د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر في تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تګالوګ) ژباړه

د مخ نمبر:close

external-link copy
5 : 49

وَلَوۡ أَنَّهُمۡ صَبَرُواْ حَتَّىٰ تَخۡرُجَ إِلَيۡهِمۡ لَكَانَ خَيۡرٗا لَّهُمۡۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

Kung sakaling ang mga tumatawag na ito sa iyo, O Sugo, mula sa likuran ng mga silid ng mga maybahay mo ay nagtiis saka hindi tumawag sa iyo hanggang sa lumabas ka sa kanila para kumausap sila sa iyo habang pinahihina ang mga tinig nila, talaga sanang iyon ay naging mabuti para sa kanila kaysa sa pagtawag sa iyo mula sa likuran ng mga iyon dahil sa dulot nito na paggalang at pagrespeto. Si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa kanila at kabilang sa iba pa sa kanila, Mapagpatawad sa kanila dahil sa kamangmangan nila, Maawain sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
6 : 49

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِن جَآءَكُمۡ فَاسِقُۢ بِنَبَإٖ فَتَبَيَّنُوٓاْ أَن تُصِيبُواْ قَوۡمَۢا بِجَهَٰلَةٖ فَتُصۡبِحُواْ عَلَىٰ مَا فَعَلۡتُمۡ نَٰدِمِينَ

O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya, kung naghatid sa inyo ang isang suwail ng isang ulat tungkol sa mga tao ay tumiyak kayo sa katumpakan ng ulat niya at huwag kayong magdali-dali sa paniniwala sa kanya sa pangambang baka makapaminsala kayo – kapag naniwala kayo sa ulat niya nang walang pagtitiyak – sa mga tao dahil sa isang krimen habang kayo ay mga mangmang sa reyalidad ng kalagayan nila, kaya kayo matapos ng pamiminsala ninyo sa kanila ay baka maging mga nagsisisi kapag luminaw sa inyo ang kasinungalingan ng ulat niya. info
التفاسير:

external-link copy
7 : 49

وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ فِيكُمۡ رَسُولَ ٱللَّهِۚ لَوۡ يُطِيعُكُمۡ فِي كَثِيرٖ مِّنَ ٱلۡأَمۡرِ لَعَنِتُّمۡ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ حَبَّبَ إِلَيۡكُمُ ٱلۡإِيمَٰنَ وَزَيَّنَهُۥ فِي قُلُوبِكُمۡ وَكَرَّهَ إِلَيۡكُمُ ٱلۡكُفۡرَ وَٱلۡفُسُوقَ وَٱلۡعِصۡيَانَۚ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلرَّٰشِدُونَ

Alamin ninyo, O mga mananampalataya, na nasa inyo ang Sugo ni Allāh habang bumababa sa kanya ang kasi kaya mag-ingat kayo na magsinungaling sapagkat bumababa sa kanya ang kasi na nagpapabatid sa kanya ng kasinungalingan ninyo. Siya ay higit sa nakaaalam sa anumang naroon ang kapakanan ninyo. Kung sakaling tatalima siya sa inyo sa marami sa iminumungkahi ninyo sa kanya ay talaga sanang nasadlak kayo sa pahirap na hindi niya kinalulugdan para sa inyo. Subalit si Allāh dahil sa kabutihang-loob Niya ay nagpaibig sa inyo sa pananampalataya, nagpaganda nito sa mga puso ninyo kaya sumampalataya kayo, nagpasuklam sa inyo ng kawalang-pananampalataya at paglabas sa pagtalima sa Kanya, at nagpasuklam sa inyo ng pagsuway sa Kanya. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang ito ay ang mga tumatahak sa daan ng pagkagabay at pagkatama. info
التفاسير:

external-link copy
8 : 49

فَضۡلٗا مِّنَ ٱللَّهِ وَنِعۡمَةٗۚ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ

Ang nangyari sa inyo na pagpapaganda sa kabutihan sa mga puso ninyo at pagpapasuklam sa kasamaan ay bilang kabutihang-loob lamang mula kay Allāh na nagmabuting-loob Siya nito sa inyo at bilang biyaya na nagbiyaya Siya nito sa inyo. Si Allāh ay Maalam sa sinumang nagpapasalamat sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya kaya nagtutuon Siya nito, Marunong yayamang naglalagay Siya ng bawat bagay sa kalalagyan nitong naaangkop para rito. info
التفاسير:

external-link copy
9 : 49

وَإِن طَآئِفَتَانِ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ٱقۡتَتَلُواْ فَأَصۡلِحُواْ بَيۡنَهُمَاۖ فَإِنۢ بَغَتۡ إِحۡدَىٰهُمَا عَلَى ٱلۡأُخۡرَىٰ فَقَٰتِلُواْ ٱلَّتِي تَبۡغِي حَتَّىٰ تَفِيٓءَ إِلَىٰٓ أَمۡرِ ٱللَّهِۚ فَإِن فَآءَتۡ فَأَصۡلِحُواْ بَيۡنَهُمَا بِٱلۡعَدۡلِ وَأَقۡسِطُوٓاْۖ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُقۡسِطِينَ

Kung may dalawang pangkat kabilang sa mga mananampalataya na nag-awayan ay magpayapa kayo, O mga mananampalataya, sa pagitan ng dalawa sa pamamagitan ng pag-anyaya sa dalawang panig sa paghahatol ng batas ni Allāh kaugnay sa sigalot ng dalawa. Ngunit kung tumanggi ang isa sa dalawa sa pakikipagpayapaan at lumabag, kalabanin ninyo ang lumabag hanggang sa bumalik ito sa kahatulan ni Allāh. Kaya kung bumalik ito sa kahatulan ni Allāh, magpayapa kayo sa dalawa ayon sa katarungan at pagkakapantay. Magmakatarungan kayo sa hatol ninyo sa dalawa; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga makatarungan sa kahatulan nila. info
التفاسير:

external-link copy
10 : 49

إِنَّمَا ٱلۡمُؤۡمِنُونَ إِخۡوَةٞ فَأَصۡلِحُواْ بَيۡنَ أَخَوَيۡكُمۡۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ

Ang mga mananampalataya ay magkakapatid lamang sa Islām. Ang kapatiran sa Islām ay humihiling na magpayapa kayo, O mga mananampalataya, sa pagitan ng mga kapatid ninyong naghihidwaan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sa pag-asang kaawaan kayo. info
التفاسير:

external-link copy
11 : 49

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا يَسۡخَرۡ قَوۡمٞ مِّن قَوۡمٍ عَسَىٰٓ أَن يَكُونُواْ خَيۡرٗا مِّنۡهُمۡ وَلَا نِسَآءٞ مِّن نِّسَآءٍ عَسَىٰٓ أَن يَكُنَّ خَيۡرٗا مِّنۡهُنَّۖ وَلَا تَلۡمِزُوٓاْ أَنفُسَكُمۡ وَلَا تَنَابَزُواْ بِٱلۡأَلۡقَٰبِۖ بِئۡسَ ٱلِٱسۡمُ ٱلۡفُسُوقُ بَعۡدَ ٱلۡإِيمَٰنِۚ وَمَن لَّمۡ يَتُبۡ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ

O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya, huwag mangutya ang ilang lalaki kabilang sa inyo sa ilang lalaki; baka ang mga kinukutya ay higit na mabuti sa ganang kay Allāh. Ang isinasaalang-alang ay ayon sa ganang kay Allāh. Huwag mangutya ang ilang babae sa ilang babae; baka ang mga kinukutya ay higit na mabuti sa ganang kay Allāh. Huwag kayong mamintas sa mga kapatid ninyo sapagkat sila ay nasa kalagayan ng mga sarili ninyo. Huwag manukso ang iba sa inyo sa iba pa sa pamamagitan ng isang taguring kasusuklaman nito, gaya ng kalagayan ng ilan sa Anṣār bago ng pagdating ng Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Ang sinumang gumawa niyon kabilang sa inyo, siya ay isang suwail. Kay saklap bilang katangian ang katangian ng kasuwailan matapos ng pananampalataya. Ang sinumang hindi nagbalik-loob mula sa mga pagsuway na ito, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahilan sa ginawa nila na mga pagsuway. info
التفاسير:
په دې مخ کې د ایتونو د فایدو څخه:
• وجوب التثبت من صحة الأخبار، خاصة التي ينقلها من يُتَّهم بالفسق.
Ang pagkatungkulin ng pagtitiyak sa katumpakan ng mga ulat, lalo na ang ipinararating ng sinumang pinaghihinalaan ng kasuwailan. info

• وجوب الإصلاح بين من يتقاتل من المسلمين، ومشروعية قتال الطائفة التي تصر على الاعتداء وترفض الصلح.
Ang pagkatungkulin ng pagpapayapa sa pagitan ng nag-aawayan kabilang sa mga Muslim at ang pagkaisinasabatas ng pakikipaglaban sa pangkat na nagpupumilit sa pangangaway at pagtanggi sa pagpapayapaan. info

• من حقوق الأخوة الإيمانية: الصلح بين المتنازعين والبعد عما يجرح المشاعر من السخرية والعيب والتنابز بالألقاب.
Kabilang sa mga karapatan ng kapatirang pampananampalataya ay ang pagpapayapaan sa pagitan ng mga nag-aalitan at ang paglayo sa anumang nakasusugat sa mga damdamin gaya ng panunuya, pamimintas, at pagtatawagan ng mga [masamang] taguri. info