د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - فلیپیني (تګالوګ) ژباړه - د رواد الترجمة مرکز

د مخ نمبر:close

external-link copy
12 : 31

وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا لُقۡمَٰنَ ٱلۡحِكۡمَةَ أَنِ ٱشۡكُرۡ لِلَّهِۚ وَمَن يَشۡكُرۡ فَإِنَّمَا يَشۡكُرُ لِنَفۡسِهِۦۖ وَمَن كَفَرَ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَنِيٌّ حَمِيدٞ

Talaga ngang nagbigay Kami kay Luqmān ng karunungan, na [nagsasabi]: “Magpasalamat ka kay Allāh.” Ang sinumang nagpapasalamat ay nagpapasalamat lamang para sa [pakinabang ng] sarili niya. Ang sinumang tumangging magpasalamat, tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan, Kapuri-puri. info
التفاسير:

external-link copy
13 : 31

وَإِذۡ قَالَ لُقۡمَٰنُ لِٱبۡنِهِۦ وَهُوَ يَعِظُهُۥ يَٰبُنَيَّ لَا تُشۡرِكۡ بِٱللَّهِۖ إِنَّ ٱلشِّرۡكَ لَظُلۡمٌ عَظِيمٞ

[Banggitin] noong nagsabi si Luqmān sa anak niya habang siya ay nangangaral dito: “O anak ko, huwag kang magtambal kay Allāh; tunay na ang pagtatambal [kay Allāh] ay talagang isang kawalang-katarungang [kasalanang] sukdulan.” info
التفاسير:

external-link copy
14 : 31

وَوَصَّيۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ بِوَٰلِدَيۡهِ حَمَلَتۡهُ أُمُّهُۥ وَهۡنًا عَلَىٰ وَهۡنٖ وَفِصَٰلُهُۥ فِي عَامَيۡنِ أَنِ ٱشۡكُرۡ لِي وَلِوَٰلِدَيۡكَ إِلَيَّ ٱلۡمَصِيرُ

Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang niya [na maging mabuti] – nagdalang-tao sa kanya ang ina niya sa isang panlalata sa ibabaw isang panlalata at ang pag-awat sa kanya ay sa dalawang taon – na [nagsasabi]: “Magpasalamat ka sa Akin at sa mga magulang mo. Tungo sa Akin ang kahahantungan. info
التفاسير:

external-link copy
15 : 31

وَإِن جَٰهَدَاكَ عَلَىٰٓ أَن تُشۡرِكَ بِي مَا لَيۡسَ لَكَ بِهِۦ عِلۡمٞ فَلَا تُطِعۡهُمَاۖ وَصَاحِبۡهُمَا فِي ٱلدُّنۡيَا مَعۡرُوفٗاۖ وَٱتَّبِعۡ سَبِيلَ مَنۡ أَنَابَ إِلَيَّۚ ثُمَّ إِلَيَّ مَرۡجِعُكُمۡ فَأُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

Kung nakipagpunyagi silang dalawa sa iyo na magtambal ka sa Akin ng wala kang kaalaman hinggil doon ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa. Makisama ka sa kanilang dalawa sa Mundo ayon sa nakabubuti. Sumunod ka sa landas ng sinumang nagsisising nanumbalik tungo sa Akin. Pagkatapos tungo sa Akin ang babalikan ninyo saka magbabalita Ako sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa.” info
التفاسير:

external-link copy
16 : 31

يَٰبُنَيَّ إِنَّهَآ إِن تَكُ مِثۡقَالَ حَبَّةٖ مِّنۡ خَرۡدَلٖ فَتَكُن فِي صَخۡرَةٍ أَوۡ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ أَوۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ يَأۡتِ بِهَا ٱللَّهُۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَطِيفٌ خَبِيرٞ

[Nagsabi si Luqmān]: “O anak ko, tunay na ito, kung naging kasimbigat ng isang buto ng mustasa saka naging nasa isang bato o nasa mga langit o nasa lupa, maglalahad nito si Allāh. Tunay na si Allāh ay Mapagtalos, Mapagbatid. info
التفاسير:

external-link copy
17 : 31

يَٰبُنَيَّ أَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَ وَأۡمُرۡ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَٱنۡهَ عَنِ ٱلۡمُنكَرِ وَٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَآ أَصَابَكَۖ إِنَّ ذَٰلِكَ مِنۡ عَزۡمِ ٱلۡأُمُورِ

O anak ko, magpanatili ka ng pagdarasal, mag-utos ka ng nakabubuti, sumaway ka ng nakasasama, at magtiis ka sa anumang tumatama sa iyo; tunay na iyon ay kabilang sa pinagpapasyahan sa mga usapin. info
التفاسير:

external-link copy
18 : 31

وَلَا تُصَعِّرۡ خَدَّكَ لِلنَّاسِ وَلَا تَمۡشِ فِي ٱلۡأَرۡضِ مَرَحًاۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ كُلَّ مُخۡتَالٖ فَخُورٖ

Huwag kang mag-iwas ng pisngi mo sa mga tao at huwag kang maglakad sa lupa dala ng pagpapakatuwa [sa sarili]. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa bawat hambog na mayabang. info
التفاسير:

external-link copy
19 : 31

وَٱقۡصِدۡ فِي مَشۡيِكَ وَٱغۡضُضۡ مِن صَوۡتِكَۚ إِنَّ أَنكَرَ ٱلۡأَصۡوَٰتِ لَصَوۡتُ ٱلۡحَمِيرِ

Magmarahan ka sa paglakad mo at magbaba ka ng tinig mo; tunay ang pinakamasagwa sa mga tinig ay talagang ang tinig ng mga asno. info
التفاسير: