ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐ ߟߎ߬ ߘߟߊߡߌߘߊ - ߝߟߌߔߌ߲ߞߊ߲ (ߕߖߊߟߏ߯ߖ) - ߙߎ߬ߥߊ߯ߘߎ-ߕߊ߬ߙߑߖߡߊ ߝߊ߲ߓߊ ߓߟߏ߫

ߞߐߜߍ ߝߙߍߕߍ:close

external-link copy
17 : 8

فَلَمۡ تَقۡتُلُوهُمۡ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ قَتَلَهُمۡۚ وَمَا رَمَيۡتَ إِذۡ رَمَيۡتَ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ رَمَىٰ وَلِيُبۡلِيَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ مِنۡهُ بَلَآءً حَسَنًاۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٞ

Kaya hindi kayo pumatay sa kanila, subalit si Allāh ay pumatay sa kanila. Hindi ka bumato nang bumato ka, subalit si Allāh ay bumato at upang sumubok Siya sa mga mananampalataya ng isang magandang pagsubok mula sa Kanya. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Maalam. info
التفاسير:

external-link copy
18 : 8

ذَٰلِكُمۡ وَأَنَّ ٱللَّهَ مُوهِنُ كَيۡدِ ٱلۡكَٰفِرِينَ

Iyon nga, at na si Allāh ay tagapagpahina ng panlalansi ng mga tagatangging sumampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
19 : 8

إِن تَسۡتَفۡتِحُواْ فَقَدۡ جَآءَكُمُ ٱلۡفَتۡحُۖ وَإِن تَنتَهُواْ فَهُوَ خَيۡرٞ لَّكُمۡۖ وَإِن تَعُودُواْ نَعُدۡ وَلَن تُغۡنِيَ عَنكُمۡ فِئَتُكُمۡ شَيۡـٔٗا وَلَوۡ كَثُرَتۡ وَأَنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

[O mga tagatangging sumampalataya,] kung humihiling kayo ng pasya ay dumating na sa inyo ang pasya. Kung titigil kayo, ito ay mabuti para sa inyo. Kung manunumbalik kayo [sa pagkalaban] ay manunumbalik Kami [pagtalo sa inyo] at hindi makapagdudulot sa inyo ang pangkatin ninyo ng anuman kahit pa man dumami ito. Si Allāh ay kasama sa mga mananampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
20 : 8

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَلَا تَوَلَّوۡاْ عَنۡهُ وَأَنتُمۡ تَسۡمَعُونَ

O mga sumampalataya, tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya at huwag kayong tumalikod sa kanya habang kayo ay nakaririnig. info
التفاسير:

external-link copy
21 : 8

وَلَا تَكُونُواْ كَٱلَّذِينَ قَالُواْ سَمِعۡنَا وَهُمۡ لَا يَسۡمَعُونَ

Huwag kayong maging gaya ng mga nagsabi: “Nakarinig kami,” samantalang sila ay hindi nakaririnig. info
التفاسير:

external-link copy
22 : 8

۞ إِنَّ شَرَّ ٱلدَّوَآبِّ عِندَ ٱللَّهِ ٱلصُّمُّ ٱلۡبُكۡمُ ٱلَّذِينَ لَا يَعۡقِلُونَ

Tunay na ang pinakamasama sa mga kumikilos na nilalang sa ganang kay Allāh ay ang mga bingi at ang mga pipi, na hindi nakapag-uunawa. info
التفاسير:

external-link copy
23 : 8

وَلَوۡ عَلِمَ ٱللَّهُ فِيهِمۡ خَيۡرٗا لَّأَسۡمَعَهُمۡۖ وَلَوۡ أَسۡمَعَهُمۡ لَتَوَلَّواْ وَّهُم مُّعۡرِضُونَ

Kung sakaling nakaalam si Allāh sa kanila ng isang kabutihan, talaga sanang nagparinig Siya sa kanila; at kung sakaling nagparinig Siya sa kanila, talaga sanang tumalikod sila habang sila ay mga umaayaw. info
التفاسير:

external-link copy
24 : 8

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱسۡتَجِيبُواْ لِلَّهِ وَلِلرَّسُولِ إِذَا دَعَاكُمۡ لِمَا يُحۡيِيكُمۡۖ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ يَحُولُ بَيۡنَ ٱلۡمَرۡءِ وَقَلۡبِهِۦ وَأَنَّهُۥٓ إِلَيۡهِ تُحۡشَرُونَ

O mga sumampalataya, tumugon kayo kay Allāh at sa Sugo kapag nag-anyaya siya sa inyo para sa magbibigay-buhay sa inyo. Alamin ninyo na si Allāh ay humaharang sa pagitan ng tao at [ninanasa ng] puso nito at na tungo sa Kanya kakalapin kayo. info
التفاسير:

external-link copy
25 : 8

وَٱتَّقُواْ فِتۡنَةٗ لَّا تُصِيبَنَّ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ مِنكُمۡ خَآصَّةٗۖ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ

Mangilag kayo sa isang pagsubok na hindi nga tatama nang natatangi sa mga lumabag sa katarungan kabilang sa inyo.[2] Alamin ninyo na si Allāh ay matindi ang parusa. info

[2] bagkus maaaring tumama sa mabuti at masama

التفاسير: