ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐ ߟߎ߬ ߘߟߊߡߌߘߊ - ߝߟߌߔߌ߲ߞߊ߲ (ߕߖߊߟߏ߯ߖ) - ߙߎ߬ߥߊ߯ߘߎ-ߕߊ߬ߙߑߖߡߊ ߝߊ߲ߓߊ ߓߟߏ߫

ߞߐߜߍ ߝߙߍߕߍ:close

external-link copy
25 : 57

لَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا رُسُلَنَا بِٱلۡبَيِّنَٰتِ وَأَنزَلۡنَا مَعَهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡمِيزَانَ لِيَقُومَ ٱلنَّاسُ بِٱلۡقِسۡطِۖ وَأَنزَلۡنَا ٱلۡحَدِيدَ فِيهِ بَأۡسٞ شَدِيدٞ وَمَنَٰفِعُ لِلنَّاسِ وَلِيَعۡلَمَ ٱللَّهُ مَن يَنصُرُهُۥ وَرُسُلَهُۥ بِٱلۡغَيۡبِۚ إِنَّ ٱللَّهَ قَوِيٌّ عَزِيزٞ

Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo Namin kalakip ng mga malinaw na patunay at nagpababa Kami kasama sa kanila ng kasulatan at timbangan upang magpanatili ang mga tao ng pagkamakatarungan. Nagpababa Kami ng bakal, na dito ay may matinding kapangyarihan at mga pakinabang para sa mga tao, at upang maglantad si Allāh kung sino ang mag-aadya sa Kanya at mga sugo Niya nang nakalingid. Tunay na si Allāh ay Malakas, Makapangyarihan. info
التفاسير:

external-link copy
26 : 57

وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا نُوحٗا وَإِبۡرَٰهِيمَ وَجَعَلۡنَا فِي ذُرِّيَّتِهِمَا ٱلنُّبُوَّةَ وَٱلۡكِتَٰبَۖ فَمِنۡهُم مُّهۡتَدٖۖ وَكَثِيرٞ مِّنۡهُمۡ فَٰسِقُونَ

Talaga ngang nagsugo Kami kina Noe at Abraham at naglagay Kami sa mga supling nilang dalawa ng pagkapropeta at Kasulatan, kaya kabilang sa kanila ay napapatnubayan at marami kabilang sa kanila ay mga suwail. info
التفاسير:

external-link copy
27 : 57

ثُمَّ قَفَّيۡنَا عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِم بِرُسُلِنَا وَقَفَّيۡنَا بِعِيسَى ٱبۡنِ مَرۡيَمَ وَءَاتَيۡنَٰهُ ٱلۡإِنجِيلَۖ وَجَعَلۡنَا فِي قُلُوبِ ٱلَّذِينَ ٱتَّبَعُوهُ رَأۡفَةٗ وَرَحۡمَةٗۚ وَرَهۡبَانِيَّةً ٱبۡتَدَعُوهَا مَا كَتَبۡنَٰهَا عَلَيۡهِمۡ إِلَّا ٱبۡتِغَآءَ رِضۡوَٰنِ ٱللَّهِ فَمَا رَعَوۡهَا حَقَّ رِعَايَتِهَاۖ فَـَٔاتَيۡنَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مِنۡهُمۡ أَجۡرَهُمۡۖ وَكَثِيرٞ مِّنۡهُمۡ فَٰسِقُونَ

Pagkatapos nagpasunod Kami sa mga bakas nila ng mga sugo Namin. Nagpasunod Kami kay Jesus na anak ni Maria at nagbigay Kami sa kanya ng Ebanghelyo. Naglagay Kami sa mga puso ng mga sumunod sa kanya ng isang habag at isang awa. May monastisismo na pinauso nila, na hindi Kami nagsatungkulin nito sa kanila maliban bilang paghahangad sa pagkalugod ni Allāh, ngunit hindi sila nangalaga rito ayon sa totoong pangangalaga rito. Kaya nagbigay Kami sa mga sumampalataya kabilang sa kanila ng pabuya nila at marami sa kanila ay mga suwail. info
التفاسير:

external-link copy
28 : 57

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَءَامِنُواْ بِرَسُولِهِۦ يُؤۡتِكُمۡ كِفۡلَيۡنِ مِن رَّحۡمَتِهِۦ وَيَجۡعَل لَّكُمۡ نُورٗا تَمۡشُونَ بِهِۦ وَيَغۡفِرۡ لَكُمۡۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh at sumampalataya kayo sa Sugo Niya, magbibigay Siya sa inyo ng dalawang bahagi mula sa awa Niya, maglalagay Siya para sa inyo ng isang liwanag,[4] na maglalakad kayo sa pamamagitan nito, at magpapatawad Siya para sa inyo. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. info

[4] Na napapatnubayan kayo sa pamamagitan nito sa buhay ninyo sa Mundo at ipinanliliwanag ninyo sa Landasin sa Kabilang-buhay.

التفاسير:

external-link copy
29 : 57

لِّئَلَّا يَعۡلَمَ أَهۡلُ ٱلۡكِتَٰبِ أَلَّا يَقۡدِرُونَ عَلَىٰ شَيۡءٖ مِّن فَضۡلِ ٱللَّهِ وَأَنَّ ٱلۡفَضۡلَ بِيَدِ ٱللَّهِ يُؤۡتِيهِ مَن يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ ذُو ٱلۡفَضۡلِ ٱلۡعَظِيمِ

[Ito ay] upang makaalam ang mga May Kasulatan[5] na hindi sila nakakakaya [na kumamit] sa anuman mula sa kabutihang-loob ni Allāh at na ang kabutihang-loob ay nasa kamay ni Allāh: nagbibigay Siya nito sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay may kabutihang-loob na sukdulan. info

[5] na mga Hudyo at mga Kristiyano

التفاسير: