ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐ ߟߎ߬ ߘߟߊߡߌߘߊ - ߝߟߌߔߌ߲ߞߊ߲ (ߕߖߊߟߏ߯ߖ) - ߙߎ߬ߥߊ߯ߘߎ-ߕߊ߬ߙߑߖߡߊ ߝߊ߲ߓߊ ߓߟߏ߫

ߞߐߜߍ ߝߙߍߕߍ:close

external-link copy
12 : 47

إِنَّ ٱللَّهَ يُدۡخِلُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۖ وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يَتَمَتَّعُونَ وَيَأۡكُلُونَ كَمَا تَأۡكُلُ ٱلۡأَنۡعَٰمُ وَٱلنَّارُ مَثۡوٗى لَّهُمۡ

Tunay na si Allāh ay magpapapasok sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Ang mga tumangging sumampalataya ay nagpapakatamasa [sa Mundo] at kumakain kung paanong kumakain ang mga hayupan. Ang Apoy ay tuluyan para sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
13 : 47

وَكَأَيِّن مِّن قَرۡيَةٍ هِيَ أَشَدُّ قُوَّةٗ مِّن قَرۡيَتِكَ ٱلَّتِيٓ أَخۡرَجَتۡكَ أَهۡلَكۡنَٰهُمۡ فَلَا نَاصِرَ لَهُمۡ

Kay raming pamayanan ay higit na matindi sa lakas kaysa sa [Makkah na] pamayanan mo na nagpalisan sa iyo! Nagpahamak Kami sa kanila sapagkat walang tagapag-adya para sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
14 : 47

أَفَمَن كَانَ عَلَىٰ بَيِّنَةٖ مِّن رَّبِّهِۦ كَمَن زُيِّنَ لَهُۥ سُوٓءُ عَمَلِهِۦ وَٱتَّبَعُوٓاْ أَهۡوَآءَهُم

Kaya ba ang sinumang nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon niya ay gaya ng mga ipinaakit para sa kanila ang kasagwaan ng gawain nila at sumunod sila sa mga pithaya nila? info
التفاسير:

external-link copy
15 : 47

مَّثَلُ ٱلۡجَنَّةِ ٱلَّتِي وُعِدَ ٱلۡمُتَّقُونَۖ فِيهَآ أَنۡهَٰرٞ مِّن مَّآءٍ غَيۡرِ ءَاسِنٖ وَأَنۡهَٰرٞ مِّن لَّبَنٖ لَّمۡ يَتَغَيَّرۡ طَعۡمُهُۥ وَأَنۡهَٰرٞ مِّنۡ خَمۡرٖ لَّذَّةٖ لِّلشَّٰرِبِينَ وَأَنۡهَٰرٞ مِّنۡ عَسَلٖ مُّصَفّٗىۖ وَلَهُمۡ فِيهَا مِن كُلِّ ٱلثَّمَرَٰتِ وَمَغۡفِرَةٞ مِّن رَّبِّهِمۡۖ كَمَنۡ هُوَ خَٰلِدٞ فِي ٱلنَّارِ وَسُقُواْ مَآءً حَمِيمٗا فَقَطَّعَ أَمۡعَآءَهُمۡ

Ang paglalarawan sa Paraiso – na pinangakuan ang mga tagapangilag magkasala roon ng mga ilog mula sa tubig na hindi nagbabago, ng mga ilog mula sa gatas na hindi nagbago ang lasa nito, ng mga ilog mula sa alak na kasarapan para sa mga tagainom, at ng mga ilog mula sa pulut-pukyutan na dinalisay, at may ukol sa kanila roon na lahat ng mga bunga at isang kapatawaran mula sa Panginoon nila – ay gaya ba ng mga mamamalagi sa Apoy at paiinumin ng isang nakapapasong tubig kaya magpuputul-putol ito sa mga bituka nila? info
التفاسير:

external-link copy
16 : 47

وَمِنۡهُم مَّن يَسۡتَمِعُ إِلَيۡكَ حَتَّىٰٓ إِذَا خَرَجُواْ مِنۡ عِندِكَ قَالُواْ لِلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَ مَاذَا قَالَ ءَانِفًاۚ أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ طَبَعَ ٱللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ وَٱتَّبَعُوٓاْ أَهۡوَآءَهُمۡ

Mayroon sa kanila [ng mga tagatangging sumampalataya] na [nagkukunwaring] nakikinig sa iyo; hanggang nang nakalabas sila mula sa piling mo ay nagsabi sila sa mga binigyan ng kaalaman: “Ano ang sinabi niya kanina?” Ang mga iyon ay ang mga nagpinid si Allāh sa mga puso nila at sumunod sa mga pithaya nila. info
التفاسير:

external-link copy
17 : 47

وَٱلَّذِينَ ٱهۡتَدَوۡاْ زَادَهُمۡ هُدٗى وَءَاتَىٰهُمۡ تَقۡوَىٰهُمۡ

Ang mga napatnubayan [sa landas ng Islām] ay nagdagdag Siya sa kanila ng patnubay at nagbigay Siya sa kanila ng pangingilag nilang magkasala. info
التفاسير:

external-link copy
18 : 47

فَهَلۡ يَنظُرُونَ إِلَّا ٱلسَّاعَةَ أَن تَأۡتِيَهُم بَغۡتَةٗۖ فَقَدۡ جَآءَ أَشۡرَاطُهَاۚ فَأَنَّىٰ لَهُمۡ إِذَا جَآءَتۡهُمۡ ذِكۡرَىٰهُمۡ

Kaya naghihintay kaya sila ng maliban pa sa Huling Sandali, na sumapit ito sa kanila nang bigla sapagkat dumating na ang mga tanda nito? Kaya papaanong ukol sa kanila, kapag dumating [ang Huling Sandali na] ito sa kanila, ang paalaala sa kanila? info
التفاسير:

external-link copy
19 : 47

فَٱعۡلَمۡ أَنَّهُۥ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا ٱللَّهُ وَٱسۡتَغۡفِرۡ لِذَنۢبِكَ وَلِلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِۗ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مُتَقَلَّبَكُمۡ وَمَثۡوَىٰكُمۡ

Kaya alamin mo na walang Diyos [na karapat-dapat sambahin] kundi si Allāh at humingi ka ng tawad para sa pagkakasala mo at para sa [mga pagkakasala ng] mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya. Si Allāh ay nakaaalam sa ginagalawan ninyo at tuluyan ninyo [sa gabi ninyo]. info
التفاسير: