د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - فلیپیني (تګالوګ) ژباړه - د رواد الترجمة مرکز

د مخ نمبر:close

external-link copy
47 : 41

۞ إِلَيۡهِ يُرَدُّ عِلۡمُ ٱلسَّاعَةِۚ وَمَا تَخۡرُجُ مِن ثَمَرَٰتٖ مِّنۡ أَكۡمَامِهَا وَمَا تَحۡمِلُ مِنۡ أُنثَىٰ وَلَا تَضَعُ إِلَّا بِعِلۡمِهِۦۚ وَيَوۡمَ يُنَادِيهِمۡ أَيۡنَ شُرَكَآءِي قَالُوٓاْ ءَاذَنَّٰكَ مَا مِنَّا مِن شَهِيدٖ

Sa Kanya isinasangguni ang kaalaman sa Huling Sandali. Walang lumalabas na anumang mga bunga mula sa mga saha ng mga ito at walang nagbubuntis na anumang babae ni nagsisilang malibang nasa kaalaman Niya. Sa Araw na tatawag Siya sa kanila, [na nagsasabi]: “Nasaan ang mga [inaakala ninyo na] katambal sa Akin?” Magsasabi sila: “Nagpahayag kami sa Iyo na wala na mula sa amin na anumang saksi [na may katambal Ka].” info
التفاسير:

external-link copy
48 : 41

وَضَلَّ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَدۡعُونَ مِن قَبۡلُۖ وَظَنُّواْ مَا لَهُم مِّن مَّحِيصٖ

Nawala sa kanila ang dati nilang dinadalanginan bago pa niyan. Nakatiyak sila na walang ukol sa kanila na anumang mapupuslitan [mula sa parusa ni Allāh]. info
التفاسير:

external-link copy
49 : 41

لَّا يَسۡـَٔمُ ٱلۡإِنسَٰنُ مِن دُعَآءِ ٱلۡخَيۡرِ وَإِن مَّسَّهُ ٱلشَّرُّ فَيَـُٔوسٞ قَنُوطٞ

Hindi nanghihinawa ang tao sa pagdalangin ng kabutihan; at kung sumaling sa kanya ang kasamaan, [siya ay] walang-wala ang pag-asa na sirang-sira ang loob. info
التفاسير:

external-link copy
50 : 41

وَلَئِنۡ أَذَقۡنَٰهُ رَحۡمَةٗ مِّنَّا مِنۢ بَعۡدِ ضَرَّآءَ مَسَّتۡهُ لَيَقُولَنَّ هَٰذَا لِي وَمَآ أَظُنُّ ٱلسَّاعَةَ قَآئِمَةٗ وَلَئِن رُّجِعۡتُ إِلَىٰ رَبِّيٓ إِنَّ لِي عِندَهُۥ لَلۡحُسۡنَىٰۚ فَلَنُنَبِّئَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِمَا عَمِلُواْ وَلَنُذِيقَنَّهُم مِّنۡ عَذَابٍ غَلِيظٖ

Talagang kung nagpalasap Kami sa kanya ng isang awa mula sa Amin matapos na ng kariwaraang sumaling sa kanya ay talagang magsasabi nga siya: “Ito ay ukol sa akin [dahil karapat-dapat ako] at hindi ako nagpapalagay na ang Huling Sandali[7] ay sasapit. Talagang kung pinabalik ako sa Panginoon ko, tunay na ukol sa akin sa ganang Kanya ay talagang pinakamaganda.” Kaya talagang magbabalita nga Kami sa mga tumangging sumampalataya hinggil sa ginawa nila at talagang magpapalasap nga Kami sa kanila ng isang pagdurusang magaspang. info

[7] ang Araw ng Pagbuhay at Pagtutuos

التفاسير:

external-link copy
51 : 41

وَإِذَآ أَنۡعَمۡنَا عَلَى ٱلۡإِنسَٰنِ أَعۡرَضَ وَنَـَٔا بِجَانِبِهِۦ وَإِذَا مَسَّهُ ٱلشَّرُّ فَذُو دُعَآءٍ عَرِيضٖ

Kapag nagbiyaya Kami sa tao, umaayaw siya at naglalayo siya ng sarili niya. Kapag sumaling sa kanya ang kasamaan, [siya ay] may panalanging malawak. info
التفاسير:

external-link copy
52 : 41

قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِن كَانَ مِنۡ عِندِ ٱللَّهِ ثُمَّ كَفَرۡتُم بِهِۦ مَنۡ أَضَلُّ مِمَّنۡ هُوَ فِي شِقَاقِۭ بَعِيدٖ

Sabihin mo: “Nagsaalang-alang ba kayo kung [ang Qur’ān na] ito ay mula sa ganang kay Allāh, pagkatapos tumanggi kayong sumampalataya rito? Sino pa ang higit na ligaw kaysa sa sinumang siya ay na nasa isang hidwaang malayo [sa katotohanan]?” info
التفاسير:

external-link copy
53 : 41

سَنُرِيهِمۡ ءَايَٰتِنَا فِي ٱلۡأٓفَاقِ وَفِيٓ أَنفُسِهِمۡ حَتَّىٰ يَتَبَيَّنَ لَهُمۡ أَنَّهُ ٱلۡحَقُّۗ أَوَلَمۡ يَكۡفِ بِرَبِّكَ أَنَّهُۥ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدٌ

Magpapakita Kami sa kanila ng mga tanda Namin sa mga abot-tanaw at sa mga sarili nila hanggang sa luminaw para sa kanila na [ang Qur’ān na] ito ay ang katotohanan. Hindi ba nakasapat ang Panginoon mo na Siya sa bawat bagay ay Saksi? info
التفاسير:

external-link copy
54 : 41

أَلَآ إِنَّهُمۡ فِي مِرۡيَةٖ مِّن لِّقَآءِ رَبِّهِمۡۗ أَلَآ إِنَّهُۥ بِكُلِّ شَيۡءٖ مُّحِيطُۢ

Pansinin, tunay na sila ay nasa isang pag-aalangan sa pakikipagkita sa Panginoon nila. Pansinin, tunay na Siya sa bawat bagay ay Tagapaligid [sa kaalaman at kapangyarihan]. info
التفاسير: