د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر في تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تګالوګ) ژباړه

external-link copy
39 : 22

أُذِنَ لِلَّذِينَ يُقَٰتَلُونَ بِأَنَّهُمۡ ظُلِمُواْۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ نَصۡرِهِمۡ لَقَدِيرٌ

Nagpahintulot si Allāh ng pakikipaglaban para sa mga mananampalatayang kinakalaban ng mga tagapagtambal noong may naganap sa kanila na kawalang-katarungan ng mga kaaway nila sa kanila. Tunay na si Allāh sa pag-aadya sa mga mananampalataya laban sa kaaway nila nang walang pakikipaglaban ay talagang May-kakayahan, subalit ang karunungan Niya ay humiling na sulitin ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mga tagapagtambal. info
التفاسير:
په دې مخ کې د ایتونو د فایدو څخه:
• إثبات صفتي القوة والعزة لله.
Ang pagpapatibay sa dalawang katangian ng lakas at kapangyarihan para kay Allāh. info

• إثبات مشروعية الجهاد؛ للحفاظ على مواطن العبادة.
Ang pagpapatibay sa pagkaisinasabatas ng pakikibaka para sa pangangalaga sa mga pook ng pagsamba. info

• إقامة الدين سبب لنصر الله لعبيده المؤمنين.
Ang pagpapanatili ng relihiyon ay isang kadahilanan para sa pag-aadya ni Allāh sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya. info

• عمى القلوب مانع من الاعتبار بآيات الله.
Ang pagkabulag ng mga puso at tagapigil sa pagsasaalang-alang sa mga tanda ni Allāh. info