د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - فلیپیني (تګالوګ) ژباړه - د رواد الترجمة مرکز

د مخ نمبر:close

external-link copy
40 : 34

وَيَوۡمَ يَحۡشُرُهُمۡ جَمِيعٗا ثُمَّ يَقُولُ لِلۡمَلَٰٓئِكَةِ أَهَٰٓؤُلَآءِ إِيَّاكُمۡ كَانُواْ يَعۡبُدُونَ

[Banggitin] ang araw na kakalap Siya sa kanila[3] nang lahatan, pagkatapos magsasabi Siya sa mga anghel: “Ang mga ito ba ay sa inyo dati sila sumasamba?” info

[3] Ibig sabihin: sa mga tagapagtambal at mga sinasamba nila.

التفاسير:

external-link copy
41 : 34

قَالُواْ سُبۡحَٰنَكَ أَنتَ وَلِيُّنَا مِن دُونِهِمۖ بَلۡ كَانُواْ يَعۡبُدُونَ ٱلۡجِنَّۖ أَكۡثَرُهُم بِهِم مُّؤۡمِنُونَ

Magsasabi sila: “Kaluwalhatian sa iyo, [O Allāh]! Ikaw ay ang Katangkilik namin sa halip nila. Bagkus sila dati ay sumasamba sa mga jinn; ang higit na marami sa kanila sa mga ito ay mga mananampalataya.” info
التفاسير:

external-link copy
42 : 34

فَٱلۡيَوۡمَ لَا يَمۡلِكُ بَعۡضُكُمۡ لِبَعۡضٖ نَّفۡعٗا وَلَا ضَرّٗا وَنَقُولُ لِلَّذِينَ ظَلَمُواْ ذُوقُواْ عَذَابَ ٱلنَّارِ ٱلَّتِي كُنتُم بِهَا تُكَذِّبُونَ

Kaya sa araw na ito [ng Paghuhusga], hindi makapagdudulot ang iba sa kanila para sa iba pa ng isang pakinabang ni isang pinsala, at magsasabi Kami sa mga lumabag sa katarungan: “Lumasap kayo ng pagdurusa sa Apoy na kayo noon dito ay nagpapasinungaling.” info
التفاسير:

external-link copy
43 : 34

وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُنَا بَيِّنَٰتٖ قَالُواْ مَا هَٰذَآ إِلَّا رَجُلٞ يُرِيدُ أَن يَصُدَّكُمۡ عَمَّا كَانَ يَعۡبُدُ ءَابَآؤُكُمۡ وَقَالُواْ مَا هَٰذَآ إِلَّآ إِفۡكٞ مُّفۡتَرٗىۚ وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلۡحَقِّ لَمَّا جَآءَهُمۡ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ مُّبِينٞ

Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin bilang mga malinaw na patunay ay nagsasabi sila: “Walang iba [si Muḥammad na] ito kundi isang lalaking nagnanais na sumagabal sa inyo sa sinasamba noon ng mga ninuno ninyo.” Nagsabi pa sila: “Walang iba [si Muḥammad na ito] kundi isang panlilinlang na ginawa-gawa.” Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa katotohanan noong dumating ito sa kanila: “Walang iba ito kundi isang panggagaway na malinaw.” info
التفاسير:

external-link copy
44 : 34

وَمَآ ءَاتَيۡنَٰهُم مِّن كُتُبٖ يَدۡرُسُونَهَاۖ وَمَآ أَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡهِمۡ قَبۡلَكَ مِن نَّذِيرٖ

Hindi Kami nagbigay sa kanila ng anumang mga kasulatan na pinag-aaralan nila. Hindi Kami nagsugo sa kanila bago mo ng anumang mapagbabala. info
التفاسير:

external-link copy
45 : 34

وَكَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ وَمَا بَلَغُواْ مِعۡشَارَ مَآ ءَاتَيۡنَٰهُمۡ فَكَذَّبُواْ رُسُلِيۖ فَكَيۡفَ كَانَ نَكِيرِ

Nagpasinungaling ang mga bago pa nila at hindi sila umabot sa ikapu ng ibinigay Namin sa mga iyon, ngunit nagpasinungaling sila sa mga sugo Ko kaya magiging papaano na [katindi] ang pagtutol Ko? info
التفاسير:

external-link copy
46 : 34

۞ قُلۡ إِنَّمَآ أَعِظُكُم بِوَٰحِدَةٍۖ أَن تَقُومُواْ لِلَّهِ مَثۡنَىٰ وَفُرَٰدَىٰ ثُمَّ تَتَفَكَّرُواْۚ مَا بِصَاحِبِكُم مِّن جِنَّةٍۚ إِنۡ هُوَ إِلَّا نَذِيرٞ لَّكُم بَيۡنَ يَدَيۡ عَذَابٖ شَدِيدٖ

Sabihin mo: “Nangangaral lamang ako sa inyo ng isa: na tumayo kayo para kay Allāh nang dalawahan at nang bukud-bukod, pagkatapos mag-isip-isip kayo [sa mensahe].” Walang taglay ang kasamahan ninyo [na Si Propeta Muḥammad] na anumang kabaliwan [dahil sa isang masamang jinn]. Walang iba siya kundi isang mapagbabala para sa inyo sa harap ng isang pagdurusang matindi. info
التفاسير:

external-link copy
47 : 34

قُلۡ مَا سَأَلۡتُكُم مِّنۡ أَجۡرٖ فَهُوَ لَكُمۡۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَى ٱللَّهِۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدٞ

Sabihin mo: “Hindi ako humingi sa inyo ng anumang pabuya [para sa mensaheng ito] sapagkat ito ay para sa inyo; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa kay Allāh. Siya sa bawat bagay ay Saksi.” info
التفاسير:

external-link copy
48 : 34

قُلۡ إِنَّ رَبِّي يَقۡذِفُ بِٱلۡحَقِّ عَلَّٰمُ ٱلۡغُيُوبِ

Sabihin mo: “Tunay na ang Panginoon ko ay humahagis ng katotohanan [laban sa kabulaanan at Siya ay] ang Palaalam sa mga nakalingid.” info
التفاسير: