ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐ ߟߎ߬ ߘߟߊߡߌߘߊ - ߝߟߌߔߌ߲ߞߊ߲ (ߕߖߊߟߏ߯ߖ) - ߙߎ߬ߥߊ߯ߘߎ-ߕߊ߬ߙߑߖߡߊ ߝߊ߲ߓߊ ߓߟߏ߫

ߞߐߜߍ ߝߙߍߕߍ:close

external-link copy
49 : 34

قُلۡ جَآءَ ٱلۡحَقُّ وَمَا يُبۡدِئُ ٱلۡبَٰطِلُ وَمَا يُعِيدُ

Sabihin mo: “Dumating ang katotohanan, at hindi nagpapasimula ang kabulaanan[4] at hindi ito nagpapanumbalik.” info

[4] ang demonyo, si Satanas, o ang anumang sinasamba bukod pa kay Allāh.

التفاسير:

external-link copy
50 : 34

قُلۡ إِن ضَلَلۡتُ فَإِنَّمَآ أَضِلُّ عَلَىٰ نَفۡسِيۖ وَإِنِ ٱهۡتَدَيۡتُ فَبِمَا يُوحِيٓ إِلَيَّ رَبِّيٓۚ إِنَّهُۥ سَمِيعٞ قَرِيبٞ

Sabihin mo: “Kung naligaw ako ay maliligaw lamang ako laban sa sarili ko. Kung napatnubayan ako ay dahil sa ikinakasi sa akin ng Panginoon ko. Tunay na Siya ay Madinigin, Malapit.” info
التفاسير:

external-link copy
51 : 34

وَلَوۡ تَرَىٰٓ إِذۡ فَزِعُواْ فَلَا فَوۡتَ وَأُخِذُواْ مِن مَّكَانٖ قَرِيبٖ

Kung sakaling makikita mo kapag nanghilakbot sila [na mga tagatangging sumampalataya] ngunit walang lusot [sa sandaling iyon] at dadaklutin sila mula sa isang pook na malapit. info
التفاسير:

external-link copy
52 : 34

وَقَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِهِۦ وَأَنَّىٰ لَهُمُ ٱلتَّنَاوُشُ مِن مَّكَانِۭ بَعِيدٖ

Magsasabi sila: “Sumampalataya kami rito [ngayon].” Paanong ukol sa kanila ang pag-abot [sa pananampalataya] mula sa isang pook na malayo? info
التفاسير:

external-link copy
53 : 34

وَقَدۡ كَفَرُواْ بِهِۦ مِن قَبۡلُۖ وَيَقۡذِفُونَ بِٱلۡغَيۡبِ مِن مَّكَانِۭ بَعِيدٖ

Tumanggi nga silang sumampalataya rito bago pa niyan at naghahakahaka sila hinggil sa nakalingid mula sa isang pook na malayo. info
التفاسير:

external-link copy
54 : 34

وَحِيلَ بَيۡنَهُمۡ وَبَيۡنَ مَا يَشۡتَهُونَ كَمَا فُعِلَ بِأَشۡيَاعِهِم مِّن قَبۡلُۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ فِي شَكّٖ مُّرِيبِۭ

Haharangan sa pagitan nila at ng ninanasa nila, gaya ng ginawa sa mga kakampi nila bago pa niyan. Tunay na sila ay dating nasa isang pagdududang tagapagpaalinlangan [sa buhay sa Kabilang-buhay]. info
التفاسير: