ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐ ߟߎ߬ ߘߟߊߡߌߘߊ - ߝߟߌߔߌ߲ߞߊ߲ (ߕߖߊߟߏ߯ߖ) - ߙߎ߬ߥߊ߯ߘߎ-ߕߊ߬ߙߑߖߡߊ ߝߊ߲ߓߊ ߓߟߏ߫

ߞߐߜߍ ߝߙߍߕߍ:close

external-link copy
5 : 63

وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ تَعَالَوۡاْ يَسۡتَغۡفِرۡ لَكُمۡ رَسُولُ ٱللَّهِ لَوَّوۡاْ رُءُوسَهُمۡ وَرَأَيۡتَهُمۡ يَصُدُّونَ وَهُم مُّسۡتَكۡبِرُونَ

Kapag sinabi sa kanila: “Halikayo, hihingi ng tawad [mula kay Allāh] para sa inyo ang Sugo ni Allāh,” ay nag-iiling-iling sila ng mga ulo nila at nakakikita ka sa kanila na sumasagabal habang sila ay mga nagmamalaki. info
التفاسير:

external-link copy
6 : 63

سَوَآءٌ عَلَيۡهِمۡ أَسۡتَغۡفَرۡتَ لَهُمۡ أَمۡ لَمۡ تَسۡتَغۡفِرۡ لَهُمۡ لَن يَغۡفِرَ ٱللَّهُ لَهُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡفَٰسِقِينَ

Magkapantay sa kanila na humingi ka man ng tawad para sa kanila o hindi ka humingi ng tawad para sa kanila; hindi magpapatawad si Allāh sa kanila. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail. info
التفاسير:

external-link copy
7 : 63

هُمُ ٱلَّذِينَ يَقُولُونَ لَا تُنفِقُواْ عَلَىٰ مَنۡ عِندَ رَسُولِ ٱللَّهِ حَتَّىٰ يَنفَضُّواْۗ وَلِلَّهِ خَزَآئِنُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَلَٰكِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ لَا يَفۡقَهُونَ

Sila ay ang mga nagsasabi: “Huwag kayong gumugol sa mga nasa piling ng Sugo ni Allāh hanggang sa magkahiwa-hiwalay sila [palayo sa kanya].” Sa kay Allāh ang mga ingatang-yaman ng mga langit at lupa, subalit ang mga mapagpaimbabaw ay hindi nakapag-uunawa. info
التفاسير:

external-link copy
8 : 63

يَقُولُونَ لَئِن رَّجَعۡنَآ إِلَى ٱلۡمَدِينَةِ لَيُخۡرِجَنَّ ٱلۡأَعَزُّ مِنۡهَا ٱلۡأَذَلَّۚ وَلِلَّهِ ٱلۡعِزَّةُ وَلِرَسُولِهِۦ وَلِلۡمُؤۡمِنِينَ وَلَٰكِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ لَا يَعۡلَمُونَ

Nagsasabi sila: “Talagang kung bumalik kami sa Madīnah ay talaga ngang magpapalisan ang pinakamakapangyarihan mula roon sa pinakakaaba-kaaba.” Sa kay Allāh ang kapangyarihan, sa Sugo Niya, at sa mga mananampalataya, subalit ang mga mapagpaimbabaw ay hindi nakaaalam. info
التفاسير:

external-link copy
9 : 63

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تُلۡهِكُمۡ أَمۡوَٰلُكُمۡ وَلَآ أَوۡلَٰدُكُمۡ عَن ذِكۡرِ ٱللَّهِۚ وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ

O mga sumampalataya, huwag lumibang sa inyo ang mga yaman ninyo ni ang mga anak ninyo palayo sa pag-alaala kay Allāh. Ang sinumang gumawa niyon, ang mga iyon ay ang mga lugi. info
التفاسير:

external-link copy
10 : 63

وَأَنفِقُواْ مِن مَّا رَزَقۡنَٰكُم مِّن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَ أَحَدَكُمُ ٱلۡمَوۡتُ فَيَقُولَ رَبِّ لَوۡلَآ أَخَّرۡتَنِيٓ إِلَىٰٓ أَجَلٖ قَرِيبٖ فَأَصَّدَّقَ وَأَكُن مِّنَ ٱلصَّٰلِحِينَ

Gumugol kayo [sa kawanggawa] mula sa itinustos Namin sa inyo bago pa pumunta sa isa sa inyo ang kamatayan para magsabi siya: “Panginoon ko, bakit hindi Ka nag-aantala sa akin hanggang sa isang taning na malapit para magkawanggawa ako at ako ay maging kabilang sa mga maayos?” info
التفاسير:

external-link copy
11 : 63

وَلَن يُؤَخِّرَ ٱللَّهُ نَفۡسًا إِذَا جَآءَ أَجَلُهَاۚ وَٱللَّهُ خَبِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ

Hindi mag-aantala si Allāh sa isang kaluluwa kapag dumating ang taning nito. Si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo. info
التفاسير: