ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐ ߟߎ߬ ߘߟߊߡߌߘߊ - ߝߟߌߔߌ߲ߞߊ߲ (ߕߖߊߟߏ߯ߖ) - ߙߎ߬ߥߊ߯ߘߎ-ߕߊ߬ߙߑߖߡߊ ߝߊ߲ߓߊ ߓߟߏ߫

ߞߐߜߍ ߝߙߍߕߍ:close

external-link copy
6 : 60

لَقَدۡ كَانَ لَكُمۡ فِيهِمۡ أُسۡوَةٌ حَسَنَةٞ لِّمَن كَانَ يَرۡجُواْ ٱللَّهَ وَٱلۡيَوۡمَ ٱلۡأٓخِرَۚ وَمَن يَتَوَلَّ فَإِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡغَنِيُّ ٱلۡحَمِيدُ

Talaga ngang nagkaroon para sa inyo sa kanila[3] ng isang magandang huwaran para sa sinumang naging nag-aasam kay Allāh at sa Huling Araw. Ang sinumang tatalikod, tunay na si Allāh ay ang Walang-pangangailangan, ang Kapuri-puri. info

[3] Ibig sabihin: kina Abraham at mga sumunod sa kanya.

التفاسير:

external-link copy
7 : 60

۞ عَسَى ٱللَّهُ أَن يَجۡعَلَ بَيۡنَكُمۡ وَبَيۡنَ ٱلَّذِينَ عَادَيۡتُم مِّنۡهُم مَّوَدَّةٗۚ وَٱللَّهُ قَدِيرٞۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

Marahil si Allāh ay maglagay sa pagitan ninyo at ng mga inaway ninyo kabilang sa kanila ng isang pagmamahal. Si Allāh ay May-kakayahan. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. info
التفاسير:

external-link copy
8 : 60

لَّا يَنۡهَىٰكُمُ ٱللَّهُ عَنِ ٱلَّذِينَ لَمۡ يُقَٰتِلُوكُمۡ فِي ٱلدِّينِ وَلَمۡ يُخۡرِجُوكُم مِّن دِيَٰرِكُمۡ أَن تَبَرُّوهُمۡ وَتُقۡسِطُوٓاْ إِلَيۡهِمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُقۡسِطِينَ

Hindi sumasaway sa inyo si Allāh kaugnay sa mga [tagatangging sumampalataya na] hindi nakipaglaban sa inyo dahil sa Relihiyon [ninyo] at hindi nagpalisan sa inyo mula sa mga tahanan ninyo, na magsamabuting-loob kayo sa kanila at magpakamakatarungan kayo sa kanila. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakamakatarungan. info
التفاسير:

external-link copy
9 : 60

إِنَّمَا يَنۡهَىٰكُمُ ٱللَّهُ عَنِ ٱلَّذِينَ قَٰتَلُوكُمۡ فِي ٱلدِّينِ وَأَخۡرَجُوكُم مِّن دِيَٰرِكُمۡ وَظَٰهَرُواْ عَلَىٰٓ إِخۡرَاجِكُمۡ أَن تَوَلَّوۡهُمۡۚ وَمَن يَتَوَلَّهُمۡ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ

Sumasaway lamang sa inyo si Allāh kaugnay sa mga [tagatangging sumampalataya na] nakipaglaban sa inyo dahil sa Relihiyon [ninyo], nagpalisan sa inyo mula sa mga tahanan ninyo, at nagtaguyod sa pagpapalisan sa inyo, na tumangkilik kayo sa kanila. Ang sinumang tumangkilik sa kanila, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan. info
التفاسير:

external-link copy
10 : 60

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا جَآءَكُمُ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتُ مُهَٰجِرَٰتٖ فَٱمۡتَحِنُوهُنَّۖ ٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِإِيمَٰنِهِنَّۖ فَإِنۡ عَلِمۡتُمُوهُنَّ مُؤۡمِنَٰتٖ فَلَا تَرۡجِعُوهُنَّ إِلَى ٱلۡكُفَّارِۖ لَا هُنَّ حِلّٞ لَّهُمۡ وَلَا هُمۡ يَحِلُّونَ لَهُنَّۖ وَءَاتُوهُم مَّآ أَنفَقُواْۚ وَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ أَن تَنكِحُوهُنَّ إِذَآ ءَاتَيۡتُمُوهُنَّ أُجُورَهُنَّۚ وَلَا تُمۡسِكُواْ بِعِصَمِ ٱلۡكَوَافِرِ وَسۡـَٔلُواْ مَآ أَنفَقۡتُمۡ وَلۡيَسۡـَٔلُواْ مَآ أَنفَقُواْۚ ذَٰلِكُمۡ حُكۡمُ ٱللَّهِ يَحۡكُمُ بَيۡنَكُمۡۖ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ

O mga sumampalataya, kapag dumating sa inyo ang mga babaing mananampalataya bilang mga tagalikas ay sulitin ninyo sila. Si Allāh ay higit na maalam sa pananampalataya nila. Kaya kung nalaman ninyo na sila ay mga babaing mananampalataya, huwag kayong magpapabalik sa kanila sa mga tagatangging sumampalataya. Hindi sila ipinahintulot para sa mga ito ni ang mga ito ay pinahihintulutan para sa kanila. Magbigay kayo sa mga ito ng ginugol ng mga ito [na bigay-kaya sa mga maybahay ng mga ito]. Walang maisisisi sa inyo na magpakasal kayo sa kanila kapag nagbigay kayo sa kanila ng mga bigay-kaya sa kanila. Huwag kayong kumapit sa mga bigkis ng kasal sa mga babaing tagatangging sumampalataya. Humingi kayo ng ginugol ninyo [na bigay-kaya] at humingi ang mga ito ng ginugol ng mga ito. Iyon ay ang kahatulan ni Allāh; humahatol Siya sa pagitan ninyo. Si Allāh ay Maalam, Marunong. info
التفاسير:

external-link copy
11 : 60

وَإِن فَاتَكُمۡ شَيۡءٞ مِّنۡ أَزۡوَٰجِكُمۡ إِلَى ٱلۡكُفَّارِ فَعَاقَبۡتُمۡ فَـَٔاتُواْ ٱلَّذِينَ ذَهَبَتۡ أَزۡوَٰجُهُم مِّثۡلَ مَآ أَنفَقُواْۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ ٱلَّذِيٓ أَنتُم بِهِۦ مُؤۡمِنُونَ

Kung may nakaalpas sa inyo na sinuman mula sa mga maybahay ninyo patungo sa mga tagatangging sumampalataya at nakasamsam kayo [sa digmaan], magbigay kayo sa mga inalisan ng mga maybahay nila ng tulad ng ginugol nila [na bigay-kaya]. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, na kayo ay sa Kanya mga mananampalataya. info
التفاسير: