د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - فلیپیني (تګالوګ) ژباړه - د رواد الترجمة مرکز

د مخ نمبر:close

external-link copy
11 : 42

فَاطِرُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ جَعَلَ لَكُم مِّنۡ أَنفُسِكُمۡ أَزۡوَٰجٗا وَمِنَ ٱلۡأَنۡعَٰمِ أَزۡوَٰجٗا يَذۡرَؤُكُمۡ فِيهِۚ لَيۡسَ كَمِثۡلِهِۦ شَيۡءٞۖ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡبَصِيرُ

[Si Allāh] ang Tagapaglalang ng mga langit at lupa, gumawa Siya para sa inyo mula sa mga sarili ninyo ng mga kabiyak at mula sa mga hayupan ng mga kabiyak, na nagpaparami Siya sa inyo dahil doon. Walang katulad sa Kanya na anuman [ni may anumang totoong diyos maliban sa Kanya], at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita. info
التفاسير:

external-link copy
12 : 42

لَهُۥ مَقَالِيدُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ وَيَقۡدِرُۚ إِنَّهُۥ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٞ

Sa Kanya ang mga susi ng mga langit at lupa. Nagpapaluwag Siya ng panustos para sa sinumang niloloob Niya at naghihigpit Siya.[3] Tunay na Siya sa bawat bagay ay Maalam. info

[3] sa sinumang niloloob Niya

التفاسير:

external-link copy
13 : 42

۞ شَرَعَ لَكُم مِّنَ ٱلدِّينِ مَا وَصَّىٰ بِهِۦ نُوحٗا وَٱلَّذِيٓ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ وَمَا وَصَّيۡنَا بِهِۦٓ إِبۡرَٰهِيمَ وَمُوسَىٰ وَعِيسَىٰٓۖ أَنۡ أَقِيمُواْ ٱلدِّينَ وَلَا تَتَفَرَّقُواْ فِيهِۚ كَبُرَ عَلَى ٱلۡمُشۡرِكِينَ مَا تَدۡعُوهُمۡ إِلَيۡهِۚ ٱللَّهُ يَجۡتَبِيٓ إِلَيۡهِ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِيٓ إِلَيۡهِ مَن يُنِيبُ

Nagsabatas Siya para sa inyo mula sa relihiyon ng [ Islām na] itinagubilin Niya kay Noe, ng ikinasi sa iyo, [O Propeta Muḥammad,] at anumang itinagubilin kina Abraham, Moises, at Jesus, na [nagsasabi]: “Magpanatili kayo ng Relihiyon at huwag kayong magkahati-hati rito.” Lumaki [sa bigat] sa mga tagapagtambal ang ipinaaanyaya mo sa kanila. Si Allāh ay humalal para sa Kanya ng sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay tungo sa Kanya ng sinumang nagsisising bumabalik [sa pagsisisi, pagtalima, at lahat ng mga nauukol sa kanila]. info
التفاسير:

external-link copy
14 : 42

وَمَا تَفَرَّقُوٓاْ إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَهُمُ ٱلۡعِلۡمُ بَغۡيَۢا بَيۡنَهُمۡۚ وَلَوۡلَا كَلِمَةٞ سَبَقَتۡ مِن رَّبِّكَ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗى لَّقُضِيَ بَيۡنَهُمۡۚ وَإِنَّ ٱلَّذِينَ أُورِثُواْ ٱلۡكِتَٰبَ مِنۢ بَعۡدِهِمۡ لَفِي شَكّٖ مِّنۡهُ مُرِيبٖ

Hindi sila[4] nagkawatak-watak [sa iba’t ibang relihiyon] kundi matapos na dumating sa kanila ang kaalaman dala ng paglabag sa pagitan nila. Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo hanggang sa isang taning na tinukoy ay talaga sanang humusga sa pagitan nila. Tunay na ang mga pinagmana[5] ng kasulatan matapos na nila ay talagang nasa isang pagdududang tagapagpaalinlangan hinggil doon [sa Qur’ān]. info

[4] Ibig sabihin: ang mga tagatangging sumampalataya at ang mga tagapagtambal
[5] Ibig sabihin: ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano

التفاسير:

external-link copy
15 : 42

فَلِذَٰلِكَ فَٱدۡعُۖ وَٱسۡتَقِمۡ كَمَآ أُمِرۡتَۖ وَلَا تَتَّبِعۡ أَهۡوَآءَهُمۡۖ وَقُلۡ ءَامَنتُ بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ مِن كِتَٰبٖۖ وَأُمِرۡتُ لِأَعۡدِلَ بَيۡنَكُمُۖ ٱللَّهُ رَبُّنَا وَرَبُّكُمۡۖ لَنَآ أَعۡمَٰلُنَا وَلَكُمۡ أَعۡمَٰلُكُمۡۖ لَا حُجَّةَ بَيۡنَنَا وَبَيۡنَكُمُۖ ٱللَّهُ يَجۡمَعُ بَيۡنَنَاۖ وَإِلَيۡهِ ٱلۡمَصِيرُ

Kaya para roon ay mag-anyaya ka,[6] magpakatuwid ka gaya ng ipinag-utos sa iyo, huwag kang sumunod sa mga pithaya nila, at magsabi ka: “Sumampalataya ako sa pinababa ni Allāh na Aklat, at inutusan ako na magmakatarungan sa gitna ninyo. Si Allāh ay Panginoon namin at Panginoon ninyo. Ukol sa amin ang mga gawa namin at ukol sa inyo ang mga gawa ninyo. Walang katwiran sa pagitan namin at pagitan ninyo [para sa alitan]. Si Allāh ay kakalap sa pagitan natin. Tungo sa Kanya ang kahahantungan.” info

[6] tungo sa Islam na totoong Relihiyong ibinigay ni Allāh

التفاسير: