د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - فلیپیني (تګالوګ) ژباړه - د رواد الترجمة مرکز

د مخ نمبر:close

external-link copy
7 : 4

لِّلرِّجَالِ نَصِيبٞ مِّمَّا تَرَكَ ٱلۡوَٰلِدَانِ وَٱلۡأَقۡرَبُونَ وَلِلنِّسَآءِ نَصِيبٞ مِّمَّا تَرَكَ ٱلۡوَٰلِدَانِ وَٱلۡأَقۡرَبُونَ مِمَّا قَلَّ مِنۡهُ أَوۡ كَثُرَۚ نَصِيبٗا مَّفۡرُوضٗا

Ukol sa mga lalaki ay isang bahagi mula sa naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak at ukol sa mga babae ay isang bahagi mula sa naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak, na kaunti man mula roon o marami, bilang bahaging isinatungkulin. info
التفاسير:

external-link copy
8 : 4

وَإِذَا حَضَرَ ٱلۡقِسۡمَةَ أُوْلُواْ ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡيَتَٰمَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينُ فَٱرۡزُقُوهُم مِّنۡهُ وَقُولُواْ لَهُمۡ قَوۡلٗا مَّعۡرُوفٗا

Kapag dumalo sa paghahati ang mga mayroong pagkakamag-anak, ang mga ulila, at ang mga dukha ay magkaloob kayo sa kanila mula rito at magsabi kayo sa kanila ng nakabubuti. info
التفاسير:

external-link copy
9 : 4

وَلۡيَخۡشَ ٱلَّذِينَ لَوۡ تَرَكُواْ مِنۡ خَلۡفِهِمۡ ذُرِّيَّةٗ ضِعَٰفًا خَافُواْ عَلَيۡهِمۡ فَلۡيَتَّقُواْ ٱللَّهَ وَلۡيَقُولُواْ قَوۡلٗا سَدِيدًا

Matakot ang mga [tagapagpatupad na] kung sakaling nag-iwan sila sa pagyao nila ng mga supling na mahina ay mangangamba sila para sa mga ito. Kaya mangilag silang magkasala kay Allāh at magsabi sila ng sinasabing tama. info
التفاسير:

external-link copy
10 : 4

إِنَّ ٱلَّذِينَ يَأۡكُلُونَ أَمۡوَٰلَ ٱلۡيَتَٰمَىٰ ظُلۡمًا إِنَّمَا يَأۡكُلُونَ فِي بُطُونِهِمۡ نَارٗاۖ وَسَيَصۡلَوۡنَ سَعِيرٗا

Tunay na ang mga kumakain ng mga yaman ng mga ulila dala ng kawalang-katarungan ay kumakain lamang sa mga tiyan nila ng apoy at masusunog sila sa isang liyab [ng Impiyerno]. info
التفاسير:

external-link copy
11 : 4

يُوصِيكُمُ ٱللَّهُ فِيٓ أَوۡلَٰدِكُمۡۖ لِلذَّكَرِ مِثۡلُ حَظِّ ٱلۡأُنثَيَيۡنِۚ فَإِن كُنَّ نِسَآءٗ فَوۡقَ ٱثۡنَتَيۡنِ فَلَهُنَّ ثُلُثَا مَا تَرَكَۖ وَإِن كَانَتۡ وَٰحِدَةٗ فَلَهَا ٱلنِّصۡفُۚ وَلِأَبَوَيۡهِ لِكُلِّ وَٰحِدٖ مِّنۡهُمَا ٱلسُّدُسُ مِمَّا تَرَكَ إِن كَانَ لَهُۥ وَلَدٞۚ فَإِن لَّمۡ يَكُن لَّهُۥ وَلَدٞ وَوَرِثَهُۥٓ أَبَوَاهُ فَلِأُمِّهِ ٱلثُّلُثُۚ فَإِن كَانَ لَهُۥٓ إِخۡوَةٞ فَلِأُمِّهِ ٱلسُّدُسُۚ مِنۢ بَعۡدِ وَصِيَّةٖ يُوصِي بِهَآ أَوۡ دَيۡنٍۗ ءَابَآؤُكُمۡ وَأَبۡنَآؤُكُمۡ لَا تَدۡرُونَ أَيُّهُمۡ أَقۡرَبُ لَكُمۡ نَفۡعٗاۚ فَرِيضَةٗ مِّنَ ٱللَّهِۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمٗا

Nagsasatagubilin sa inyo si Allāh hinggil sa mga anak ninyo na ukol sa lalaki ay katumbas ng bahagi ng dalawang babae. Ngunit kung sila ay mga babaing higit sa dalawa, ukol sa kanila ay dalawang katlo ng naiwan niya; at kung ito ay nag-iisang babae, ukol dito ay kalahati. Ukol sa dalawang magulang niya, ukol sa bawat isa sa kanilang dalawa ay ang ikaanim mula sa naiwan niya kung nagkaroon siya ng isang anak. Ngunit kung hindi siya nagkaroon ng anak at nagmana sa kanya ang dalawang magulang niya, ukol sa ina niya ang ikatlo. Ngunit kung nagkaroon siya ng mga kapatid, ukol sa ina niya ang ikaanim matapos na ng [pagkaltas ng] isang tagubiling isinasatagubilin niya o ng [pambayad sa] isang utang. Ang mga magulang ninyo at ang mga anak ninyo ay hindi kayo nakababatid kung alin sa kanila ang higit na malapit para sa inyo sa pakinabang. [Ang paghahating ito ay] isang tungkulin mula kay Allāh. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong. info
التفاسير: