د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر في تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تګالوګ) ژباړه

د مخ نمبر:close

external-link copy
16 : 33

قُل لَّن يَنفَعَكُمُ ٱلۡفِرَارُ إِن فَرَرۡتُم مِّنَ ٱلۡمَوۡتِ أَوِ ٱلۡقَتۡلِ وَإِذٗا لَّا تُمَتَّعُونَ إِلَّا قَلِيلٗا

Sabihin mo, O Sugo, sa mga ito: "Hindi magpapakinabang sa inyo ang pagtakas kung tumakas kayo sa pakikipaglaban dahil sa pangamba sa kamatayan o sa pagkapatay dahil ang mga taning [ng buhay] ay nakatakda. Kapag tumakas kayo at hindi pa dumating ang taning ninyo, tunay na kayo ay hindi magtatamasa sa buhay kundi sa kaunting panahon." info
التفاسير:

external-link copy
17 : 33

قُلۡ مَن ذَا ٱلَّذِي يَعۡصِمُكُم مِّنَ ٱللَّهِ إِنۡ أَرَادَ بِكُمۡ سُوٓءًا أَوۡ أَرَادَ بِكُمۡ رَحۡمَةٗۚ وَلَا يَجِدُونَ لَهُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ وَلِيّٗا وَلَا نَصِيرٗا

Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Sino itong magtatanggol sa inyo laban kay Allāh kung nagnais Siya sa inyo ng kinasusuklaman ninyo na kamatayan o pagkapatay, o nagnais Siya sa inyo ng inaasahan ninyo na pagkaligtas at kabutihan? Walang isang magtatanggol sa inyo laban doon." Hindi makatatagpo ang mga mapagpaimbabaw na ito para sa kanila bukod pa kay Allāh ng isang tagatangkilik na tatangkilik sa nauukol sa kanila ni ng isang mapag-adya na magtatanggol sa kanila laban sa parusa ni Allāh para sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
18 : 33

۞ قَدۡ يَعۡلَمُ ٱللَّهُ ٱلۡمُعَوِّقِينَ مِنكُمۡ وَٱلۡقَآئِلِينَ لِإِخۡوَٰنِهِمۡ هَلُمَّ إِلَيۡنَاۖ وَلَا يَأۡتُونَ ٱلۡبَأۡسَ إِلَّا قَلِيلًا

Nakaaalam si Allāh sa mga tagapagpatamlay kabilang sa inyo sa iba pa sa inyo sa pakikipaglaban kasama sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at mga tagasabi sa mga kapatid nila: "Halikayo sa amin at huwag tayong makipaglaban kasama sa kanya upang hindi kayo mapatay sapagkat tunay na kami ay nangangamba para sa inyo ng pagkapatay." Ang mga tagapagpahina ng loob na ito ay hindi pumupunta sa digmaan at hindi nakikilahok doon malibang madalang upang magtulak sila palayo sa mga sarili nila ng kahihiyan hindi upang mag-adya sila kay Allāh at sa Sugo Niya.
info
التفاسير:

external-link copy
19 : 33

أَشِحَّةً عَلَيۡكُمۡۖ فَإِذَا جَآءَ ٱلۡخَوۡفُ رَأَيۡتَهُمۡ يَنظُرُونَ إِلَيۡكَ تَدُورُ أَعۡيُنُهُمۡ كَٱلَّذِي يُغۡشَىٰ عَلَيۡهِ مِنَ ٱلۡمَوۡتِۖ فَإِذَا ذَهَبَ ٱلۡخَوۡفُ سَلَقُوكُم بِأَلۡسِنَةٍ حِدَادٍ أَشِحَّةً عَلَى ٱلۡخَيۡرِۚ أُوْلَٰٓئِكَ لَمۡ يُؤۡمِنُواْ فَأَحۡبَطَ ٱللَّهُ أَعۡمَٰلَهُمۡۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٗا

Habang mga maramot sa inyo, O kapulungan ng mga mananampalataya, ng mga yaman nila kaya hindi sila tumutulong sa inyo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga ito, mga maramot ng mga sarili nila kaya hindi sila nakikipaglaban kasama sa inyo, at mga maramot ng pagmamahal nila kaya hindi sila nagmamahal sa inyo. Ngunit kapag dumating ang pangamba sa sandali ng pakikipagharap sa kaaway, makakikita ka sa kanila na tumitingin sa iyo, O Sugo, na umiikot ang mga mata nila dahil sa karuwagan tulad ng pag-ikot ng mga mata ng nagdurusa sa mga hapdi ng paghihingalo; ngunit kapag umalis sa kanila ang pangamba at napanatag sila ay nananakit sila sa inyo sa pananalita sa pamamagitan ng mga dilang bastos. Mga sakim sa mga samsam sa digmaan, naghahanap sila ng mga ito. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang ito ay hindi sumampalataya nang totohanan kaya nagpawalang-saysay si Allāh sa gantimpala ng mga gawa nila. Laging ang pagwawalang-saysay na iyon ay madali kay Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
20 : 33

يَحۡسَبُونَ ٱلۡأَحۡزَابَ لَمۡ يَذۡهَبُواْۖ وَإِن يَأۡتِ ٱلۡأَحۡزَابُ يَوَدُّواْ لَوۡ أَنَّهُم بَادُونَ فِي ٱلۡأَعۡرَابِ يَسۡـَٔلُونَ عَنۡ أَنۢبَآئِكُمۡۖ وَلَوۡ كَانُواْ فِيكُم مَّا قَٰتَلُوٓاْ إِلَّا قَلِيلٗا

Nagpapalagay ang mga duwag na ito na ang mga lapiang nagpapangkat para sa pakikipaglaban sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at pakikipaglaban sa mga mananampalataya ay hindi aalis hanggang sa mapuksa nila ang mga mananampalataya. Kung naitakda na dumating ang mga lapian sa isa pang pagkakataon ay magmimithi ang mga mapagpaimbabaw na ito na sila ay mga nakalabas sa Madīnah kasama ng mga Arabeng disyerto, habang nagtatanong tungkol sa mga ulat sa inyo: kung ano ang nangyari sa inyo matapos ng pakikipaglaban ng kaaway ninyo sa inyo? Kung sakaling sila ay nasa inyo, O mga mananampalataya, hindi sila makikipaglaban kasama sa inyo kundi nang kaunti kaya huwag kayong pumansin sa kanila at huwag kayong magdalamhati para sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
21 : 33

لَّقَدۡ كَانَ لَكُمۡ فِي رَسُولِ ٱللَّهِ أُسۡوَةٌ حَسَنَةٞ لِّمَن كَانَ يَرۡجُواْ ٱللَّهَ وَٱلۡيَوۡمَ ٱلۡأٓخِرَ وَذَكَرَ ٱللَّهَ كَثِيرٗا

Talaga ngang nagkaroon kayo sa sinabi ng Sugo ni Allāh, isinagawa niya, at ginawa niya ng isang ulirang maganda sapagkat nagpadalo nga siya ng sarili niyang marangal at nagsabalikat siya ng digmaan kaya papaano kayong magdaramot matapos niyon ng mga sarili ninyo sa sarili niya? Walang nagsasahuwaran sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – kundi ang sinumang nag-aasam sa gantimpala ni Allāh at awa Niya, nag-aasam sa Huling Araw, gumagawa para roon, at umalaala kay Allāh nang madalas. Hinggil naman sa hindi nag-aasam sa Huling Araw at hindi nag-aalaala kay Allāh nang madalas, tunay na siya ay hindi nagsasahuwaran sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.
info
التفاسير:

external-link copy
22 : 33

وَلَمَّا رَءَا ٱلۡمُؤۡمِنُونَ ٱلۡأَحۡزَابَ قَالُواْ هَٰذَا مَا وَعَدَنَا ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥ وَصَدَقَ ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥۚ وَمَا زَادَهُمۡ إِلَّآ إِيمَٰنٗا وَتَسۡلِيمٗا

Noong napagmasdan ng mga mananampalataya ang mga lapiang nagtitipon para sa pakikipaglaban sa kanila ay nagsabi sila: "Ito ay ang ipinangako sa atin ni Allāh at ng Sugo Niya na pagsubok, mga ligalig, at pagwawagi. Nagpakatapat si Allāh at ang Sugo Niya hinggil dito sapagkat nagkatotoo ito." Walang naidagdag sa kanila ang pagkamasid nila sa mga lapian kundi pananampalataya kay Allāh at pagpapaakay sa Kanya. info
التفاسير:
په دې مخ کې د ایتونو د فایدو څخه:
• الآجال محددة؛ لا يُقَرِّبُها قتال، ولا يُبْعِدُها هروب منه.
Ang mga taning [ng buhay] ay tinakdaan: hindi napalalapit ang mga ito ng isang pakikipaglaban at hindi napalalayo ang mga ito ng isang pagtakas mula roon. info

• التثبيط عن الجهاد في سبيل الله شأن المنافقين دائمًا.
Ang pagpapatamlay sa pakikibaka sa landas ni Allāh ay gawi ng mga mapagpaimbabaw palagi. info

• الرسول صلى الله عليه وسلم قدوة المؤمنين في أقواله وأفعاله.
Ang Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay uliran ng mga mananampalataya sa mga sinasabi niya at mga ginagawa niya. info

• الثقة بالله والانقياد له من صفات المؤمنين.
Ang pagtitiwala kay Allāh at ang pagpapaakay sa Kanya ay kabilang sa mga katangian ng mga mananampalataya. info