ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐ ߟߎ߬ ߘߟߊߡߌߘߊ - ߝߟߌߔߌ߲ߞߊ߲ (ߕߖߊߟߏ߯ߖ) - ߙߎ߬ߥߊ߯ߘߎ-ߕߊ߬ߙߑߖߡߊ ߝߊ߲ߓߊ ߓߟߏ߫

ߞߐߜߍ ߝߙߍߕߍ:close

external-link copy
24 : 48

وَهُوَ ٱلَّذِي كَفَّ أَيۡدِيَهُمۡ عَنكُمۡ وَأَيۡدِيَكُمۡ عَنۡهُم بِبَطۡنِ مَكَّةَ مِنۢ بَعۡدِ أَنۡ أَظۡفَرَكُمۡ عَلَيۡهِمۡۚ وَكَانَ ٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرًا

Siya ay ang pumigil sa mga kamay nila laban sa inyo at sa mga kamay ninyo laban sa kanila sa lambak ng [Ḥudaybīyah malapit sa] Makkah matapos na nagpanalo Siya sa inyo laban sa kanila [na sumalakay sa inyo papunta sa Makkah]. Laging si Allāh sa anumang ginagawa ay Nakakikita. info
التفاسير:

external-link copy
25 : 48

هُمُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَصَدُّوكُمۡ عَنِ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ وَٱلۡهَدۡيَ مَعۡكُوفًا أَن يَبۡلُغَ مَحِلَّهُۥۚ وَلَوۡلَا رِجَالٞ مُّؤۡمِنُونَ وَنِسَآءٞ مُّؤۡمِنَٰتٞ لَّمۡ تَعۡلَمُوهُمۡ أَن تَطَـُٔوهُمۡ فَتُصِيبَكُم مِّنۡهُم مَّعَرَّةُۢ بِغَيۡرِ عِلۡمٖۖ لِّيُدۡخِلَ ٱللَّهُ فِي رَحۡمَتِهِۦ مَن يَشَآءُۚ لَوۡ تَزَيَّلُواْ لَعَذَّبۡنَا ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۡهُمۡ عَذَابًا أَلِيمًا

Sila ay ang mga tumangging sumampalataya at sumagabal sa inyo sa Masjid na Pinakababanal at sa inaalay habang pinigilan na makarating sa pinag-aalayan nito. Kung hindi dahil sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya na hindi kayo nakaalam sa kanila [sa Makkah] – na baka makapaslang kayo sa kanila para may tumama sa inyo dahil sa kanila na isang kapintasan nang wala sa kaalaman [ninyo] – [talaga sanang nagpahintulot Siya sa iyo sa pagsakop sa Makkah] upang magpapapasok si Allāh ng awa Niya sa sinumang niloloob Niya. Kung sakaling nabukod sila [ng mga mananampalataya at mga tagatangging sumampalataya] ay talaga sanang pinagdusa Namin ang mga tumanging sumampalataya kabilang sa kanila ng isang pagdurusang masakit. info
التفاسير:

external-link copy
26 : 48

إِذۡ جَعَلَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فِي قُلُوبِهِمُ ٱلۡحَمِيَّةَ حَمِيَّةَ ٱلۡجَٰهِلِيَّةِ فَأَنزَلَ ٱللَّهُ سَكِينَتَهُۥ عَلَىٰ رَسُولِهِۦ وَعَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَأَلۡزَمَهُمۡ كَلِمَةَ ٱلتَّقۡوَىٰ وَكَانُوٓاْ أَحَقَّ بِهَا وَأَهۡلَهَاۚ وَكَانَ ٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٗا

Noong naglagay ang mga tumangging sumampalataya sa mga puso nila ng [pagkadama ng] kapalaluan, kapalaluan ng Panahon ng Kamangmangan, ay nagpababa si Allāh ng katahimikan Niya sa Sugo Niya at sa mga mananampalataya, nagpanatili Siya sa kanila sa salita ng pangingilag magkasala, at sila ay higit na may karapatan doon at higit na karapat-dapat doon.[5] Laging si Allāh sa bawat bagay ay Maalam. info

[5] Ibig sabihin: ang pagsabi ng Walang Diyos kundi si Allāh.

التفاسير:

external-link copy
27 : 48

لَّقَدۡ صَدَقَ ٱللَّهُ رَسُولَهُ ٱلرُّءۡيَا بِٱلۡحَقِّۖ لَتَدۡخُلُنَّ ٱلۡمَسۡجِدَ ٱلۡحَرَامَ إِن شَآءَ ٱللَّهُ ءَامِنِينَ مُحَلِّقِينَ رُءُوسَكُمۡ وَمُقَصِّرِينَ لَا تَخَافُونَۖ فَعَلِمَ مَا لَمۡ تَعۡلَمُواْ فَجَعَلَ مِن دُونِ ذَٰلِكَ فَتۡحٗا قَرِيبًا

Talaga ngang nagsakatuparan si Allāh sa Sugo Niya ng panaginip ayon sa katotohanan. Talagang papasok nga kayo sa Masjid na Pinakababanal [sa Makkah], kung niloob ni Allāh, na mga ligtas na mga nag-ahit ng mga ulo ninyo [ang ilan] at mga nagpaiksi [ng buhok ang ilan], na hindi kayo nangangamba, saka nakaalam Siya ng hindi ninyo nalaman kaya gumawa Siya bukod pa roon[6] ng isang pagpapawaging malapit. info

[6] Ibig sabihin: ang pagsakop sa Khaybar

التفاسير:

external-link copy
28 : 48

هُوَ ٱلَّذِيٓ أَرۡسَلَ رَسُولَهُۥ بِٱلۡهُدَىٰ وَدِينِ ٱلۡحَقِّ لِيُظۡهِرَهُۥ عَلَى ٱلدِّينِ كُلِّهِۦۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ شَهِيدٗا

Siya ay ang nagsugo sa Sugo Niya [na si Muḥammad] kalakip ng patnubay at Relihiyon ng Katotohanan upang magpangibabaw Siya nito sa [ibang] relihiyon sa kabuuan nito. Nakasapat si Allāh bilang Saksi. info
التفاسير: