د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر في تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تګالوګ) ژباړه

د مخ نمبر:close

external-link copy
29 : 31

أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ يُولِجُ ٱلَّيۡلَ فِي ٱلنَّهَارِ وَيُولِجُ ٱلنَّهَارَ فِي ٱلَّيۡلِ وَسَخَّرَ ٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَۖ كُلّٞ يَجۡرِيٓ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗى وَأَنَّ ٱللَّهَ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ

Hindi ka ba nakakita na si Allāh ay bumabawas mula sa gabi upang magdagdag sa maghapon, bumabawas mula sa maghapon upang magdagdag sa gabi, at nagtakda sa daanan ng araw at buwan yayamang umiinog ang bawat isa sa nililibutan nito tungo sa isang yugtong tinakdaan; at na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga gawain ninyo at gaganti sa inyo sa mga iyon? info
التفاسير:

external-link copy
30 : 31

ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡحَقُّ وَأَنَّ مَا يَدۡعُونَ مِن دُونِهِ ٱلۡبَٰطِلُ وَأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡعَلِيُّ ٱلۡكَبِيرُ

Ang pangangasiwa at ang pagtatakdang iyon ay sumasaksi na si Allāh lamang ay ang totoo sapagkat Siya ay totoo sa sarili Niya, mga katangian Niya, at mga gawa Niya; na ang sinasamba ng mga tagapagtambal bukod pa sa Kanya ay ang kabulaanang walang batayan; at na si Allāh ay ang Mataas sa sarili Niya, paglupig Niya, at pagtatakda Niya sa lahat ng mga nilikha Niya, na walang higit na mataas kaysa sa Kanya, ang siyang higit na Malaki sa bawat bagay. info
التفاسير:

external-link copy
31 : 31

أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱلۡفُلۡكَ تَجۡرِي فِي ٱلۡبَحۡرِ بِنِعۡمَتِ ٱللَّهِ لِيُرِيَكُم مِّنۡ ءَايَٰتِهِۦٓۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّكُلِّ صَبَّارٖ شَكُورٖ

Hindi ka ba nakakita na ang mga daong ay naglalayag sa dagat dahil sa kabaitan Niya at pagpapasilbi Niya [ng mga ito] upang magpakita Siya sa inyo, O mga tao, ng mga tanda Niya na nagpapatunay sa kakayahan Niya – kaluwalhatian sa Kanya – at kabaitan Niya? Tunay sa gayon ay talagang may mga katunayan sa kakayahan Niya para sa bawat palatiis sa anumang tumatama sa kanya na pinsala, na mapagpasalamat sa anumang ipinatatamo sa kanya na ginhawa. info
التفاسير:

external-link copy
32 : 31

وَإِذَا غَشِيَهُم مَّوۡجٞ كَٱلظُّلَلِ دَعَوُاْ ٱللَّهَ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ فَلَمَّا نَجَّىٰهُمۡ إِلَى ٱلۡبَرِّ فَمِنۡهُم مُّقۡتَصِدٞۚ وَمَا يَجۡحَدُ بِـَٔايَٰتِنَآ إِلَّا كُلُّ خَتَّارٖ كَفُورٖ

Kapag pumaligid sa kanila mula sa bawat gilid ang mga alon na tulad ng mga bundok at mga ulap ay dumadalangin sila kay Allāh lamang habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa pagdalangin at pagsamba. Ngunit noong tumugon si Allāh sa kanila, sumagip Siya sa kanila patungo sa katihan, at nagligtas Siya sa kanila mula sa pagkalunod, mayroon sa kanila na katamtaman, na hindi nagsagawa ng kinailangan sa kanya na pagpapasalamat ayon sa pamamaraan ng kalubusan, at mayroon sa kanila na tagapagkaila sa biyaya ni Allāh. Walang nagkakaila sa mga tanda Namin kundi bawat taksil sa pangako – tulad ng nakipagkasundo kay Allāh na talagang kung magliligtas Siya rito ay talagang magiging kabilang nga ito sa mga tagapagpasalamat sa Kanya – na palatangging magpasalamat sa mga biyaya ni Allāh: hindi siya nagpapasalamat sa Panginoon niya na nagbiyaya nga mga ito sa kanya. info
التفاسير:

external-link copy
33 : 31

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱتَّقُواْ رَبَّكُمۡ وَٱخۡشَوۡاْ يَوۡمٗا لَّا يَجۡزِي وَالِدٌ عَن وَلَدِهِۦ وَلَا مَوۡلُودٌ هُوَ جَازٍ عَن وَالِدِهِۦ شَيۡـًٔاۚ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞۖ فَلَا تَغُرَّنَّكُمُ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا وَلَا يَغُرَّنَّكُم بِٱللَّهِ ٱلۡغَرُورُ

O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Mangamba kayo sa pagdurusa sa isang Araw na hindi makapagdudulot doon ang isang magulang para sa anak niya at hindi makapagdudulot ang isang inanak para sa magulang niya ng anuman. Tunay na ang pangako ni Allāh ng pagganti sa Araw ng Pagbangon ay napagtibay at magaganap nang walang pasubali. Kaya huwag ngang manlinlang sa inyo ang buhay na pangmundo sa pamamagitan ng narito na mga ninanasa at mga pampalibang at huwag ngang manlinlang sa inyo ang demonyo dahil sa pagtitimpi ni Allāh sa inyo at pagpapahuli Niya ng pagdurusa sa inyo. info
التفاسير:

external-link copy
34 : 31

إِنَّ ٱللَّهَ عِندَهُۥ عِلۡمُ ٱلسَّاعَةِ وَيُنَزِّلُ ٱلۡغَيۡثَ وَيَعۡلَمُ مَا فِي ٱلۡأَرۡحَامِۖ وَمَا تَدۡرِي نَفۡسٞ مَّاذَا تَكۡسِبُ غَدٗاۖ وَمَا تَدۡرِي نَفۡسُۢ بِأَيِّ أَرۡضٖ تَمُوتُۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمٌ خَبِيرُۢ

Tunay na si Allāh ay nasa Kanya lamang ang kaalaman sa Huling Sandali sapagkat nakaaalam Siya kung kailan iyon magaganap. Nagbababa Siya ng ulan kapag Niya niloob at nakaaalam Siya sa anumang nasa mga sinapupunan kung lalaki ba ito o babae, kung malumbay o maligaya? Hindi nalalaman ng isang kaluluwa kung ano ang kakamtin niya kinabukasan na kabutihan o kasamaan at hindi nalalaman ng isang kaluluwa kung sa aling lupain siya mamamatay, bagkus si Allāh ay ang nakaaalam niyon sa kabuuan niyon. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon. info
التفاسير:
په دې مخ کې د ایتونو د فایدو څخه:
• نقص الليل والنهار وزيادتهما وتسخير الشمس والقمر: آيات دالة على قدرة الله سبحانه، ونعمٌ تستحق الشكر.
Ang pagbabawas sa gabi at maghapon, ang pagdaragdag sa dalawang ito, at ang pagpapasilbi sa araw at buwan ay mga tanda na nagpapatunay sa kakayahan ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – at mga biyayang nagiging karapat-dapat sa pagpapasalamat. info

• الصبر والشكر وسيلتان للاعتبار بآيات الله.
Ang pagtitiis at ang pagpapasalamat ay dalawang kaparaanan para sa pagsasaalang-alang sa mga tanda ni Allāh. info

• الخوف من القيامة يقي من الاغترار بالدنيا، ومن الخضوع لوساوس الشياطين.
Ang pangamba sa [Araw ng] Pagbangon ay nagsasanggalang laban sa pagkakadaya sa Mundo at pagpapasailalim sa mga sulsol ng mga demonyo. info

• إحاطة علم الله بالغيب كله.
Ang pagkasaklaw ng kaalaman ni Allāh sa Lingid sa kabuuan nito. info