د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر في تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تګالوګ) ژباړه

د مخ نمبر:close

external-link copy
42 : 30

قُلۡ سِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَٱنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلُۚ كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّشۡرِكِينَ

Sabihin mo, O Muḥammad, sa mga tagapagtambal na ito: "Humayo kayo sa lupain saka magnilay-nilay kayo kung papaano naging ang wakas ng mga kalipunang nagpasinungaling bago pa ninyo? Iyon noon ay isang kinahinatnang masagwa. Ang karamihan sa kanila noon ay mga tagapagtambal kay Allāh, na sumasamba kasama sa Kanya sa iba pa sa Kanya kaya ipinahamak sila dahilan sa pagtatambal nila kay Allāh." info
التفاسير:

external-link copy
43 : 30

فَأَقِمۡ وَجۡهَكَ لِلدِّينِ ٱلۡقَيِّمِ مِن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَ يَوۡمٞ لَّا مَرَدَّ لَهُۥ مِنَ ٱللَّهِۖ يَوۡمَئِذٖ يَصَّدَّعُونَ

Kaya magpanatili ka, O Sugo, ng mukha mo para sa relihiyong Islām na tuwid, na walang kabaluktutan dito, bago pa dumating ang Araw ng Pagbangon, na kapag dumating iyon ay wala nang makapagtutulak doon. Sa Araw na iyon, magkakahati-hati ang mga tao: may isang pangkat sa Paraiso, na mga pinagtatamasa; at may isang pangkat sa Apoy, na mga pinagdurusa. info
التفاسير:

external-link copy
44 : 30

مَن كَفَرَ فَعَلَيۡهِ كُفۡرُهُۥۖ وَمَنۡ عَمِلَ صَٰلِحٗا فَلِأَنفُسِهِمۡ يَمۡهَدُونَ

Ang sinumang tumangging sumampalataya kay Allāh, ang kapinsalaan ng kawalang-pananampalataya niya – ang pamamalagi sa Apoy – ay manunumbalik laban sa kanya. Ang sinumang gumawa ng gawang maayos habang naghahangad ng [kaluguran ng] mukha ni Allāh ay para sa [kapakanan ng] sarili niya. Maghahanda sila sa pagpasok sa Paraiso at pagtatamasa sa anumang naroon bilang mamamalagi roon magpakailanman. info
التفاسير:

external-link copy
45 : 30

لِيَجۡزِيَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ مِن فَضۡلِهِۦٓۚ إِنَّهُۥ لَا يُحِبُّ ٱلۡكَٰفِرِينَ

upang gumanti si Allāh ng kabutihang-loob Niya at paggawa Niya ng maganda sa mga sumampalataya sa Kanya at gumawa ng mga gawang maayos na nagpapalugod sa Panginoon nila. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay hindi umiibig sa mga tagatangging sumampalataya sa Kanya at sa Sugo Niya, bagkus nasusuklam Siya sa kanila nang pinakamatinding pagkasuklam at magpaparusa Siya sa kanila sa Araw ng Pagbangon.
info
التفاسير:

external-link copy
46 : 30

وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦٓ أَن يُرۡسِلَ ٱلرِّيَاحَ مُبَشِّرَٰتٖ وَلِيُذِيقَكُم مِّن رَّحۡمَتِهِۦ وَلِتَجۡرِيَ ٱلۡفُلۡكُ بِأَمۡرِهِۦ وَلِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ

Kabilang sa mga tanda Niyang dakila na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ay na nagpapadala Siya ng mga hangin upang magbalita ng nakagagalak sa mga tao hinggil sa paglapit ng pagbaba ng ulan, at upang magpalasap Siya sa inyo, O mga tao, mula sa awa Niya sa pamamagitan ng magaganap matapos ng ulan na pagtaba ng lupa at kaginhawahan, upang maglayag ang mga daong sa dagat ayon sa kalooban Niya, at upang maghanap kayo ng kagandahang-loob Niya sa pamamagitan ng pangangalakal sa dagat, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat sa mga biyaya ni Allāh sa inyo para magdagdag Siya sa inyo ng mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
47 : 30

وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ رُسُلًا إِلَىٰ قَوۡمِهِمۡ فَجَآءُوهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَٱنتَقَمۡنَا مِنَ ٱلَّذِينَ أَجۡرَمُواْۖ وَكَانَ حَقًّا عَلَيۡنَا نَصۡرُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

Talaga ngang nagpadala Kami bago mo pa, O Sugo, ng mga sugo sa mga kalipunan nila kaya naghatid sila sa mga iyon ng mga katwiran at mga patotoong nagpapatunay sa katapatan nila. Ngunit nagpasinungaling ang mga iyon sa inihatid sa mga iyon ng mga sugo ng mga iyon kaya naghiganti Kami sa mga gumawa ng mga gawang masagwa. Ipinahamak Namin ang mga iyon sa pamamagitan ng pagdurusang dulot Namin at iniligtas Namin ang mga sugo at ang mga mananampalataya sa kanila mula sa kapahamakan. Ang pagliligtas sa mga mananampalataya at ang pag-aadya sa kanila ay isang tungkuling inobliga Namin sa Amin. info
التفاسير:

external-link copy
48 : 30

ٱللَّهُ ٱلَّذِي يُرۡسِلُ ٱلرِّيَٰحَ فَتُثِيرُ سَحَابٗا فَيَبۡسُطُهُۥ فِي ٱلسَّمَآءِ كَيۡفَ يَشَآءُ وَيَجۡعَلُهُۥ كِسَفٗا فَتَرَى ٱلۡوَدۡقَ يَخۡرُجُ مِنۡ خِلَٰلِهِۦۖ فَإِذَآ أَصَابَ بِهِۦ مَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦٓ إِذَا هُمۡ يَسۡتَبۡشِرُونَ

Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang umaakay sa mga hangin at nagpapadala sa mga iyon saka nagpapagalaw ang mga hanging iyon sa mga ulap at nagpapakilos sa mga ito. Bumabanat Siya sa mga ito sa langit kung papaanong niloloob Niya sa kakauntian o karamihan. Gumagawa Siya sa mga ito bilang mga piraso kaya nakikita mo, O tagatingin, ang ulan habang lumalabas mula sa gitna ng mga ulap na iyon. Kaya kapag nagpatama si Allāh ng ulan sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya, biglang sila rito ay natutuwa dahil sa awa Niya sa kanila dahil sa pagpapababa ng ulan na sinusundan ng pagpapatubo sa lupa ng kinakailangan nila para sa mga sarili nila at para sa mga hayop nila.
info
التفاسير:

external-link copy
49 : 30

وَإِن كَانُواْ مِن قَبۡلِ أَن يُنَزَّلَ عَلَيۡهِم مِّن قَبۡلِهِۦ لَمُبۡلِسِينَ

Sila nga dati bago pa nagbaba sa kanila si Allāh ng ulan ay talagang mga nawawalan ng pag-asa sa pagbaba nito sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
50 : 30

فَٱنظُرۡ إِلَىٰٓ ءَاثَٰرِ رَحۡمَتِ ٱللَّهِ كَيۡفَ يُحۡيِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَآۚ إِنَّ ذَٰلِكَ لَمُحۡيِ ٱلۡمَوۡتَىٰۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ

Kaya tumingin ka, O Sugo, sa mga bakas ng ulan na ibinababa ni Allāh bilang awa sa mga lingkod Niya kung papaano nagbibigay-buhay si Allāh sa lupa sa pamamagitan ng pinatutubo Niya rito na mga uri ng mga halaman matapos ng katuyuan nito at katuyutan nito. Tunay na ang nagbigay-buhay sa tuyong lupang iyon ay talagang Siya ang magbubuhay sa mga patay para maging mga buhay. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman. info
التفاسير:
په دې مخ کې د ایتونو د فایدو څخه:
• إرسال الرياح، وإنزال المطر، وجريان السفن في البحر: نِعَم تستدعي أن نشكر الله عليها.
Ang pagpapadala ng mga hangin, ang pagpapababa ng ulan, at ang paglalayag ng mga daong sa dagat ay mga biyayang nanawagan na magpasalamat tayo kay Allāh dahil sa mga ito. info

• إهلاك المجرمين ونصر المؤمنين سُنَّة إلهية.
Ang pagpapahamak sa mga salarin at ang pag-aadya sa mga mananampalataya ay isang makadiyos na kalakaran (sunnah). info

• إنبات الأرض بعد جفافها دليل على البعث.
Ang pagpapatubo sa lupa matapos ng katuyuan nito ay isang patunay sa pagkabuhay na muli. info