د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر في تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تګالوګ) ژباړه

د مخ نمبر:close

external-link copy
16 : 48

قُل لِّلۡمُخَلَّفِينَ مِنَ ٱلۡأَعۡرَابِ سَتُدۡعَوۡنَ إِلَىٰ قَوۡمٍ أُوْلِي بَأۡسٖ شَدِيدٖ تُقَٰتِلُونَهُمۡ أَوۡ يُسۡلِمُونَۖ فَإِن تُطِيعُواْ يُؤۡتِكُمُ ٱللَّهُ أَجۡرًا حَسَنٗاۖ وَإِن تَتَوَلَّوۡاْ كَمَا تَوَلَّيۡتُم مِّن قَبۡلُ يُعَذِّبۡكُمۡ عَذَابًا أَلِيمٗا

Sabihin mo, O Sugo, sa mga nagpaiwan kabilang sa mga Arabeng disyerto sa paglalakbay kasama sa iyo patungong Makkah habang sumusubok sa kanila: "Aanyayahan kayo tungo sa pakikipaglaban sa mga taong may malakas na kapangyarihan sa pakikipaglaban. Makikipaglaban kayo sa kanila sa landas ni Allāh o papasok sila sa Islām nang walang pakikipaglaban. Kaya kung tatalima kayo kay Allāh sa ipinaanyaya Niya sa inyo na pakikipaglaban sa kanila, magbibigay Siya sa inyo ng isang pabuyang maganda, ang Paraiso. Kung tatalikod kayo sa pagtalima sa kanya gaya ng pagtalikod ninyo rito nang nagpaiwan kayo sa paglalakbay kasama sa Propeta patungong Makkah, pagdurusahin Niya kayo ng isang pagdurusang nakasasakit." info
التفاسير:

external-link copy
17 : 48

لَّيۡسَ عَلَى ٱلۡأَعۡمَىٰ حَرَجٞ وَلَا عَلَى ٱلۡأَعۡرَجِ حَرَجٞ وَلَا عَلَى ٱلۡمَرِيضِ حَرَجٞۗ وَمَن يُطِعِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ يُدۡخِلۡهُ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۖ وَمَن يَتَوَلَّ يُعَذِّبۡهُ عَذَابًا أَلِيمٗا

Hindi kasalanan sa nabigyang-dahilan dahilan sa pagkabulag o pagkapilay o pagkakasakit kapag nagpaiwan ito sa pakikipaglaban sa landas ni Allāh. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at tumatalima sa Sugo Niya ay magpapapasok Siya rito sa mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito. Ang sinumang umaayaw sa pagtalima sa kanilang dalawa (si Allāh at ang Sugo) ay pagdurusahin ni Allāh ito ng isang pagdurusang nakasasakit. info
التفاسير:

external-link copy
18 : 48

۞ لَّقَدۡ رَضِيَ ٱللَّهُ عَنِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ إِذۡ يُبَايِعُونَكَ تَحۡتَ ٱلشَّجَرَةِ فَعَلِمَ مَا فِي قُلُوبِهِمۡ فَأَنزَلَ ٱلسَّكِينَةَ عَلَيۡهِمۡ وَأَثَٰبَهُمۡ فَتۡحٗا قَرِيبٗا

Talaga ngang nalugod si Allāh sa mga mananampalataya habang nangangako sila ng katapatan sa iyo sa Ḥudaybīyah sa pagpapahayag ng katapatan ng pagkalugod sa ilalim ng punong-kahoy sapagkat nalaman Niya ang nasa mga puso nila na pananampalataya, kawagasan, at katapatan kaya naman nagpababa Siya ng kapanatagan sa mga puso nila at gumanti Siya sa kanila roon ng isang pagpapawaging malapit, ang pagwagi sa Khaybar bilang pagtumbas para sa kanila sa nakaalpas sa kanila na pagpasok sa Makkah. info
التفاسير:

external-link copy
19 : 48

وَمَغَانِمَ كَثِيرَةٗ يَأۡخُذُونَهَاۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمٗا

Nagbigay Siya sa kanila ng maraming samsam na makukuha nila sa mga mamamayan ng Khaybar. Laging si Allāh ay Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at pangangasiwa Niya. info
التفاسير:

external-link copy
20 : 48

وَعَدَكُمُ ٱللَّهُ مَغَانِمَ كَثِيرَةٗ تَأۡخُذُونَهَا فَعَجَّلَ لَكُمۡ هَٰذِهِۦ وَكَفَّ أَيۡدِيَ ٱلنَّاسِ عَنكُمۡ وَلِتَكُونَ ءَايَةٗ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ وَيَهۡدِيَكُمۡ صِرَٰطٗا مُّسۡتَقِيمٗا

Nangako sa inyo si Allāh, O mga mananampalataya, ng maraming samsam na makukuha ninyo sa mga pagsakop ng Islām sa hinaharap kaya minadali Niya para sa inyo ang mga samsam sa Khaybar. Pumigil Siya sa mga kamay ng mga Hudyo noong nagbalak silang manakit sa mga mag-anak ninyo noong wala kayo, at upang ang mga minadaling samsam na ito ay maging isang palatandaan para sa inyo sa pag-aadya ni Allāh at pag-alalay Niya sa inyo, at [upang] magpatnubay sa inyo si Allāh sa isang daang tuwid na walang kabaluktutan doon. info
التفاسير:

external-link copy
21 : 48

وَأُخۡرَىٰ لَمۡ تَقۡدِرُواْ عَلَيۡهَا قَدۡ أَحَاطَ ٱللَّهُ بِهَاۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٗا

Nangako sa inyo si Allāh ng mga iba pang samsam na hindi kayo nakakaya sa mga iyon sa oras na ito; si Allāh lamang ay ang Nakakakaya sa mga iyon. Ang mga ito ay nasa kaalaman Niya at pangangasiwa Niya. Laging si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan; hindi Siya napanghihina ng anuman. info
التفاسير:

external-link copy
22 : 48

وَلَوۡ قَٰتَلَكُمُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوَلَّوُاْ ٱلۡأَدۡبَٰرَ ثُمَّ لَا يَجِدُونَ وَلِيّٗا وَلَا نَصِيرٗا

Kung sakaling kumalaban sa inyo, O mga mananampalataya, ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya ay talaga sanang bumaling sila na mga tumatakas na mga natatalo sa harapan ninyo, pagkatapos hindi sila nakatatagpo ng isang katangkilik na tatangkilik sa nauukol sa kanila at hindi sila nakatatagpo ng isang mapag-adya na mag-aadya sa kanila sa pakikipaglaban ninyo. info
التفاسير:

external-link copy
23 : 48

سُنَّةَ ٱللَّهِ ٱلَّتِي قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلُۖ وَلَن تَجِدَ لِسُنَّةِ ٱللَّهِ تَبۡدِيلٗا

Ang pananaig ng mga mananampalataya at ang pagkatalo ng mga tagatangging sumampalataya ay nagaganap sa bawat panahon at lugar sapagkat ito ay kalakaran ni Allāh sa mga kalipunang nakalipas bago ng mga tagapagpasinungaling na ito. Hindi ka makatatagpo, O Sugo, para sa kalakaran ni Allāh ng isang pagpapalit. info
التفاسير:
په دې مخ کې د ایتونو د فایدو څخه:
• إخبار القرآن بمغيبات تحققت فيما بعد - مثل الفتوح الإسلامية - دليل قاطع على أن القرآن الكريم من عند الله.
Ang pagpapabatid ng Qur'ān ng mga nakalingid na nagkatotoo bandang huli tulad ng mga pagsakop ng Islām ay isang patunay na tiyakan na ang Marangal na Qur'ān ay mula sa ganang kay Allāh. info

• تقوم أحكام الشريعة على الرفق واليسر.
Nakasalig ang mga patakaran ng Batas ng Islām sa kabanayaran at kadalian. info

• جزاء أهل بيعة الرضوان منه ما هو معجل، ومنه ما هو مدَّخر لهم في الآخرة.
Ang ganti sa mga kasama sa pagpapahayag ng katapatan ng pagkalugod ay mayroong kaagad-agad at mayroong inilaan para sa kanila sa Kabilang-buhay. info

• غلبة الحق وأهله على الباطل وأهله سُنَّة إلهية.
Ang pananaig ng katotohanan at mga alagad nito laban sa kabulaanan at mga alagad nito ay kalakarang makadiyos. info