbibigay-kamatayan, at pagbibigay-buhay, at ang kawalang-kakayahan ng mga diyus-diyusan naman sa lahat ng iyon. info

• إثبات صفتي المغفرة والرحمة لله.
Ang pagpapatibay sa dalawang katangian ng pagpapatawad at pagkaawa para kay Allāh. info

• الرسالة لا تستلزم انتفاء البشرية عن الرسول.
Ang pagkasugo ay hindi nag-oobliga ng pagkakaila sa pagkatao ng Sugo. info

• تواضع النبي صلى الله عليه وسلم حيث يعيش كما يعيش الناس.
Ang pagpapakumbaba ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – yayamang namumuhay siya kung paanong namumuhay ang mga tao. info